DAHIL si Summer ang may sasakyan sa kanilang tatlo ay dito na sila nakisabay pauwi. Si Jonas ang katabi nito sa unahan habang si Dion naman ay nagmumukmok sa backseat. Simula nang umalis si Benj upang makipag-meet sa nakilala nito sa Grindr ay naging ganoon na ang mood nito. At tama nga ang naisip niya na may gusto ito kay Benj. Napaamin kasi nila ito ni Summer tungkol sa feelings nito. Ayon kay Dion, nadevelop na rin siya kay Benj dahil sa madalas silang magkasama at magkasundo pa sa lahat. Iginalang na lang nila ang gusto ni Dion na huwag sabihin kay Benj dahil feeling daw nito ay mafi-friendzoned lang siya.
Tutok sa pagda-drive si Summer habang ako naman ay tina-try na tawagan si Martin. Sunday night kasi kaya nasa bahay ng parents nito ito pero alam niyang uuwi ito dahil may pasok na ito bukas. Itatanong lang niya kung nasa biyahe na ito papuntang apartment.
Matapos ang ilang pag-dial sa number ng kasintahan, sa wakas ay sumagot na ito.
“Bakit ang tagal mong sumagot? Kanina pa ako nagta-try na tawagan ka, e…” tanong ni Jonas.
“Sorry, asawa ko, naglalakad kasi ako kanina papuntang hintayan ng bus kaya hindi ko nasagot. Naka-silent ang phone ko. Pauwi na ako. Naghihintay na lang ako ng masasakyan. In a minute ay makikita na kita, asawa ko.”
“Ganoon ba? Mag-iingat ka, ha. Kasama ko sina Summer. Lumabas kami.” Wala sa sarili na napatingin si Jonas sa labas ng bintana habang kausap si Martin. Pinagmamasdan niya ang kanilang dinadaanan.
“Okay lang, asawa ko. Pakisabi sa kanila, pasensiya na kung hindi ako nakasama sa inyo. Inaalam ko kasi mga plans ni mommy kaya umuwi rin muna ako. Sa susunod na lang siguro kapag kaya na ng oras ko,” anito.
Nagpakawala siya ng mababang paghinga. “Okay lang. Alam ko naman na…” Biglang natigilan sa pagsasalita si Jonas nang isang pamilyar na tao ang nakita niya na nakatayo sa may gilid ng kalsada.
Pinutol niya ang tawag at pinahinto si Summer sa pagda-drive. Ipinarada ni Summer ang kotse ilang dipa ang layo sa naturang lalaki.
“Bakit?” Nagtatakang tanong ni Summer sa kanya. “May nakita ka bang gwapong boylet? Nasaan? Nasaan?!”
Umiling siya. “Hindi! Si Martin `yon, `di ba?” Itinuro niya ang lalaking nakatayo sa gilid ng kalsada. Hawak pa ng lalaki ang cellphone.
Tinignan naman iyon nina Summer at Dion. “Si Martin nga!” Magkasabay na sagot pa ng dalawa.
“Babain natin?”
“`Wag na, Summer. Maghintay lang tayo dito…”
Ewan niya pero bigla siyang nagkaroon ng masamang kutob. Ang sabi kasi nito ay nasa hintayan ito ng bus pero wala naman pala ito doon. Kundi nasa tapat ito ng isang hospital at sa kabila nito ay isang motel. Maya maya ay isang lalaki ang lumapit kay Martin. May iniabot ito sa kanyang nobyo.
“OMG! Is it real?! Who’s that guy?” ani Summer.
“Kilala mo ba ang guy na iyon, Jonas?” tanong pa ni Dion.
“H-hindi ko alam. Ngayon ko lang nakita ang lalaking iyon. Ang sabi niya kasi sa akin nasa hinatayan siya ng bus ngayon pero…” Mas lalo tuloy siyang kinabahan.
Bakit kailangang magsinungaling ni Martin sa kaniya?
“Babain na natin si Martin! Best time for confrontation scene!” suhestiyon ni Dion.
“Confrontation agad? Malay niyo naman ay friend niya lang or katrabaho. Tingnan muna natin kung ano ang mangyayari,” saad ni Summer.
“U-umalis na lang tayo.” Naluluhang sabi niya.
“But, Jonas--”
“Summer, please. Gusto ko nang umuwi.” Pagdidiin niya. “Nawalan na ako ng gana na lumabas. Kayo na lang siguro. Sa susunod na lang ako sasama. Sorry, guys.”
