Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at puro puti lamang ang nakikita ko. Nagka-lagnat lang ako sa langit na agad ang punta ko? Napaka-bilis naman ata ng mga pang-yayare.
"She's awake!" nadako naman ang paningin ko sa nagsalita.
"Ayos ka lang ba?"
"Mah masakit ba sa'yo?"
"Gusto mo ng pagkain?"
"Tatawagin ko lang yung doctor!"
"Nagugutom ka ba?"
Pinag-mamasdan ko sila isa-isa kung paano sila mag-alala sa akin. Mukhang nasa tamang akong mga kaibigan.
"Bilisan niyong tumawag ng doctor, sabihin niyo hindi nagsasalita yung pasyente!"
Napatingin naman ako kay Jonard dahil sa sinabi niya. Para silang timang na hinihintay akong mag-salita.
"Nagugutom ako, gusto ko ng pagkain!" I said.
Para silang nabunutan ng tinik dahil narinig na nila akong mag-salita. Inalalayan ako ni John Fred na maupo. Binigyan nila ako ng pagkain. Dumating naman si Jade na may kasamang doctor at dalawang nurse.
Kung ano-ano lang ang tinanong nila sa akin at umalis na rin. Hindi ako na-inform na pati sa hospital ay meron ring question and answer portion. Pinagpatuloy ko na ang naudlot kong pagkain at nakipag-kwentuhan sa mga kumag na 'to.
"Kamusta yung gig?" wala akong narinig ni isang sagot mula sa kanila. Tumingin ako sa kanila at lahat sila ay malungkot.
"H-Hindi na'tin nakuha yung scholarship," saad ni Sean.
"Ok lang yun, kakausapin ko na lang si Dean." I tried to smile para hindi na sila mag-alala about the scholarship.
Two days passed, at grounded pa rin ako. Nalaman na rin ng parents ko about sa pagtakas ko, kaya yun nadagdagan ng isang buwan ang grounded days ko. Dalawang araw ko na ring hinahanap si Chester para isauli yung hoodie niya.
"Nasaan kaya yun?" bulong ko sa sarili ko.
"Hey Miss, sinong hanap mo?" Napatingin naman ako sa likuran ko kung saan nagmula ang boses na narinig ko. It's Kurt, Chester's best friend!
"A-Ah, wala!" Aalis na sana ako sa lugar na yun ng bigla niya akong hilain pabalik.
"Chester is on a date!" Tinaguan ko na lang siya at umalis na sa lugar na yun.
'Chester is on a date!'
Argh...kahit nasa klase na ako ay paulit-ulit ko pa rin yang naririnig sa utak ko. Ibig sabihin girl friend niya yung kasama niya sa bar?
"Miss Ramos, are you listening?" bumalik ako sa wisyo ng marinig ko ang boses ng terror teacher namin.
"Yes Sir!"
"Kung nakikinig ka nga talaga, what is Arithmetic Sequence?" Sir Archie raised an eyebrow. Baklang 'to!
"An Arithmetic Sequence is a sequence of numbers such that the difference between the consecutive terms in constant."
"How about the formula?"
"An=A1+(n-1)d"
"That's all for today!"
While walking, i saw a group of students standing on the bulletin board. Siguro ay may bago na namang announcement si Dean. Malapit na kasi ang intramurals kaya baka may pacontests siya or what.
Nakisali na rin ako sa mga nag-kukumpulang estudyante rito para malaman kung anong ganap. Ilang minuto akong nakipagtitigan sa bulletin board bago mag-sink-in sa akin ang lahat ng nakasulat sa papel.
"Ano sasali tayo?" Nakangiting tanong ko sa kanilang lahat.
"Para sa scholarship!"
Meron pa kaming one month para makapag-ensayo. Since weekends na bukas, sa bahag ni Sean kami magpra-practice. Kanina pa ako dito sa kwarto ko nag-iisip kung paano ako magpapaalam kay Mommy.
"Mom?" kinakabahang tawag ko kay Mommy.
"I'm busy, Monique!" She said.
"Magpapa–"
"No!" wala pa nga akong sinasabi eh.
Wala na akong nagawa kaya bumalik na ako sa kwarto ko. I get my suitcase and open my wardrobe. Kumuha lang ako ng ilang damit na kakasya sa dalawang maleta ko.
