HAPPY SUNSHINE'S POINT OF VIEW Napaka-bilis lumipas ng bawat araw. Parang kailangan lang ay kakarating pa lang namin dito sa Isla. Pero ngayon, dalawang linggo na ang nakalilipas mula. Masasabi kong naging matiwasay naman ang buhay namin ni Mara. Sadyang mahirap lang sa part na kailangan pa naming sumakay ng bangka kapag gusto naming mamili ng mga kailangan namin. Maliit na tindahan lang kasi ang mayroon dito, walang malalaking convenience store—tapos mabilis pa maubusan o ma-out of stock dahil bilang lang ang mga tindahan. Magandang bahagi rin na nakapag-adjust na agad si Mara sa buhay dito. Sa bagay, nabanggit niya rin naman kasi sa akin na malapit lang din sila sa baybayin noon kaya sanay siyang nasa dagat nakatira. Hindi rin kami nahihirapan sa pang-araw araw na pamumuhay, dahil

