Nang uwian na ay nakita ulit ni Aya ang dalagang kasama si Hiro. Dumating siya kasama si Hiro at masaya silang nag-uusap habang kumakaen.
Sumali si Aya kina Karen at Jeff sa labas ng silid aralan.
"Girl, nandiyan na naman ang karibal mo! Hmmp!" sabi ni Jeff.
"Aba, pabayaan mo na lang sila. Sabay na tayong umuwi." sabi ni Aya.
"Hindi alam ng babaeng yan, na si Hiro ay boyfriend mo na!" sabi ni Jeff.
"Baka hindi pa niya alam, na ang kaibigan nating ito ay kasintahan ni Hiro!" sabi ni Karen.
"Tsk! Huwag nga kayong maingay, baka may makarinig sa iyo!" saway ni Aya sa mga ito.
"Eh, ikaw talaga ang girlfriend ni Hiro, bakit hindi mo ba tinatanggi! Hindi ka din niya hahalikan kung hindi mo siya boyfriend noh!" sabi ni Jeff.
"Shhhiiii! Huwag kang masyadong maingay!" sabi ni Aya.
Nang papalapit na sila sa gate ay napansin nila si Hiro na kausap si Monica, habang sila ay dumadaan at masaya silang nag-usap ni Hiro. Tumalikod muna sila at nagtago sa damuhan at pinakinggan ang pinag-uusapan ng dalawa.
"Naaalala mo dati nung bata pa tayo, tumatakbo at naglaro tayo sa ulan?" masayang sinasabi ni Monica habang iniwasiwas pa nito ang mga braso sa hangin, habang nagkwekwento.
"Ah oo, syempre naman!" sabi ni Hiro.
"Kumusta ang Mommy at Daddy mo? Nakatira pa rin ba kayo sa dati niyong address? Pwede ba akong bumisita minsan?" tanong ni Monica.
"Ah, ok naman sila. Oo doon pa rin kami nakatira. Oo naman pwede, palagi kang welcome sa bahay namin." sabi ni Hiro habang nakangiti.
"Talaga?! Pupunta ako sa bahay niyo sa linggong ito!" sabi ni Monica at ngumiti din siya.
"Ok sige! Sasabihin ko din kay Mommy na pupunta ka." sabi ni Hiro.
"Ok thank you. Well, take care!" sinabi ni Monica.
"Ingat ka din!" sabi ni Hiro at naglakad ng papalayo si Hiro.
Pagkatapos ay pumunta si Hiro sa paradahan ng kotse at hinintay ang pagdating ni Aya.
Hindi nagtagal ay lumabas na sila Aya mula sa pagtatago, nang makalayo na sila Monica at Hiro.
"Haist, grabe! Narinig mo yun, pupunta siya sa bahay nila Hiro!" sabi ni Jeff.
"Yes, at mukhang close talaga sila!" sabi ni Karen.
"Girl, kumusta ka? Baka nakawan ka ng kaloveteam ng babaeng yun!" naiinis na sabi ni Jeff.
"Tumigil kayong dalawa. Eh ano kung bumisita siya, hindi naman masama. Kung magkaibigan talaga sila." sabi ni Aya.
"Ah basta, basta bantayan mo ang babaeng yan, kapag pumunta siya sa bahay nila Hiro. Feeling ko, may binabalak yan eh! Ikaw din!" sabi ni Jeff.
"Ok, ok! Sige na, aalis na ako." sabi ni Aya.
"Oh sige, ingat ka." sabi ni Karen.
"Kayo rin na dalawa, ingat kayo." sabi ni Aya.
Pagkatapos ay naghiwalay na silang tatlo at umuwi na. Pumunta siya sa parking lot at nakita si Hiro doon na nakatayo sa sasakyan na naghihintay sa kanya. Lumapit siya sa kanya at sumakay sa sasakyan.
"Bakit ka na huli? Kahit na ikaw na ang naunang umalis sa room, pero nauna parin ako sa iyo." tanong ni Hiro.
"Sorry, nag-usap pa kami ni Karen." sabi ni Aya.
"Tsk! Halika na nga!" sabi ni Hiro.
