SEASON TWO: DARK SIDE HAPPY SUNSHINE'S POINT OF VIEW “Sa table 6 'to, Hapi!” Sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ko. “H-Ha? Sige!” Kinuha ko ang tray na naglalaman ng mga alak na nilapag niya sa counter. Kinakabahan ako, malakas ang t***k ng puso ko pero pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko lalo na't ibabaw sa sahod ko kapag may nabasag akong baso o kung ano pa. Nakarinig ako ng mga pagsipol habang naglalakad ako palapit sa table 6 na nag-order ng mga alak na 'to. Agad kong sinamaan ng tingin ang mga lalaking sumisipol kaya naman natawa sila. Nasa kaliwang side lang sila ay nakatingin sa akin. Nang lampasan ko sila ay tinignan ko muna sila isa-isa. Nang sa wakas ay makapunta na ako sa table 6, nailagay ko na agad ang mga order na bago ay nagpasalamat dahil sa tip nila.

