HAPPY SUNSHINE'S POINT OF VIEW Nanghahamon ang tingin na ipinupukol ko kay Maxim. Talagang hindi ko tinantanan ang mukha niya hangga't hindi niya sinasagot ang tanong ko. Totoo naman diba? Totoo naman lahat ng sinabi at hinala ko. Hindi ako tanga, hindi ako manhid at mas lalong malakas na ang kutob ko dahil na rin sa lalaking nagngangalang Yakov na nag-abot sa akin ng isang magandang balita. “Ano? Bakit hindi ka makasagot, Maxim?” Mahina akong tumawa. “Kung tutuusin, napaka-simple lang ng tanong ko sa'yo pero hindi mo man lang masagot.” Bumangon ako at unti-unting lumapit sa kaniya. At nang makalapit na ako ay nakatingala ako habang nakangisi pero masama ang tingin sa kaniya. “Ano? Naputol na ba ang dila mo't hindi mo man lang masagot ang mga tanong ko?” Kinagat ko ang ibabang-labi k

