Binalewala lang sila ni Hiro at umupo sa upuan. Si Aya at ang kanyang mga kamag-aral ay tumingin sa isa't isa at bumulong. Lumapit ang kanyang bakla na kaibigan sa kanya.
"Hoy babae, boyfriend mo ba yan?" Mahina niyang tanong.
"Ha, hindi." tumanggi si Aya.
"Eh bakit ikaw pa rin ang magkasama ngayon?" sabi ni Jeff.
"Mahabang kuwento, sasabihin ko lang sa iyo sa breaktime!" sabi ni Aya.
"Sige, sabay tayo mamaya maglunch." sabi ni Jeff.
"Sige." sabi ni Aya.
Pagkatapos ay bumalik na siya sa kanyang upuan at nagsimula na ang klase.
Sa panahon ng breaktime, kumain sina Aya at ang kanyang dalawang kaibigan na sina Karen at Jeff.
Kumuha sila ng kanilang pagkain at umupo sa lamesa.
Samantala, sa pasilyo, sinalubong ng isang babae si Hiro habang nakikipag-usap sa isang kaibigan na si Troy. Nagkabunggo silang dalawa.
"Aaahh...!" sigaw ng babae.
"I'm sorry." sabi ni Hiro sa nabunggong babae.
Sinulyapan niya ang babae at nagulat si Hiro nang malaman kung sino ito.
"Monica?" pagsisigurado niya rito.
"Oo! Ako nga. Hiro?" sabi ni Monica habang nakangiti.
Si Monica ang kababata ni Hiro, nagpunta siya sa ibang bansa kaya nagkahiwalay sila. Mas maganda siya ngayon kaysa dati. Maganda siya at may mahabang buhok. Natuwa si Hiro nang makita siya.
"Kumusta ka? Nag-aaral ka rin dito?" tanong ni Hiro.
"Oo." sabi ni Monica.
"Kailan ka bumalik?" sabi ni Hiro.
"Nung nagsimula ang klase dito. Papunta ka ba sa canteen, pwede ba tayong magkasama?" sabi ni Monica.
"Yeah, sure! By the way, ito ang kaibigan kong si Troy." pakilala ni Hiro.
"Kumusta, Troy!" bati niya kay Troy.
"Kumusta Monica!" sabi ni Troy at nakipagkamay kay Monica.
Pagkatapos ay nagtungo sila sa canteen nang sabay. Bumili si Hiro ng pagkain ni Monica, at binayaran niya ito.
"Ako na magbabayad." sabi ni Hiro.
"Oh salamat!" sabi ni Monica at ngumiti kay Hiro.
Pagkatapos ay naupo sila sa lamesa. Napansin ito ng grupo ni Aya.
"Hoy, hindi ba si Hiro yun? Bakit kasama siya ng ibang babae? Akala ko ba ikaw ay girlfriend niya?!" pagtatakang tanong ni Jeff kay Aya.
"Hindi kami." mahinang sabi ni Aya.
"Anong hindi? Sinabi mo sa amin dati na ikaw ang kasintahan ni Hiro, at ngayon itinanggi mo ito? Tsaka, bakit ka niya hinalikan?" tanong ni Karen.
"Eh kasi galit siya sa akin!" sabi ni Aya.
"Eh, bakit kayo magkasabay kanina?" sabi ni Jeff.
"Ang totoo kasi niyan, nagtratrabaho ako para kala Hiro bilang isang katulong." sabi ni Aya habang yumuko siya.
"Ano?!" sabay sabi ng dalawa, at nagulat sa sinabi niya.
"Dahil may utang ang aking Tatay, at ngayon nagtatrabaho ako, para hindi ako tumigil sa pag-aaral." sabi ni Aya.
"Ah, ganyan ba." sabi ni Karen habang kinuha ang kamay nito.
"Ngunit girl, tingnan mo si Hiro ay may kasamang iba pang babae! Kilala mo ba siya?" tanong ni Jeff.
"Hindi, ikaw Aya?" sabi ni Karen.
"Hindi ko rin siya kilala!" sabi ni Aya.
"Napakaganda ng hitsura nila at mukhang gusto din siya ni Hiro!" sabi ni Jeff.
"Ah, mabuti na yan, may gusto siya sa ibang tao, para hindi niya na ako abalahin pa!" sabi ni Aya habang kumakain.
"Haist! Ok, kumain na nga tayo." sabi ni Jeff.
Pagkatapos ay nagpatuloy silang kumain. Napansin ni Hiro na nakatingin sa kanya si Aya dahil kasama niya ang ibang babae. Ngumiti lang si Hiro at nagpatuloy sa pakikipag-usap kay Monica.
Nang matapos silang kumain, bumalik na sila sa silid-aralan.