“Okay…”
Halos madurog ang puso niya nang sa huling pagkakataon ay sulyapan niya si Martin at ang kasama nitong lalaki habang nag-uusap. Siguro nga ay hindi siya dapat kabahan kay Tanya. Dapat siyang kabahan sa kalandian ni Martin dahil tila inuulit na naman nito ang naging dahilan ng paghihiwalay nila noon.
“YOU’RE leaving? Saan ang punta mo? Magbabakasyon ka ba? Sino ang mga kasama mo, asawa ko?” tanong ni Martin kay Jonas na tahimik na nakaupo sa sofa at nakatingin sa kawalan.
Naitanong niya iyon dahil sa dalawang maleta na nasa bungad ng pintuan. Baka magbabakasyon ito at hindi siya nasabihan. Nilapitan niya ito at doon ay nakita niya ang namumugtong mata nito. Sa hula niya ay umiyak ito kaya ganoon ang hitsura ng mga mata ng kaniyang nobyo.
Hinawakan ni Martin ang magkabilang pisngi ni Jonas. “Umiyak ka? Bakit? Anong nangyari? May problema ka ba?” sunud-sunod at nag-aalala niyang tanong.
Pinalis nito ang kamay niya na para bang naiirita ito sa kaniya.
Umupo siya sa tabi nito ngunit tumayo naman ito. Halatang umiiwas ito sa kaniya. Inilapag niya sa sofa ang kanyang body bag.
Nilapitan niya ito. “Ano na naman ba ito?” Hinawakan niya ito sa braso pero pumiglas ito.
“`Wag mo akong hawakan! Nandidiri ako sa’yo, Martin!” asik ni Jonas.
Kumunot ang noo ni Martin. “Hey! Ano ba? Bakit parang nireregla ka na naman? At ano `yang mga maletang iyan? Aalis ka nang hindi ka sa akin nagpapaalam? Parang nakakabastos naman yata iyan. Partner mo ako pero hindi mo sinasabi sa akin kung saan ka pupunta. Ni hindi ka nga nagpaalam sa akin, e.”
“Hindi ako ang aalis. Ikaw. Gamit mo ang laman ng mga maleta. Ipinag-empake na kita dahil hindi ko na kayang makasama ka pa dito hanggang bukas. Kaya umalis ka na!”
“Ako?! Bakit?!” Nanlalaki ang mata niya sa pagtataka.
Nang-uuyam na tinapunan siya ng tingin ni Jonas. “Yes. Ikaw nga!”
“B-bakit? Anong nagawa ko?”
“Dahil alam kong niloloko mo na naman ako! Nakita ka namin nina Summer sa tapat ng isang motel! May kasama kang lalaki! Akala mo siguro ay hindi kita makikita, `no? Pasabi-sabi ka pa na nasa bus ka na. Liar!”
Natigilan at hindi siya nakapagsalita sa sinabi ni Jonas dahil totoo ang sinabi nito.
“Hindi ka makapagsalita? Speechless lang? Kasi totoo ang nakita ko! Kaya umalis ka na, Martin! Huwag na nating ituloy ang kasal! Hindi ko na kayang makasama ang katulad mong…” Tumigil si Jonas sa pagsasalita na para bang nagdadalawang-isip ito na bitawan ang huling salita na gusto nitong ibato sa kaniya.
“Malandi?” Siya na ang nagtuloy sa nais sabihin ni Jonas.
“Ikaw na ang nagsabi niya. Hindi ako!”
Natampal ni Martin ang sariling noo. “Bakit hindi ka lumapit sa amin para malaman mo ang totoo, Jonas? Nagpapadala ka kasi sa mga nakikita ng mata mo. Masyado kang mapanghusga! Nakaka-disappoint ka. Ganiyan pa rin ba ang tingin mo sa akin? I thought you trust me!” May pagdaramdam na turan ni Martin.
“Bakit ko kayo lalapitan? E, mukhang makakaistorbo lang ako sa inyo! Baka sabihin mo ay wala akong pakikisama!”
“Bakit nga ba hindi ka lumapit?!”
“Dahil ayokong saktan pa lalo ang sarili mo! Alam mo ba iyon?! Ayokong lumapit at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masaktan ko kayo ng kabit mo!” Sumabog na ang luha ni Jonas.
