Sa bahay nila Hiro...
Nang gabi ay tinawag ni Hiro si Aya upang gawin ang kanyang assignment. Pumunta siya kay Aya sa kusina habang naglilinis ito ng lamesa.
"Hey, pumunta ka sa kwarto ko, may ipapagawa ako sayo!" utos ni Hiro.
"Ah ok." sabi ni Aya.
Pagkatapos niya maglinis ay pumunta si Aya sa silid ni Hiro. Kumatok muna siya sa pintuan.
"Pasok ka!" narinig niyang sabi ni Hiro.
Binuksan ni Aya ang pintuan at nakita niyang nakatayo ito sa kanyang study table na may laptop.
"Halika dito!" sinabi sa kanya ni Hiro.
Sumunod si Aya at lumapit sa kanya at nakita ang laptop.
"Umupo ka! Pakigawa mo itong assignment!" sabi ni Hiro.
"Ha?" sabi ni Aya nang magulat siya.
"Ano hindi mo ba gagawin?" tanong ni Hiro habang naiinis siya.
Huminga si Aya ng malalim at agad na naupo at nagsimulang gawin ang assignment.
Nang makita ni Hiro na umupo na si Aya sa upuan ay sinabi niya, "Ok!"
Pagkatapos ay lumapit siya sa kanyang kama at umupo sa gilid nito. Pagkatapos ay sumandal sa dingding at kinuha ang kanyang cellphone, para maglaro ng games dito.
Habang ginagawa ni Aya ang kanyang assignment. Napabuntong hininga na lang si Aya sa kasalukuyang sitwasyon niya, na hindi niya magawang magreklamo o tumutol, dahil isa lang siyang katulong.
'Di nagtagal ay hindi niya maintindihan ang mga tanong, na nakasulat sa notebook ni Hiro, kaya tinawag niya ito.
"Ah, Hiro ano ang isinulat mo dito, hindi ko talaga maintindihan?" tanong ni Aya.
Pagkatapos ay lumapit si Hiro sa kanya.
"Saan?" tanong ni Hiro at tumigil sa pagtingin.
"Ito hindi ko makita ang sagot." sabi ni Aya at itinuro niya ito.
"Tsk!" pagkatapos ay yumuko si Hiro sa kanya at nag-type sa laptop.
Napalunok si Aya dahil parang yakap siya nito, habang nagtatype. Nasa likuran niya ito, at naaamoy niya ang mabangong hininga nito.
Pagkatapos maghanap sa internet para sa mga sagot.
"Well, yan ang sagot." sabi ni Hiro.
"Ah, ok." sabi ni Aya.
Ngunit hindi pa rin siya iniwan ni Hiro. Maamoy niya ang kanyang hininga, na humahaplos sa kanyang pisngi, at may isang bagay na hindi komportable sa kanya.
Biglang, naramdaman niyang hinalikan siya ng kaunti ni Hiro sa kanyang leeg. Nabigla siya at naisipang tumayo.
Ngunit hinawakan ni Hiro ang kanyang balikat upang pigilan siya na tumayo. Naramdaman niyang iniyakap ni Hiro ang nga kamay sa kanyang baywang at ipinagpatuloy ang paghalik sa kanyang leeg at hinawakan ang kanyang pisngi at hinalikan ang labi.
Pilit na tinatanggal ni Aya ang kamay nito na nakalagay sa kanyang mukha, ngunit hinawakan ni Hiro ang kanyang kamay.
Huminto si Hiro at ngumisi na tila ba may naisip itong gawin. Binuhat siya ni Hiro at inilapag sa kanyang kama.
Nagulat naman si Aya sa pagbuhat sakanya papuntang kama. Kinakabahan si Aya sa plano ni Hiro na nais nitong mangyare. Umibabaw ito sa kanya, habang nakahiga siya sa malambot na kama. Nag-isip naman ng idadahilan si Aya para makaiwas kay Hiro.
"Hiro, wait!" pigil ni Aya.
