CHAPTER 09

1625 Words
  “SI Tanya ang napili kong maging wedding coordinator para sa kasal niyo. We understand na hindi naman talaga kasal ang mangyayari but Holy Union pero dapat nasa ayos ang lahat. Alam na niya ang gagawin kaya wala na kayong dapat pang ipag-alala. She can handle everything!” Overwhelmed. Iyon ang nararamdaman ni Jonas habang nagsasalita si Mara. Hindi siya makapaniwala sa inaasta nito ngayon. Parang noong nakaraan lang kasi ay sobrang galit nito dahil sa pagpapakasal ni Martin sa kanya. Halos maliitin pa nga sila nito pero ngayon, sa isang iglap ay payag na ito sa pagpapakasal nila ni Martin. At hindi lang iyon, kumuha pa ito ng wedding coordinator. Para kay Jonas ay napakalaking bagay na iyon. Ayaw man niyang mag-assume ngunit sa tingin niya ay senyales na iyon na unti-unti nang natatanggap ng nanay ni Martin ang relasyon niya sa anak nito. Sigurado siyang matutuwa si Martin kapag nalaman ito. Nang dumako ang tingin niya kay Tanya ay mainit itong ngumiti sa kanya. Mukha naman itong mabait at madaling kausap. Sana ay magawa nito ang nais nila ni Martin para sa kanilang pag-iisa. “Ako si Tanya.” Pagpapakilala nito. “Ako naman si Jonas. It’s nice to meet you.” Magiliw siyang nakipag-kamay dito sabay tingin kay Mara. “Tita, maraming salamat po. I really appreciate this po.” “Huwag kang magpasalamat sa akin. Ginagawa ko ito para sa anak ko. Ayokong maging kawawa siya sa araw na iyon.” “S-salamat pa rin po.” Medyo natakot na naman siya dito dahil tila nagsusungit na naman ito. “Anyway, iyon lang naman ang aking ipinunta dito. Kayo na lang ni Tanya ang mag-usap.” Tumayo na ito at nagsabi na aalis na. Bago umalis ang dalawa ay ibinigay sa kanya ni Tanya ang contact number nito.   “SO, tuloy na tuloy na pala ang wedding of the year! Grabe! I really can’t believe na malapit na kayong ikasal! Hashtag relationship goals! Mapapa-sana all na lang talaga ako sa inyo ni Martin!” Masayang pumalakpak pa si Summer matapos niyang sabihin dito ang nangyari kanina sa pagitan nila ng nanay ni Martin. Kasalukuyan silang nasa department store ng isang mall at nagtitingin-tingin ng pwedeng mabili. Inaya niya kasing lumabas si Summer upang ikwento dito ang kaganapan. Hindi naman pwede sina Benj at Dion dahil busy ang dalawa sa trabaho. Freelance model kasi si Summer kaya madalas, ito lagi ang libre ang oras. Kakain sana sila pero dahil kapwa busog pa naman ay naisipan muna nilang gumala sa mall. Kinuha niya ang isang sando at tinignan iyon. “Well, oo. Tuloy na tuloy na nga!” Hindi maitago ang saya sa kanyang mukha. “Pero medyo nagtataka lang ako kasi bigla-bigla ang pagbabago ng isip ng mommy ni Martin. Don’t you think medyo… weird or something iyon? Baka kasi may hidden agenda siya.” Nag-pout si Summer. “I don’t think so,” sagot nito sabay kibit-balikat. “Siguro, na-realize din ng mommy ni Martin na wala na siyang magagawa, na hindi na nila kayo mapipigilan. Isa pa, lantad na naman sa buong Pilipinas na isang gay ang anak niya because of that viral proposal video niyo! Oy, million views na siya the last time I checked! Kayo na talaga! The viral couple!” “Wala naman akong pakialam sa viral video namin na iyon. Pero, siguro nga, tama ang sinabi mo. Wish ko lang talaga ay hindi na ulit magbago ang isip ng mommy ni Martin. Siyempre, iba pa rin kung tanggap kami both sides ng family