HAPPY SUNSHINE'S POINT OF VIEW Mukhang basang sisiw na ewan ang mukha ko ngayon habang laglag pa ang panga. Parang huminto ang mundos. Nakatitig lang ako sa lalakingg ngayon ay nakababa ang tingin sa akin. Inuusisa ko ang mga mata niya. As usual, itim, parang patay, itim na itim. Kaya hindi ko masabi kung nagsisinungaling ba siya o nagsasabi ng totoo. “H—Haha! P-Palabiro ka rin pala 'no?” mapakla akong tumawa. Pinunasan ko na rin ang mga luha sa pisngi ko, kaya lang natuyo na ang iba kaya naman mukha akong tanga ngayon. For sure. Tinaasan niya lang ako ng isang kilay, at patuloy lang sa pagtitig sa akin. “A-Ano?! 'Di ka man lang ba magsasalita? Parang tanga naman 'to—do I know you, do I know you ka pang nalalaman diyan.” sinamaan ko siya ng tingin. “Parang 'di mo kinuha nag v*rgi