Umiling-iling siya. “Ewan ko sa’yo, Jonas. Pinipilit kitang intindihin pero ang kitid ng utak mo! Para kang bata mag-isip. Hindi na tayo teenager!”
“Ako pa talaga? Binabaligtad mo lang, e. Isisisi mo sa akin ang paglandi mo? Ikaw ang nagpu-push ng kasal na ito pero anong ginagawa mo? Lumalandi ka! Kung hindi mo naman pala kayang maging faithful ay hindi na natin pinagpipilitan ang kasal na ito!”
“Hindi ako lumalandi!” sigaw niya. Isa-isa nang naglaglagan ang luha sa mga mata niya. Paano ba niya ipapaliwanag kay Jonas ang lahat? Sa ngayon ay mukhang sarado pa ang isipan nito dahil sa galit at selos.
“E, anong ginagawa mo?! Ayoko na, Martin! Ayoko nang ituloy ang pesteng kasal na ito! Mas mabuting itigil na lang natin ito!” tigam sa luha na saad ni Jonas.
“Ganoon lang sa’yo kadali na sabihin na ayaw mo na? P-pinaglaban natin ito, Jonas, tapos sa ganito lang mauuwi ang lahat?”
“Ikaw ang nagtulak sa akin na gawin ito, Martin. Huwag kang pa-victim!”
“Sigurado ka na ba? Iyan na ba talaga ang gusto mo?”
“Oo.” Matipid nitong sagot.
“Sigurado ka na ba, Jonas? Bibigyan pa kita ng chance na—”
“Umalis ka na!” sigaw nito sa kaniya.
Tumango-tango siya.
Hindi na lang nagsalita si Martin. Nilapitan na lang niya ang dalawang maleta at binitbit iyon palabas ng apartment nila ni Jonas. Masakit para sa kaniya na umalis sa apartment na iyon dahil naroon ang lahat ng alaala nila ngunit kung iyon ang gusto ni Jonas at ito ang makakapagpasaya dito ay gagawin na lang niya…
PARANG tinakasan ng lakas si Jonas nang tuluyang umalis na si Martin at napaupo na lang siya habang humahagulhol ng iyak. Bahagyang sumisikip ang dibdib niya.
Masakit man sa kanya ang nangyaring paghihiwalay nila ni Martin at pagpapalayas dito ay kailangan niyang kayanin ang lahat. Kung noon ay pinatawad niya ito, ngayon ay hindi na. Two is too much. Katangahan na lang kung pagbibigyan pa niya ito. Baka kapag ginawa niya iyon ay abusuhin na siya nito at iyon at iniiwasan niyang mangyari.
Alam niyang magiging masakit ang lahat sa una pero kakayanin niya. Masasanay rin siyang wala sa tabi niya si Martin.
Nang mapagod sa kakaiyak ay marahan siyang tumayo. Minasdan niya ang kabuuan ng apartment at mas lalo siyang nalungkot.
“Simula ngayon, kailangan ko nang masanay na mag-isa na lang ako dito…” aniya.
Hanggang sa mapadako ang mata niya sa naiwanang body bag ni Martin sa sofa. Kinuha niya iyon at binuksan. Bukod sa isang pakete ng sigarilyo, lighter, coin purse ay may laman na isang papel ang bag. Tila may nagbulong sa kanya na kunin ang papel at tignan na ginawa naman niya.
Nakalimutan iyon dalhin ni Martin nang umalis. Ang nabitbit lang nito ay iyon mga maleta na siya mismo ang nag-empake.
Umupo si Jonas sa sofa habang binubuklat ang papel.
Halos sumabog ang ulo niya nang malaman ang nakalagay sa papel na hawak niya.
“H-hindi… Hindi ito totoo…” Muling naglaglagan ang luha sa kanyang mga mata.
Sabay niyon ay ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng humahangos na si Martin. “May nakalimutan--” Natigilan ito nang makita nitong hawak niya ang papel na nasa bag nito.
Lumuluhang tumayo si Jonas. “Ano ito? Bakit hindi mo ito sinabi sa akin? f**k you, Martin! f**k you!” Mas matindi ang pag-iyak niya sa pagkakataon na iyon.
“I’m s-sorry… K-kanina ko lang din kasi nalaman…” Nakayukong sagot ni Martin sa kanya.
Patakbong nilapitan ni Jonas si Martin at mahigpit itong niyakap. Gumanti rin ito ng yakap sa kanya habang panay ang sambit nito ng salitang “sorry”.