Habang naglalakad sila sa pasilyo ay binigyan siya ni Karen ng kendi. Napansin sila ni Hiro. Nakasandal siya sa harap ng kanilang silid habang nagsasalita si Troy.
Nakita rin nila si Aya na nakatayo sa buong silid, sa sandaling tinawag siya ni Hiro.
"Hey, pahinge ng kendi!" sumigaw siya.
Huminto naman si Aya at tumingin kay Karen.
"Karen, may candy ka pa ba?" sabi ni Aya.
Lumingon si Hiro sa kanila ...
"Ha, ubos na 'yun kendi ko." sabi ni Karen.
"Ah, wala na siyang kendi." sabi ni Aya kay Hiro.
"Ehdi, 'yun sayo na lang!" sabi ni Hiro.
At agad na yumuko si Hiro at hinawakan ang likod ng kanyang ulo at hinalikan ang labi ni Aya.
Nagulat naman si Aya sa ginawa ni Hiro, nagtinginan sa kanila ang mga mag-aaral sa iba't ibang seksyon.
Naramdaman ni Aya na gumagalaw ang kanyang dila sa loob ng kanyang bibig, hanggang sa kunin niya ang kanyang kendi gamit ang kanyang dila. Pagkatapos ay ngumiti siya at kumindat sakanya si Hiro. Pagkatapos ay bumalik siya sa tabi ni Troy at nakipag-usap uli na parang walang nangyari.
Nabigla sina Jeff at Karen sa kanilang nakita! Sa harap lang nila, na si ay hinalikan si Aya. Huminga ng malalim si Aya at pumasok sa silid.
"Tayo na, pumasok na tayo!" sinabi ni Aya sa dalawa.
Habang papasok ay tumingin sila kay Hiro na parang walang nangyari, nakikipag-usap ulit kay Troy.
At ang iba pang mga estudyante ay nakita si Hiro ang paghalik kay Aya at sila ay nagbulungan at nag-tsismisan tungkol dito.
Nang makapasok sila sa silid, agad na tinanong siya nina Jeff at Karen.
"Girl, hindi ka ba talaga girlfriend ni Hiro? Bakit ka ulit niya hinalikan?" tanong ni Jeff.
"Wala lang! Trip niya lang 'yun, ok?" sabi ni Aya.
"Haist! Kung hinalikan ako ni Hiro, malamang na nahimatay na ako!" sabi ni Jeff.
"Ikaw naman O.A ...!" sabi ni Karen.
"Alam mo, hindi ka hahalikin ni Hiro kung hindi ka niya gusto! Imposible lamang na siya ay magtrip sa iyo, kapag hinalikan ka niya!" sabi ni Jeff.
"Siyempre, higit sa ibang mga ibang babae sa paligid niya! Baka gusto ka niya!" sabi ni Karen.
"Oh, huwag kayong mag-isip! Hindi ako gusto ni Hiro. Tingnan mo ako, kumpara sa ibang babae na kasama niya kanina! Maaaring siya ang tipo ni Hiro, hindi ako!" sabi ni Aya.
"Tsaka, kahit anong ganda at sexy nang kasama niya kanina, kung hindi naman niya 'yun type, hindi magiging sila." sabi ni Karen.
"Korek! Ilang beses ka na din niya hinalikan, who knows kung kayo lang dalawa eh, siguro mas marami pang beses?" sabi naman ni Jeff.
Bigla naman niya pinalo si Jeff sa braso.
"Hindi noh! Ikaw talaga! Nagugulat na nga lang ako, bigla na lang niya ako hinahalikan." sabi ni Aya.
"Eh, bakit hindi ka nagagalit sa kanya, sa tuwing hinahalikan ka niya? Siguro may gusto ka din kay Hiro, noh?" sabi ni Jeff.
"Oo nga, may gusto ka kay Hiro, ayan oh nagblublush ka!" sabi ni Karen sabay turo sa kanyang mukha.
"Hala, hindi noh!" sabi ni Aya.
"Naku, wag mo na ngang ideny, obvious naman eh. Tsaka, happy kami for you!" sabi ni Jeff.
"Oo, siguradong may gusto sayo si Hiro, hindi naman siya ganyan sa ibang babae eh." sabi ni Karen.
"Kaso, simple lang ako at mahirap, hindi kami bagay." sabi ni Aya.
"Kung mahal ka talaga niya, hindi ka niya makikitang hindi maganda, sa paningin niya - maganda ka!" sabi ni Jeff.
"Oo, susuportahan namin ang inyong loveteam!" sabi ni Karen habang natutuwa.
"Haist! Bahala nga kayo!" Sabi ni Aya.
At pagkatapos ang kanilang guro ay pumasok at nagsimulang magturo.