Kabanata 21: Instinct

1608 Words

HAPPY SUNSHINE'S POINT OF VIEW Pinanuod ko na muna ang nangyayari sa harap ko ngayon. Halata ang kaba sa mukha ni Mara, nauutal din siya nang sumagot siya. "P-Pwede naman." Tumawa naman ang kababata kong si Sean, sinuklay pa nito ang may kahabaan buhok bago nagsalita ulit. "Eh manligaw? Pwede ba?" Tignan mo nga naman ang hinayupak na 'to? "Ha... Haha! Nabibingi na yata ako." kita kong pag-iwas ni Mara sa tanong ni Sean. Naging malikot ang mga mata niya, halatang hindi siya komportable kay Sean. Kaya naman bago pa magsalita ang kababata ko, ay agad akong naglakad palapit atsaka sinipa ang bewang niya. Muntik pa siyang matumba dahil sa ginawa ko. timaan dahil sa pagsipa ng kung sino. "Aba! Wala pang halos isang oras dito si Mara pero pinopormahan mo na, Sean?" masungit na sabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD