Anger "Natulog ka ba Channy?" Puna ni Aly sa mga mata ko kinaumagahan. Ramdam na ramdam ko ang papansin kong eyebugs. Paano ako makakatulog nang maayos kung alam kong nandito sila? Nandito si Harel. "Tinatanong mo pa talaga ako eh ikaw rin naman. Di ka nakatulog nang maayos. Panay igtad ka. Ang likot mo kagabi!" "May gusto lang akong burahin sa utak ko." Bumuntong to ng hininga at inabala ang sarili sa pagrawrapper ng saging. Balak niya na namang dagdagan ng turon ang paninda niya. Tinulungan ko na lamang itong maghanda para mamaya. Ako itong kinakabahan. Sigurado akong pagagalitan niya ako doon. Sigurado akong lalapitan niya ako at tatanungin ng maraming katanungan. Ayoko rin namang takbuhan siya nang panghabang buhay. Ang naging kasalanan ko lang naman ay hindi ako nagpaalam

