Chapter 50 "Eat your breakfast, Clint," saad ko nang ilang minuto na ay hindi pa rin ginagalaw ng anak ko ang pagkain sa plato niya. Nakapokus ang atensiyon niya sa hawak na cellphone. Panay ang dutdut niya na tila ba mas importante iyon kaysa sa pagkain. Ilang araw na ang dumaan simula nang umalis si Chuck sa pamamahay na ito at ganito lagi ang sitwasyon namin sa bahay. Palaging busy si Clint sa cellphone at ni minsan ay hindi man lang ako iniimik maliban na lang kung magpapaalam na aalis papuntang school. Anak," muli kong saad dahil tila hindi man lang niya narinig ang unang sinabi ko. "No cellphone during breakfast. Sino ba ang ka-text mo?" "Si Coach." Tumitig siya sa akin na tila ba nangongonsensiya. "Aren't you going to talk to him, mom? Hindi mo ba siya pababalikin dito sa baha

