Chapter 40 "Ma'am?" Mabilis akong napapahid sa pisngi 'ko ng bumukas ang pinto at dumungaw mula rito ang sekretarya 'ko. "Y-yes?" It's been a week since that day pero iyong sakit wala pa ring kakupas kupas. I tried to recollect myself pero ang hirap pala mag adjust at kahit anong gawin 'kong pag aabala sa sarili 'ko, siya at siya pa rin ang tumatakbo sa isip 'ko. "May bisita po kayo." Napatingin pa ako sa kaniya na animo'y nag tatanong. "Godwill po ang pangalan." Agad na sagot nito ng maintindihan niya iyong gusto 'kong sabihin. Pasalamat na lang ako at hindi na si Troy iyon. Walang araw na hindi siya pumupunta rito kaya ganun na lang ang bilin 'ko sa security na huwag na huwag papasukin si Troy kahit mag pumilit pa siya. "Papasukin mo." Saktong paglabas nito ay siyang pag dating