Kinuha ko rin ang mga naipon kong pera para pang-renta sa condo. Tapos na ako sa pag-iimpake kaya humiga muna ako saglit sa kama ko. Tuluyan ng bumagsak ang butil ng luha sa mga mata ko. Nasasakal na ako!
Pinunasan ko ang luha na pumapatak sa mata ko. Tiningnan ko ang oras sa screen ng cellphone ko at pumunta na sa c.r para maligo. It's already the tine na naisip kong maglayas. Kinuha ko ang itim kong blazer at lumabas na ng kwarto.
Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto ng parents ko para kunin ang susi ng kotse ko. Sa drawer ako unang nag-hanap at nakita ko kaagad. Bumaba na ako papuntang parking lot dala ang dalawang maleta at isang bag.
Nagpunta ako sa isang condo na malayo sa villages namin. Second floor pa ang room ko kaya sumakay ako sa elevator. May kasama akong isang babae, maganda, sexy, at makinis.
Sa second floor din ang punta niya kaya sabay kaming lumabas ng elevator. Sa katabi kong condo siya pumunta. Mukhang bisita lang siya nung kapit-bahay ko. Inayos ko ang mga gamit ko at pumunta sa kusina para magluto.
Noodles lang ang niluto ko kasi hindi pa ako nakakapag-grocery. Bukas na lang siguro ako mag-ayos ng nga gamit. Pumasok ako sa kwarto para maligo. Maliit lang ang kwarto na para lang talaga sa akin.
"Kumpleto na kayo?"
[Ikaw na lang kulang!]
"Nasa elevator na ako."
[Sige!]
Nakakatanggap pa rin ako ng messages galing sa pamilya ko. Napag-isipan ko na rin na bumili ng bagong sim para hindi nila ako matawagan or what. I knocked the door twice at pinagbuksan nila ako.
Nagkamali pa nga ako ng pinuntagan. Akala ko ay wala pang condo si Sean kaya sa bahay nila ako pumunta. Kung hindi pa tumawag si Sean ay hindi ko malalamang may condo na siya.
"Lumayas ka daw?" tanong nilang lahat sa akin.
"Not totally lumayas, magpapalamig lang ako," sabi ko. "Tara practice na tayo."
Napag-usapan namin na BAD GUY ang kakantahin ko. Idol kasi namin si Billie Eilish.
♪White shirt now red,♬
♪my b****y nose, sleepin' you're on your tippy toes♬
♪Creepin' around like no one knows,♬
♪Think you're so criminal♬
Napatigil kami sa pag-kanta ng biglang may kumatok. Sinilip ni Jonard ang butas ng pinti para malaman kung sino ang kumatok.
"Monique, yung Mommy mo!"
Shems, saan ako magtatago? Nagpunta ako sa kwarto ni Sean para mag-tago. Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan para marinig ang pag-uusapan nila.
"Nagpunta ba dito si Monique?"
"Po? Wala po ba siya sa bahay niyo?" naks, galing mo Jade!
"Pati damit niya wala."
"Nag-text po siya sa amin na hindi daw po siya makakasali kasi hindi niyo daw po siya pinayagan!"
"Ganun ba? Sige, tawagan niyo na lang ako pag nakausap niyo na siya."
Nang makarinig aki ng pag-bukas at pag-sara ng pinto ay lumabas na ako sa kwarto naguguilty tuloy ako sa ginawa ko. Mukhang nag-aalala na ang pamilya ko sa akin.
Nah, uuwi rin naman ako! Pag-ayos na ang lahat. Pagkatapos naming mag-practice ay umuwi na ako. Bitbit-bitbit ko rin ang mga groceries na pinamili ko. Bumili na rin ako ng nga gamit pang-linis.
Pagsakay ko ng elevator ng kasabay ko na naman ang babaeng kasabay ko rin kagabi. Kaano-ano niya kaya yung kapit-bahay ko? Pagka-tunog ng bell ay lumabas na ako.
Binagalan ko talagang mag-lakad para makita ko kung sino yung lagi niyang binibisita. She knocked the door and i saw the reflectiob of a man. Ito na ba yung girl friend niya?
'Chester'