namin. Lalo na si Martin.” “Good luck sa inyong dalawa!” ani Summer. “Wait nga lang, nasaan ba si Martin at ako pa talaga inistorbo mo?” “May pasok na siya. Nasa province pa sana kaming hanggang ngayon kung pinayagan lang siyang mag-leave ng matagal. But the good news is, payag naman ang parents ko sa kasal naming dalawa.” “Wow! Good news talaga iyan. Basta, kapag kailangan niyo ng help sa wedding niyo, don’t hesitate to call me. Willing kaming tumulong. Kilala mo naman kaming mga friends ninyo! Always available!” “Thanks, Summer!”   ITINIGIL muna ni Jonas ang pagsusulat nang marinig niyang bumukas ang pinto. Alam niya kasing si Martin na ang dumating. Halos kakauwi lang niya ng apartment mula sa pagkikita nila ni Summer. Kahit pagod sa pag-gala sa mall ay hinarap na agad niya ang laptop para ipagpatuloy ang nobelang kaniyang sinusulat. Lumabas siya ng kwarto upang salubungin si Martin na napansin niyang tila bad mood dahil medyo busangot ang mukha nito. Bagsak ang balikat at parang tinatamad sa paglalakad. “O, bakit parang may problema ka? Meron ba?” tanong niya matapos niya itong halikan sa pisngi. Bagsak ang balikat na naglakad si Martin papunta sa sofa at umupo doon. Isinandal nito ang likod. “Naiinis lang ako sa mga katrabaho ko. Inaasar nila ako dahil sa lalaki daw ako magpapakasal. Hindi daw nila akalain na lalaki din daw pala ang hanap ko! Bakla daw pala ako. Ano bang pakialam nila, asawa ko?” Naiinis nitong sagot. Matipid siyang ngumiti. “Hayaan mo na lang sila. Hindi naman nila tayo maiintindihan, e. Ang mahalaga ay tayong dalawa. Huwag tayong magpapa-apekto sa mga taong hindi tayo naiintindihan.” Hinaplos niya ito sa pisngi. “Ano pa nga bang magagawa ko?” “`Di bale, may good news naman ako sa’yo.” Naging masigla ang pagsasalita ni Jonas. Ginawa niya iyon para mahawa si Martin at mawala ang bad mood na nakalukob dito. “Ano iyon? Sana mabago niyang good news mo ang mood ko, asawa ko.” “Sure ako na mawawala iyang negative vibes na dala mo. Pumunta kasi dito ang mommy ko kanina tapos--” Nanlaki ang mata nito. “What?! Si mommy?!” Nabigla nitong sabi. Hinawakan pa siya ni Martin sa magkabilang balikat at tila chini-check siya. “Bakit siya pumunta dito? Sinaktan ka ba niya? Baka nagkasugat ka, asawa ko. Anong ginawa niya sa’yo? Ha?” Natawa lang siya sa reaksiyon nito. Umiling si Jonas. “Asawa ko! Ano ba? Bakit tinatawanan mo lang ako? Nag-aalala ako sa iyo! Anong ginawa sa’yo ni mommy? C’mon, tell me. `Wag kang matakot! Sabihin mo sa akin ang totoo. Hindi mo siya kailangang pagtakpan sa akin dahil kilala ko ang ugali niya.” Inalis niya ang kamay ni Martin sa balikat niya. “Relax ka lang. Okay? Walang ginawang masama sa akin si Tita Mara. Hindi niya rin ako sinaktan o kung ano mang iniisip mo.” “E, ano nga, asawa ko? Anong nangyari?” “Actually, pumunta siya dito para bigyan tayo ng wedding coordinator.” Ilang segundo na hindi nakapagsalita si Martin. “Wedding coordinator? F-for what?” Kunot-noo na tanong niya. “For our wedding! Para sa Holy Union.” “Seryoso ka ba? Ginawa iyon ni mommy?” Hindi makapaniwalang sabi nito. Tumango siya. “Oo. Seryoso. Teka, okay ka ba sa weekend? Mas okay siguro kung kausapin na natin iyong wedding coordinator sa Saturday. Ano bang gusto mo? Beach wedding o sa isang garden? Ano sa tingin mo?” Bigla tuloy naging excited si Jonas sa kasal nila ni