Chapter 51 Ayoko sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko pero dahil kaibigan ni dad ang ama niya ay pipilitin kong pakisamahan siya kahit ngayong araw lang. Isa pa gutom na gutom na ako at malaking abala kung aalis ako at maghahanap ng ibang restaurant. Itinuon ako ang aking atensiyon sa menu na dala ng waiter. Umorder ako ng pagkarami-raming pagkain. Bahala siya kung pagtawanan niya ako. Ako naman ang magbabayad ng pagkain ko. "Tito Victor must be very proud of you," saad niya mayamaya. "Noon pa man pangarap na niya na magtrabaho ka sa kompanya." "Na ngayon ko lang ginawa," tugon ko. "Well anyway iiwan ko rin ang kompanya . Nagtrabaho lang ako roon dahil iyon ang habilin ni dad." Saglit akong tumingin sa mata niya. Tila hindi man lang siya nagulat sa sinabi ko. Tumango siya. "But stil

