Chapter 57 Papunta dapat ako sa burol ni Rico pero pinigilan ako ng mga kaibigan ko. Galit na galit daw kasi sa akin ang nanay ni Rico at sa akin isinisisi ang pagkamatay ng anak. Minabuti kong pumasok na lang sa opisina, ilang araw na rin kasi akong hindi nakapasok. Si Chuck ay wala pa rin akong balita. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. Minsan naiisip ko kung tuluyan niya na ba akong kinalimutan. Maraming mga bagay ang sumasagi sa utak ko habang subsob ako sa pagbabasa ng tambak na mga papeles. Hindi ako makapag-concentrate. Tila isang bagsakan ang pagdating ng mga problema sa buhay ko. Sunod-sunod at parang wala na yatang katapusan. Hindi pa tapos ang isang problema ay may darating na namang panibagong problema. Itinigil ko ang pagbabasa at lumipat sa mahaba