Pagkatapos ay pumasok na sila sa kotse at nananahimik na naman sila sa loob hanggang makauwi.
Nang magbihis si Hiro ay nagpunta siya sa sala at umupo sa sofa at naglaro ng cellphone. Napansin niya si Aya na dumadaan, tinawag niya ito.
"Hey, wala pa bang pagkain?" tanong ni Hiro.
"Ah, hindi pa tapos magluto eh." sabi ni Aya
"Ah ganun ba, pakidalhan mo muna ako ng meryenda." sabi ni Hiro.
"Ah ok sige." sabi ni Aya.
Pagkatapos ay nagtungo siya sa kusina at kumuha ng pagkain. Hiniwa niya ang ilang prutas at gumawa ng sandwich at inilagay ito sa plato. Pagkatapos ay nagtungo siya sa sala at inilapag sa mesa ang dalang pagkaen at juice.
Pagkatapos ay lalakad na sana siya papalayo, pero bigla siyang hinila ni Hiro sa braso at siya ay natumba at nahulog sa hita ni Hiro. Nagulat si Aya nang bigla siyang hilahin ni Hiro. At niyakap siya ni Hiro sa bewang para di siya makaalis.
"San ka pupunta? Pakainin mo muna ako." sabi ni Hiro.
"Teka, may kamay ka naman at may gagawin pa ako sa kusina." sabi ni Aya habang pilit inaalis ang kamay ni Hiro na nakapulopot sa baywang niya.
"Gusto kong pakainin mo ako." sabi ni Hiro.
"Tsk! Bitawan mo ako! Baka makita tayo ng Mommy mo!" sabi ni Aya.
"Hindi, hindi ka makakaalis, hanggat hindi mo ako sinusubuan." sabi ni Hiro habang nakangiti.
Huminga ng malalim si Aya at sumunod kay Hiro. Inabot niya ang plate at kumuha ng sandwich at pinakain si Hiro.
Habang isinubo niya ang prutas sa bibig ni Hiro, ramdam na ramdam niya ang pagsayad ng dila nito sa daliri niya, sa tuwing susubo niya ito. Napalunok naman si Aya sa kakaibang naramdaman, hindi na lang niya iyon punansin at pinagpatuloy ang pagsubo kay Hiro.
Pagkatapos ay humawak si Hiro ng isang ubas at inilagay ito sa kanyang mga labi at tumingin sa kanya. Siya naman ay naintindihan ang ibig sabihin ni Hiro.
"Hindi, busog pa ako!" sabi ni Aya.
Ngunit si Hiro ay lumapit sa mukha ni Aya at idinikit ang ubas sa kanyang mga labi. Sa sandaling sumunod si Aya ay nilapitan si Hiro at kinagat ang ubas mula sa labi ni Hiro.
Sabay ngumiti si Hiro sa kanya. Pagkatapos ay sinubo muli ni Hiro ang mga ubas, at pinakain muli kay Aya.
Muling kumilos si Aya at kinagat ang ubas, ngunit sa pagkakataong ito ay hinalikan siya ni Hiro ng madiin, hinawakan siya sa likuran ng kanyang ulo, upang maiwasan siyang makatakas.
Pagkatapos ay pilit na hinalikan siya ni Hiro sa labi. Nagulat si Aya at nagpupumiglas siya pilit na itinutulak si Hiro. Pero wala siyang gaanong lakas kumpara sa lakas ni Hiro. Dagdag pa ang mahigpit na pagyakap nito sa katawan niya. Ang halik na iyon ay tumagal din ng ilang minuto. Nang halos maiyak na siya at halos hindi na makahinga, ay tsaka lang huminto si Hiro at ngumisi sa kanya.
Namula ang labi ni Aya sa halik na iyon ni Hiro, talagang pinanggigilan ang mga labi niya ni Hiro.
"Ikaw!!!" sabi ni Aya at tinulak niya ng malakas si Hiro.
Agad siyang tumayo at nagtungo sa kusina. Naiwan si Hiro na tumatawa sa sofa, habang hinahaplos ang mga labi na galing sa mga halik ni Aya.