"What?" tanong ni Hiro.
"Ah, hindi ko pa natatapos yun ibang assignment mo." dahilan ni Aya.
"Hayaan mo na, ako na lang ang tatapos." sabi ni Hiro.
Pagkatapos ay yumuko si Hiro at ipinagpatuloy niya ang paghalik sa mga labi ni Aya. Hindi na makapag-isip si Aya ng idadahilan, para tumigil si Hiro. Tumitindi na ang halik nito sa kanya, at naramdaman niyang inilapat na nito ang katawan sa kanyang katawan.
Muli pa ay nag-isip si Aya ng maidadahilan, itinulak niya si Hiro para tumigil, at tumitig naman ito sa kanya na nakanuot ang nuo.
"Bakit?" angas nitong tanong.
"Eh, kasi hindi pa ko tapos maglinis sa kusina, baka pagalitan ako." dahilan ni Aya.
Ngumisi naman si Hiro at hinawakan ang baba niya at sinabing, "Aya, wag mo nga akong lokohin. Alam kong nagdadahilan ka lang, pero hindi ka makakaalis dito hanggat hindi natatapos ang gusto kong gawin."
Pagkawika ni Hiro ay muli siya nitong hinalikan. Nagpupumiglas naman si Aya at pilit na itinutulak si Hiro. Naramdaman din niya ang mga kamay ni Hiro sa ibabaw ng kanyang dibdib na humihimas sa mga ito.
Tumigil siya sandali at tinanggal ang damit ni Aya at ang sariling tshirt din. Nagpatuloy siya sa paghalik kay Aya, hanggang sa bumaba ang halik niya sa leeg at sa dibdib nito.
"Hiro please..." pakiusap ni Aya habang pilit parin niyang itinutulak si Hiro. Hinawakan ni Hiro ang dalawang kamay niya at inilapag sa kama. Pagkatapos ay ngumiti sa kanya at hinalikan ulit siya ng madiin.
Nasa ganung posisyon sila, nang biglang bumukas ang pinto.
"Hiro, kapag -" hindi na naituloy ng kanyang Mommy ang sasabihin niya nang makita sila.
Nabigla ang Mommy niya nang makita na pareho silang nasa kama.
"Mom!" nagulat din si Hiro nang makita ang kanyang Mommy.
"Hiro, lumabas ka ngayon din!" galit na sabi ng kanyang Mommy at sinara ang pintuan.
Pagkatapos ay tinawag niya ang kanyang asawa at sinabi sa kanya ang nakita. Naghintay sila sa sala, sa paglabas ni Hiro.
"s**t!" napatayong bigla si Hiro at mabilis na nagbihis. Pagkatapos ay lumabas siya ng kwarto.
Huminga ng malalim si Aya nang makaalis si Hiro. Agad siyang nagbihis at bumalik sa kanyang sariling silid.
Pagkalabas ni Hiro ay nakita niyang ang kanyang mga magulang ay naghihintay sa sala, umupo si Hiro sa kabilang sofa.
"Ano yung nakita ko? Anong ginagawa mo Hiro?" tanong agad ng kanyang Mommy.
"Kailangan ko pa bang ipaliwanag yun?" tanong ni Hiro.
Napailing ang kanyang Mommy sa sagot niya, at muli itong nagsalita.
"Hiro, bakit mo ginawa 'yon? Alam mo na si Aya ay nakikitira lang sa atin! Ano na lang ang sasabihin ng Tatay niya, kapag malaman niya ang ginawa mo?" galit na tanong ng kanyang Mommy.
"Mom, gusto ko siya. Girlfriend ko na siya, bago pa siya dumating dito." sabi ni Hiro.
Napailing ang kanyang parents, sa nalaman.
"Kung ganun, dapat mong respetuhin siya. Hindi mo dapat gawin 'yon!" sinabi ng kanyang Daddy.
"But Dad, I like her! Girlfriend ko naman siya, wala ba kong karapatan na gawin yun?" naiinis na sabi ni Hiro.
"Son, hindi pa kayo mag-asawa para gumawa ng mga bagay na pagsisisihan mo sa bandang huli. Kahit na sabihin mong girlfriend mo si Aya, willing ba siya sa gusto mong gawin sa kanya?" tanong ng Daddy niya.
Napaisip naman si Hiro at lumunok ito. Tumahimik siya at hindi sumagot.
"Anak, bata ka pa, alam kong marami kang gustong gawin sa buhay o maexperience, pero isipin mo din si Aya. May pangarap pa siya sa buhay niya, kung bigla mo siyang mabuntis, lahat yun maglalaho at mag-iiba." paliwanag ng kanyang Daddy.
"Sige, papakasalan ko po siya!" mariin na sabi ni Hiro.
"Anak, huwag kang magmadali sa iyong pagdedesisyon. Marami pang mga babaeng makakatagpo mo." sabi ng kanyang Mommy.
"Mom, Dad, tulad ng sinabi ko, gusto ko po si Aya at papakasalan ko po siya!" sabi ni Hiro.
"Ok, kung talagang gusto mo si Aya, pwede mo siyang pakasalan sa tamang oras. Sa ngayon, magfocus ka muna sa iyong pag-aaral." sabi ng kanyang Daddy.
Humingang malalim si Hiro, nakapag-isip ito tsaka sinabing, "Ok Dad!"
"Son bata pa kayo, huwag ka masyadong maging agresibo! Mahirap kapag bigla mo siyang mabuntis. Kung gusto mo talaga siya, matuto kang maghintay. Dahil hindi kami sasang-ayon na magpakasal kayo, kapag bigla mong mabuntisan siya!" sabi ng kanyang Daddy.
Ikinagulat naman iyon ni Hiro, "What? But Dad I want to marry her."
"Iyon ang kondesyon ko, kailangan mo munang tapusin ang pag-aaral mo. Kapag nabuntis mo siya, hindi mo siya maaaring pakasalan! Tandaan mo yan!" sinabi ng kanyang Daddy.
"But Dad..." pagtutol ni Hiro.
"No but's! Sundin mo ang sinasabi ko sa iyo!" mariin na sabi ng kanyang Daddy at saka siya tumayo at pumasok sa kanilang silid. Sumunod naman ang kanyang Mommy at pumasok din sa silid.
Umalis si Hiro sa sala at pumunta sa may terrace. Hindi niya gusto ang sinabi ng kanyang Daddy. Hindi niya alam kung kaya niyang makontrol ang kanyang damdamin para kay Aya. Lalo na kung pareho sila nasa iisang bahay, sa tuwing nakikita niya si Aya, lagi niya itong gustong halikan at hawakan.
Kinabukasan, muli silang pumasok sa paaralan. Pagkalabas ni Hiro ng sasakyan ay hinila niya ang kamay ni Aya.
Ang mga babaeng naghihintay kay Hiro sa may gate, ay nagulat nang makita siyang may kasama.
Bulong ng mga ito.
"Sino siya?"
"Girlfriend ba siya ni Hiro?"
"Bakit sila magkahawak ng kamay?"
Ikinagulat nilang lahat, nang makita nila ang kanilang crush ay mayhawak na girl habang naglalakad. Nahihiya naman si Aya, pilit niyang hinihila ang kamay, ngunit hinawakan nang mahigpit ni Hiro ito.
"Hiro bitawan mo nga ako, pinagtitinginan na nila tayo!" sabi ni Aya.
Huminto si Hiro at tumingin sa kanya.
"Bakit kita bibitawan, ayaw mo bang sumunod sakin? Gusto mong halikan kita dito?" sabi ni Hiro habang nakangiti.
Kinabahan naman si Aya sa sinabi nito. Yumuko na lamang siya at sumunod kay Hiro. Hanggang sa makarating sila sa kanilang silid aralan ay magkahawak parin sila ng kamay.