Chapter 41 Mabilis 'kong dinampot ang cellphone 'ko ng tumunog iyon at kunot noo 'kong binasa ang message mula sa 'di pamilyar na numero. Eat well. -Daddy O Pagkabasa 'ko nun ay tipid akong napangiti at saktong bumukas ang pinto kung saan ay niluwa nito ang sekretarya 'ko na dala ang isang paper bag. "Ma'am.. lunch niyo raw po." Tipid akong tumango sa kaniya at inilapag nito ang dalang paper bag sa lamesa 'ko bago umalis. Hindi na ako nag taka ng humalimuyak iyong pamilyar na amoy ng buksan 'ko ang lunch box. Siguradong si Troy ang nag luto at nag padala nito. It's been a week since the day I came to his house. Simula rin ng araw na 'yun hindi 'ko na ulit nakita si Troy kahit hibla man lang ng buhok niya pero palaging may pagkain ang dumadating sa opisina at kung minsan ay bigla na