Martin lalo na’t pabor na ang pamilya nila sa kasalang magaganap. Ngayon pa lang ay unti-unti nang nabubuo sa imagination niya ang Holy Union nila ni Martin. Sigurado siyang magiging memorable iyon at habangbuhay niyang ite-treasure sa kaniyang puso. Bigla siyang niyakap ni Martin. “Kahit saan basta ikaw ang papakasalan ko! Kahit sa dumpsite o tuktok ng bundok basta sa tabi mo, asawa ko!” Madamdaming sabi pa nito. “Ang corny mo!” turan niya pero ang totoo ay kinikilig siya. “Teka, asawa ko, kailangan na pala nating ma-process `yong mga dapat nating asikasuhin para sa Holy Union. Nakapag-sent na ako ng request for our Holy Union kahapon. Tapos, kapag nagreply na sila at okay na, magbabayad na tayo ng fees. And then, union counselling naman. Okay na naman `yong mga needed documents natin like photocopy the birth certificates, valid ID at iyong Holy Union Registration Form.” Pinisil ni Martin ang pisngi niya. “May dapat pa ba akong gawin? E, parang lahat ginawa mo na, asawa ko. Sobrang blessed ko talaga dahil ikaw ang ibinigay ng Diyos sa akin!” dama niya ang sinseridad sa binitiwang salita ni Martin. “Ako din naman, e. Blessed ako sa iyo…” Ibinalik niya ang usapan sa Holy Union. “May counselling pa. Dapat a-attend tayong dalawa do’n. Hindi pwedeng ako lang. Kaya make time for that day, asawa ko.” Paalala ni Jonas. “Oo naman. Magkasama tayo do’n! Basta sabihan mo agad ako kung kailan para makapag-paalam ako sa boss ko, asawa ko,” anito. Kahit papaano ay nakahinga na siya nang maluwag sa pagpayag ng parents ni Martin sa kasal nila. Ang pinoproblema na lang niya ay ang preperasyon para sa kasal. Alam niyang medyo nakaka-stress ang preperation pero i-e-enjoy na lamang niya ang lahat. Isang beses lang itong mangyayari sa buhay niya kaya nanamnamin niya nang husto.   PAGDATING ng Sabado ay umalis ng apartment si Martin kasama si Jonas. Kikitain nila sa isang coffee shop iyong sinasabi ni Jonas na wedding coordinator na ibinigay daw ng mommy niya. Kung si Jonas ay hindi makapaniwala sa mabilis na pagbabago ng isip ng mommy niya, siya pa kaya na anak? Medyo nagtataka lang pero masaya na rin dahil hindi na ito tutol sa kasal nila ni Jonas.                 Nakalimutan na niyang itanong kay Jonas ang pangalan ng wedding coordinator. “Nasa coffee shop na daw siya,” ani Jonas sa kanya habang naglalakad na sila papunta sa naturang coffee shop. Hawak nito ang cellphone at may binasang text message siguro. “Ganoo ba? Bilisan na pala natin. Kanina pa ba daw siya?” “Hindi naman. Kakadating lang daw niya, e.” Walking distance lang naman ang coffee shop sa aprtment nila kaya naglakad na lang sila kesa sa gumamit ng sasakyan. Exercise na ay nakakatipid pa sila kapag ganoon. Sa wakas ay narating na rin nila ang pupuntahan. Pagkapasok nila ay agad na inilibot ni Jonas ang paningin nito sa lahat ng tao na naroon hanggang sa may kinawayan ito. “Ayon siya, o!” At isang babae na nakasuot ng simpleng dress ang itinuro ni Jonas sa kanya. Gumanti ng kaway ang babae. Biglang natigilan si Martin nang makita niya nang maigi ang mukha ng babae habang papalapit sila dito. Nanlamig siya at parang binuhusan ng isang timbang puno ng yelo. Hindi siya maaaring magkamali. Kilala niya ang babaeng iyon. “T-tanya?” Mahinang bulalas niya. “Ikaw ang wedding coordinator?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD