Chapter 59 Bisperas na ng pasko at katulad ng dati ay walang Chuck na nagagawi man lang sa bahay. Mukhang tuluyan na niya kaming kinalimutan. Kung maibabalik ko lang sana ang mga panahong maayos pa kami. 'Yong mga panahong wala siyang ibang bukambibig kundi ako. Nakakapanghinayang talaga. Aminado naman ako na kasalanan ko talaga. Hindi ako lubos na nagtiwala sa kaniya sa takot na baka masaktan lang ako. Pero sa huli ako pa rin ang nasasaktan. Ni minsan talaga ay hindi sumagi sa isip ko na may magmamahal sa akin. Sa laki ng sugat na iniwan ng ama ni Clint sa puso ko, maging sa pagkatao ko ay imposibleng maghilom iyon. Subalit dumating si Chuck at ginising niya ang natutulog kong puso. Ang makulit na iyon, ang lalaking kung ituring ko ay isang bata pero mas mature pa mag-isip kaysa sa a

