Chapter 18

2040 Words
Chapter 18 Madaling araw nang magising ako. Mahimbing na natutulog si Chuck sa tabi ko, nakayakap pa siya sa akin kaya hirap na hirap akong tanggalin ang kamay niya na nakapulupot sa tiyan ko. Nang makaupo ako ay kinapa ko ang aking dibdib dahil tila hindi mabigat sa pakiramdam. Dati rati ay sumasakit na ang dibdib ko kapag ganitong oras dahil naiipon na ang gatas. Nagtaka rin ako nang mapansing wala na sa ayos ang butones ng suot kong pantulog. "Nakatulog na si baby matapos dumede sa 'yo. Tulog ka kaya hindi na kita ginising pa." Nilingon ko ang nakapikit pa ring si Chuck. Gano'n ba kapagod ang katawan ko na kahit pagdede ni baby ay hindi ko man lang namalayan? "Go back to sleep, Sweetheart," muling wika ni Chuck pero hindi ko na siya pinansin. Tumayo na lang ako at nilapitan ang mini fridge na naroon sa kwarto. Matapos kumuha ng bottled water ay binuksan ko ang pinto patungo sa terrace. Sumandal ako sa balustre saka uminom ng tubig. Muli, sumagi na naman sa isip ko ang nangyari sa restaurant. Ang babaing iyon! Hindi ko alam kung nagsasabi ng totoo si Chuck dahil nabasa ko ang mga message sa phone niya. Sapat ng ebidensiya 'yon. Minsan na siyang naglihim sa akin at magagawa niya ulit 'yon. Dama ko ang lamig ng simoy ng hangin dahil nanunuot na 'yon sa manipis kong pantulog. Imbes na pumasok ay naupo na lang ako sa bench na naroon sa gilid. Gusto kong mapag-isa, makapag-isip. Kapag kasama ko si Chuck ay nawawala ang kakayahan kong magdesisyon para sa sarili dahil palaging puso ko ang nasusunod. Niyakap ko ang aking mga binti at ipinatong ang aking baba sa tuhod. Mayamaya ay naramdaman ko na lang ang paglapat ng isang malambot na bagay sa aking likod. Ibinalabal sa akin ni Chuck ang dala niyang blanket kaya medyo naibsan ang nararamdaman kong ginaw. "Malamig dito sa labas, Sweetheart." Hindi ko siya sinagot, hindi ko rin siya nilingon. Nanatili ako sa ganoong ayos dahil doon ako komportable. Namalayan ko na lang na tumabi siya sa akin at niyakap ako. "Sweetheart..." "Just leave me alone, Chuck," mahina pero may diin ang pagkakasabi ko niyon. "Sweetheart, galit ka pa ba sa akin?" "I said, leave me alone." Dinig ko ang paghinga niya nang malalim. "Okay. If that's what you want. But I swear, Sweetheart, I'm not seeing that woman. Gawa-gawa niya lang iyon para paghiwalayin tayo. Desperada na ang babaing 'yon. Mahal kita at hindi ko magagawang lokohin ka." Nang wala siyang makuhang sagot mula sa akin ay tumayo siya at pumasok na sa loob. Nilingon ko ang papalayo niyang pigura at aaminin ko, gustong-gusto kong tumayo para yakapin siya at sabihing hindi na ako galit. Na okay na ang lahat, na wala na sa akin ang nangyari sa restaurant. Pero magmumukha na naman akong tanga. Baka mas pa roon ang gawin niya sa susunod dahil alam niyang tanga talaga ako pagdating sa pag-ibig. Hindi na ako dinalaw ng antok kaya nanatili na lang ako roon. Nang mag-uumaga na ay sinilip ko muna si baby. Tulog pa siya kaya bumaba na ako para magluto ng almusal. Maaga akong papasok ngayon sa opisina dahil tambak ang trabahong naghihintay sa akin. "Good morning!" dinig kong saad sa gawing likuran ko. Sa boses pa lang alam kong si Chuck iyon. Abala ako sa pagluluto ng pancake kaya hindi na ako lumingon. "Baby, say good morning to mommy," muli niyang saad kaya napalingon na ako. Karga niya si baby na nakangiti sa akin kaya napangiti na rin ako. In-off ko ang stove at nilapitan sila para halikan si baby ngunit labi ni Chuck ang dumapo sa labi ko. "Good morning, Sweetheart." Iniyakap niya pa sa akin ang kaliwang kamay niya. "I love you. Please don't get mad at me." "Nakaalis na ba si Yaya Auring?" tukoy ko sa night nanny na h-in-ire niya saka kinuha si baby. Hinalikan ko siya sa pisngi kaya tumawa siya na parang kinikiliti. "Yeah. Kaaalis lang." Iniwan ko na si Chuck sa kusina at umakyat ng kwarto para padedehin si baby. Napailing ako nang mapansing nakalatag na sa kama ang damit na isusuot ko. Pati bag at sapatos ay naroon na rin. Inilapag ko si baby sa kama at itinabi ang damit na iyon dahil tingin ko pa lang, alam kong hindi na ako komportable. "You are really hungry, huh?" nakangiti kong saad kay baby habang dumedede. Hinaplos niya lang ang pisngi ko at segundo lang ang dumaan ay humikab ako. Napapikit ako sa sobrang antok at di ko namalayan na nakatulog ako. Nang imulat ko ang mga mata ko ay wala na si baby sa aking tabi. Bigla ang pagsigid ng kaba sa dibdib ko at mabilis kong bumangon dahil baka nalaglag na ang anak ko. "Pinapaarawan ni yaya si baby, Sweetheart," saad ni Chuck at mula sa likod ay naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso niya sa katawan ko saka pinahiga akong muli. "Six thirty pa lang. Matulog ka ulit." Nagpatianod na lang ako dahil bukod sa inaantok talaga ako ay pwersahan akong pinahiga ni Chuck. Hindi ako makaalis sa mga bisig niya dahil sa tuwing tatanggalin ko ang mga braso niya ay mas lalo niyang hinihigpitan ang pagkakayakap sa akin. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng sakit na nadarama ko dahil sa nangyari sa restaurant ay nakatulog pa rin ako. Kahit naiinis ako kay Chuck ay nakakaramdam pa rin ako ng kapayapaan sa piling niya at iyon ang hindi ko maintindihan. Iba ang idinidikta ng isip ko sa isinisigaw ng puso ko. *************** "We need to talk, Sweetheart," panimula ni Chuck matapos kaming mag-almusal. Nakaalis na si Clint papuntang school kaya kaming dalawa lang sa mesa. "I have to go." Tumayo na ako subalit hinawakan niya ang kamay ko kaya naupo akong muli. "Walang katotohanan ang mga sinabi ni Lana, Sweetheart. Maniwala ka sana sa akin," saad niya habang nakatingin sa platong walang laman. "Hindi ko alam kung sino o ano ang paniniwalaan ko, Chuck. Hindi lang iilang beses na nahuli ko ang panloloko mo sa akin pero pinalagpas ko 'yon dahil ang akala ko magbabago ka." "I never cheated on you." Tumingin siya sa mga mata ko. "I swear." "Never? Pinapatawa mo ba ako, ha, Chuck?" Gusto ko sanang isumbat sa kaniya ang gabi-gabi niyang pag-alis sa bahay noong buntis pa ako para lang magpunta sa bar pero ma-le-late na ako sa trabaho. "Sweetheart-" "May trabaho pa ako." Tumayo na ako at lumabas na ng bahay. Hinalikan ko na lang si baby nang madaanan ko sa may veranda. Nakaupo siya sa stroller at hawak ang feeding bottle. Naroon naman si yaya sa tabi niya. "I have to go, baby. I love you." Humagikhik na naman ito kaya napangiti ako. Nakakawala ng problema ang tawa ni baby. "Nga pala, yaya, ngayon ang check-up ni baby sa pedia-" "Kahapon pa, Sweetheart," sabat ni Chuck na nakasumod pala sa akin. "Kompleto na siya ng vaccine. After six months, pwede na siyang pakainin ng solid food, di ba, baby?" Lumuhod siya at hinaplos ang ulo ni baby. Iniiwas ko ang paningin sa mag-ama ko. Napaka-hands on ni Chuck pagdating sa bata. Maalaga siya at mapagmahal kaya kapag ganito na ang ikinikilos niya ay tila nawawala lahat ng galit at pagtatampo ko sa kaniya. Ibang-iba talaga siya kumpara kay Fern. "I have to go." Tumalikod na ako at pasimpleng pinunasan ang kumawalang luha sa pisngi ko. "Wait. Ihahatid kita, Sweetheart." Nakatingin lang ako sa labas ng kotse habang tinatahak namin ang daan papuntang opisina. Marami na namang kwento si Chuck pero mas pinili kong manahimik. "Where do you wanna go this coming weekend, Sweetheart?" "Sa bahay." "Punta tayo sa Baguio." Masigla ang boses niya, tinapunan niya pa ako ng tingin at ngumiti. "Hindi tayo nakasama kina Jude at Viv noong nakaraang buwan." "You can go then. Walang pumipigil sa 'yo." Hindi na siya nagsalita pa. Tanging buntong-hininga lang niya ang narinig ko hanggang sa makarating kami sa kompanya ni dad. Hindi ko na siya hinintay pa na pagbuksan ako ng pinto, bumaba na ako at laking gulat ko nang mapansing naroon sa lobby si Rico. Abot-abot ang kaba sa dibdib ko nang tumayo si Rico nang matanaw ako. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Chuck sa kanang kamay ko at pinisil pa iyon. Sa gilid ng mga mata ko ay napansin ko ang galit sa mukha niya. "D*mn!" bulong niya. "Lumitaw na naman 'yong isang asungot." "Behave, Chuck. Ayoko ng gulo." "Hindi ako ang nanggugulo, Sweetheart. Ako ang ginugulo at wala akong choice kundi ipaglaban ang kung ano ang akin." "Good morning, Ma'am. Good morning, Sir," bati sa amin ng mga empleyado roon. Ngumiti lang ako, tumango naman si Chuck. "I'm warning you, Chuck," bulong ko dahil malapit na kami kay Rico. "Hi, Ligs!" bati ni Rico at inabot sa akin ang dala niyang bulaklak. "Congratulations! Ikaw na pala ang nagpapatakbo ng kompanyang ito." Ayokong mapahiya si Rico kaya tinanggap ko ang bulaklak. Pansin ko ang tensiyong namamagitan sa kanila ni Chuck. Nakatingin lang sila sa isa't-isa at base sa mga tinginan na iyon alam kong mayroon silang di pagkakaintindihan. Sadyang nagtitimpi lang sila dahil naroon ako sa harapan nilang dalawa. "Nag-abala ka pa. Anyway thank you sa mga bulaklak," saad ko at tumingin kay Chuck para maiwasan ang tangkang paghalik ni Rico sa aking pisngi. "I bet magkakilala na kayo ni Rico, Sweetheart?" Sinadya kong iyon ang itawag sa kaniya para mabawasan ang insecurities nito sa katawan. Sa mahigit isang taong pagkakakilala ko kay Chuck ay kabisado ko na ang ugali niya kapag ganitong nakakausap ko ang mga dati kong kakilala at mga kasing edad ko. "Of course, Ligs," sabat ni Rico. "Iisa lang ang mundong ginagalawan namin at ilang beses na ring nagkurus ang aming landas." Makahulugan itong tumingin sa gawi ni Chuck na tila nagtitimpi. "Really, Sweetheart?" Dama kong nagulat si Chuck nang muling marinig ang endearment ko sa kaniya. "You didn't tell me-" "Sorry, Sweetheart. Hindi ko ba nabanggit sa 'yo na noon pa kilala ko na si Rico?" Tumingin siya kay Rico at ngumiti nang nakakainsulto. "I was just eight years old nang una kong makita si Rico, Sweetheart." Kasabay ng pag-igting ng mga panga ni Chuck ay ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. "Resort. May 10, 2003. Does it ring a bell?" Napansin ko ang biglaang pamumutla ni Rico sa sinabing iyon ni Chuck. Mababanaag ang takot sa mukha niya pero agad ding napalitan ng ngiti nang tumingin sa akin. "I don't know what he's talking about, Ligs. Anyway, I have to go. Dumaan lang ako just to congratulate you." Tumango lang ako at nagpasalamat ulit. "Chuck," saad ko nang makaalis na si Rico. Pansin ko kasi ang mahigpit na pagkakahawak ni Chuck sa bag ko na naroon sa kabila niyang kamay. Tila gustong-gusto niyang suntukin si Rico. "Doon tayo sa opisina." Hinila ko na ang kamay niya papunta sa elevator at nang may madaanan kaming trash bin ay walang pag-aalinlangan kong inilagay doon ang bulaklak na binigay ni Rico. "Thank you, Sweetheart," saad ni Chuck nang nasa loob na kami ng elevator. "For what?" "Para sa pag-intindi ng nararamdaman ko. I really don't like that sh*t! Mapapatay ko siya." "Chuck! Don't say that. Mabait si Rico." "Hindi mo alam ang pagkatao ng hayop na 'yon kaya ayokong nakikipag-usap ka sa kaniya." Namumula na ang mukha niya sa sobrang galit. "Pinagbabawalan mo ba ako, Chuck?" "Oo." Bumukas na ang elevator at mukha ni Paul ang bumungad sa amin. Nakangisi ito habang nakatingin kay Chuck. Sh*t! Hindi pa nga tapos ang problema ko kay Lana, dumagdag pa ang alalahanin ko kay Rico pati na ang Paul na ito. "Chuckie boy." Nakangisi pa rin si Paul. "Nagustuhan mo ba ang sorpresa ko sa 'yo?" Tumingin siya sa akin at nagbigay-galang. Ngumisi na rin si Chuck. "Nice one. But try harder next time. No one beats a Faulker, Saavedra. No one. Now get out of our way." Hindi ko maintindihan ang ikinikilos ni Chuck. Bigla na lang ang pagbabago ng mood niya nang makita si Rico. Nang makapasok na kami sa loob ng opisina ko ay naupo siya sa sopa at nilagatok ang mga daliri na para bang may away na pinaghahandaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD