CHAPTER 13

1745 Words
  NASA labas na ng apartment si Martin nang mapansin niyang hindi niya dala ang kanyang body bag. Bigla siyang kinabahan. Naiwan niya yata iyon sa apartment nila ni Jonas. May bagay kasi doon na ayaw niyang makita nito dahil alam niyang masasaktan ito. Mga bagay na hindi pa siya handang sabihin dito. Iniwanan niya muna ang maleta sa isang tabi at nagmamadaling tumakbo pabalik sa apartment. Kailangan niyang bilisan at baka makita ni Jonas ang bag at buksan nito iyon. Kapag nangyari iyon ay hindi na niya alam ang gagawin. Pagbukas niya ng pinto ay doon niya nalaman na huli na ang lahat dahil nasa kamay na ni Jonas ang bagay na ayaw niyang makita nito. Natigilan siya at hindi makaalis sa pagkakatayo sa may pintuan. Nakaupo si Jonas sa sofa at umiiyak na napatingin sa kanya. May hawak itong mga papel. Tumayo ito. “Ano ito? Bakit hindi mo ito sinabi sa akin? A-akala ko ba no more secrets? Ano ito, Martin?!” May halong hinanakit na tanong ni Jonas. Natigalgal si Martin. “I’m s-sorry… K-kanina ko lang din kasi nalaman… S-saka ayokong sabihin talaga sa iyo dahil ayokong mag-isip ka ng kung ano.” Yumuko siya. Nilapitan siya ni Jonas. Ang akala niya ay magagalit ito ngunit isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa kanya. “Mag-partner tayo, Martin! Ano ba?! Hindi ka talaga nag-iisip!” iyak nito. Ginantihan niya nang mahigpit na yakap “Sorry! Ayaw ko na sana itong ipaalam sa iyo dahil alam kong masasaktan ka. Gusto ko ring sabihin sa iyo na `yong lalaking nakita mo kanina na kasama ko ay ang doktor na tumitingin sa akin. Hindi kami galing sa motel kundi sa ospital sa tapat ng motel. Nagkataon lang talaga na may motel sa tapat ng ospital kaya kahit papaano ay naiintindihan ko kung bakit ganoon ang inisip mo. I’m sorry, Jonas…” Tuluyan nang dumaloy ang luha ni Martin. “Hindi na kita kayang lokohin kaya mali talaga ang iniisip mo sa akin.” Mahina siyang hinampas ni Jonas sa likod. “Bakit hindi mo sinabi agad? Ang daya mo talaga!” Bahagya itong lumayo ngunit nakakapit pa rin ang mga kamay sa balikat niya. “Partner tayo, `di ba? Ang problema mo ay problema ko rin. Mas gagaan iyan kung magtutulungan tayo. Nangako tayo sa isa’t isa na magtutulungan tayo sa lahat ng bagay! Martin, wala ka bang tiwala sa akin para hindi mo sabihin sa akin na may brain tumor ka?” Pakiramdam niya ay gumuho ang mundo ni Jonas nang sabihin nito ang huling pangungusap na sinabi nito. Umiling siya. “Hindi sa ganoon. Ayoko lang na mahirapan ka sa sitwasyon ko. Gusto ko na wala kang iisipin kundi ang kasal natin. Gusto ko lang na maging masaya ka habang paparating ang araw na pinaka hihintay natin!” Pinupunasan ng kamay niya ang luha sa mukha ng kaniyang nobyo. Parang dinudurog ang puso niya dahil umiiyak ito dahil sa kaniya. “Kahit na! Ang daya mo, Martin!” himutok pa ni Jonas. Ang papel na hawak ni Jonas ang resulta ng mga test na isinagawa sa kanya. CT scan at MRI. Nakita doon na may tumor nga siya sa utak. Kaya pala nitong mga nakaraang araw ay madalas ang pagsakit ng ulo niya. Hindi lang niya iyon ipinahahalata kay Jonas dahil ayaw niyang mag-alala ito. Kilala niya kasi ito. Grabe itong mag-react sa mga ganoong bagay. Noong nakaraang araw ay mas matindi na ang p*******t ng ulo niya at nagsuka pa siya kaya naman nagtungo na agad siya sa doktor at kanina lang niya nakuha ang resulta. Suminghot si Jonas. Iyak pa rin ito nang iyak. “A-ano ibig sabihin ng meningioma brain tumor na ito? Ano ang sabi ng doktor?” Medyo itinaas nito ang papel. “Pwede bang umupo tayo para maipaliwanag ko sa iyo nang maayos?” Kinalma na niya muna ang sarili mula sa pag-iyak. Magkahawak-kamay na umupo sila sa sofa at sinimulan na niya ang pagpapaliwanag dito ng sakit niya. “Meningioma brain tumor ang tumubo sa utak ko,” panimula niya. Magkahawak pa rin sila ng kamay at diretsong nakatingin sa isa’t isa. Ayaw niyang mag-isip ito ng kung anu-ano. “But don’t worry hindi naman siya cancerous!” Mahina pang tumawa si Martin. Baka sa paraang iyon ay tumahan na ito sa pag-iyak. “Don’t worry ka diyan! Cancerous o hindi, tumor pa rin iyan! M-may kakilala ako na namatay dahil sa brain tumor. Alam mo ba iyon?” “Pero hindi lahat ay namamatay sa brain tumor. Mas marami pa rin ang nakaka-survive, asawa ko. Okay. Let me finish… Iyon nga lang kailangan na siya i-surgery para tanggalin ang tumor kasi medyo lumalaki siya. After ng surgery ay radiation therapy naman. At tapos na. Wala na ang pesteng tumor. Mabubuhay pa ako nang matagal at magkasama tayong tatanda. Matutuloy pa ang kasal natin, `di ba?” “Ang yabang mo! Ano ka? Si Superman?” anito sabay suntok sa dibdib niya. Tila naglalambing na umusog si Jonas at niyakap siya ulit. “Martin, don’t die, please… Ayokong ma-biyudo agad. Please?” Bahagya siyang natawa. Parang kanina ay hindi sila nagsisigawan at nagtatalo kung maglambingan sila ngayon. “Hindi naman ako mamamatay, e. Kaya nga magpapagamot ako. Ikaw talaga!” Hinaplos niya ang likod ng ulo nito. “Hindi rin naman ako papayag na iwanan ka, asawa ko. `Wag kang mag-alala.” “Ayokong tumanda na hindi ka kasama. Kung hindi rin lang ikaw ang makakasama ko o mapapakasalann ko ay magpapaka-single na lang ako forever!” “Kaya ayokong sabihin sa iyo, e. Puro ka negative. Alisin mo na iyang negative thoughts sa utak mo. Hindi ako mamamatay. Okay? Ikakasal pa tayo. Mag-aampon pa tayo at magkakaroon ng sariling pamilya tapos we’ll grow old together…” “Binabawi ko na `yong sinabi ko kanina. Gusto ko pa ring magpakasal sa’yo. At sorry kung hindi kita binigyan ng chance to explain your side. Talagang blanko lang ang utak ko dahil sa galit at selos. Sorry, asawa ko. Nagi-guilty na tuloy ako sa pagpapalayas sa iyo.” “Lesson learned na. Next time, just trust me and my love for you, Jonas. Hinding-hindi na naman kita lolokohin, e. Ipinangako ko na iyan sa iyo at sa sarili ko. I don’t want to lose you again. Natuto na ako sa pagkakamali ko noon. And I won’t let that happen again dahil alam kong mawawala ka sa akin kapag nagloko ulit ako. You’re my life now, Jonas. Maloko ako noon and you changed me. Thank you for that. I love you!” “I love you too, Martin! Very much!” Tinapos nila ang yakapan na iyon sa isang matamis at puno ng pag-ibig na halik. Ipinaramdam niya sa pamamagitan niyon ang labis niyang pagmamahal kay Jonas at hinding-hindi iyon magbabago kahit pa ng kamatayan.   “SERIOUSLY? Almost a million ang gagastusin sa surgery? Bukod pa ang radiation kemerut after ng surgery? What the F!” Nanlalaki ang mga mata na sabi ni Summer nang sabihin ni Jonas ang gagastusin nila para sa operasyon ni Martin. Kasalukuyan silang nasa apartment nila Martin. Kumpleto silang magkakaibigan. Napagkasunduan kasi nila ni Martin na sabihin sa mga ito ang kalagayan nito. Alam kasi nila na makakatulong ang mga ito lalo na’t kulang sila sa financial. Kung hindi man sa financial ay sa moral support. Napakalaking bagay na iyon para sa kanila lalo na kay Martin. “Kakapalan ko na ang mukha ko. We need your help, guys…” ani Jonas. “Ay naku, kahit hindi na kayo magsabi. We’ll help. `Di ba?” ani Dion at tumingin-tingin pa ito kina Summer at Benj. “Oo naman. But hindi ganoon kalaki ang maibibigay ko. I’ll check kung magkano kaya kong itulong. Alam niyo naman… Hindi ako mayaman,” segunda ni Benj. “Me too, guys. Magpo-post na lang ako online kung sino ang pwedeng tumulong. Sa tingin niyo? Fund raising, kumbaga!” suhestiyon ni Summer. Umiling si Martin. “Don’t do that, Summer. Ayokong malaman ito nina mommy at daddy. Please, don’t tell them. Baka kung ano pang sabihin nila. Gusto ko ay tayo-tayo na lang ang makaalam.” “Ayaw kasing ipaalam ni Martin sa family niya ang sakit niya, e. Baka kasi gamitin nila ang sitwasyon namin para pigilan ang pagpapakasal namin. Pinagsama na naman namin ni Martin ang savings namin. May three hundred thousand plus na kami. Siguro kailangan pa namin ng almost a million para kasama na ang radiation therapy at iba pang gamot.” Napabuga ng hangin si Benj. “Ang laki pala talaga ng magagastos. Kailan nga pala ang surgery ni Martin?” “Next week na sana, guys. So, kailangan na talaga namin ng pera. We’re sorry kung inaabala namin kayo. Kayo na lang kasi ang pwede naming lapitan.” “Don’t say that, Jonas. Magkakaibigan tayo. Sige, magbibigay kami ng maximum na kaya namin. For Martin!” Nakangiting turan ni Summer.   ISINARA na ni Jonas ang pinto ng apartment nila nang makalabas na ang mga kaibigan nila. Umalis na ang mga ito after ng kanilang pag-uusap. Napaka swerte ni Martin at nagkaroon ito ng mga kaibigan na hindi lang sa kasiyahan kasama kundi sa lungkot at hirap din. Hindi niya tuloy maiwasan ang pagngiti. Sa totoo lang, first time niyang gawin iyon. Ang magpakababa at humingi ng pera sa iba. Pero ibinaba niya ang pride niya para kay Martin. Hindi naman kasi nila kaya talaga ang operasyon at therapy na gagawin kay Martin. Sana lang ay makaipon sila ng sapat na pera hanggang sa susunod na linggo. Mula sa kwarto ay lumabas si Martin. Nakita siya nitong nakangiti sa kawalan. “O, bakit nakangiti ka diyan? Nagagwapuhan ka na naman sa akin, `no?” Huminga siya nang malalim sabay lapit dito. “Wala lang. Nakakatuwa lang isipin na kahit may ganito tayong pagsubok ay may mga katulad nina Summer, Benj at Dion tayo na nalalapitan. Totoo silang kaibigan, Martin…” aniya. “Oo naman. Maingay at maloko sila pero totoo sila. We’re blessed na natagpuan natin sila.” “Hmm… Martin, ayaw mo ba talagang sabihin sa parents mo ang sakit mo? Baka makatulong sila sa atin.” Umiling siya. “Jonas, napag-usapan na natin iyan. Ayoko.” “Pero, for sure kayang-kaya nila na gumastos para sa operasyon--” “Sige, Jonas! Sabihin natin kina mommy itong sakit ko at sila ang gagastos sa lahat!” Bahagyang tumaas ang boses ni Martin. “Tapos ang hingin nilang kapalit ay ang layuan kita. Kaya mo ba?! Alam kong posible nilang gawin iyon kaya ayaw kong sabihin sa kanila ang--” Huminto sa pagsasalita si Martin. Napapikit ito na para bang may kung anong masakit sa ulo nito. Malakas itong napasigaw habang sapo ang ulo. Kinakabahan at natatakot na dinaluhan agad ito ni Jonas. “Martin? A-anong nangyayari sa’yo? Dadalhin na ba kita sa ospital? Martin!” Halos yugyugin na ito ni Jonas dahil sa labis na paghihisterikal. Nang magmulat si Martin ay bumakas ang takot sa mukha nito. “J-jonas… W-wala a-akong makita! A-ang dilim, Jonas!” deklara nito. “A-ano?!” gimbal na gimbal si Jonas sa sinabi nito. “Hindi kita makita, asawa ko! Asawa ko, nasaan ka?!” Umiiyak at natatarantang sigaw ni Martin habang hawak niya ito sa mga braso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD