Samantalang muli na namang kinausap ng ina ni Caleb ang tauhan nitong palihim na pinapasundan ang anak.
"Ito po ang mga litratong kuha ko kahapon, Mrs. De Luca. " Saad nito sa ginang.
"Ano bang pinanggagawa ni Caleb? Bakit kailangan niya itong gawin?" Hindi lubos maunawaang tanong ng ginang.
"Ayon po sa nakuha kong impormasyon. Nagpanggap muling pulubi si Mr De Luca upang mapalapit kay Sabrina at nang nasa hotel na sila ay pinagtanggol ng dalaga ang anak ninyo sa isang babae na tinapunan ng lukot na papel sa mukha si Sir Caleb. Kaya muntik ng magkagulo. Hindi lang iyon dahil ang in-apply-ang position ni Sabrina ay hina nito tinanggap dahil sa ayaw daw niyang magtrabaho sa hotel na gano'n ang mga katrabaho. Iyon ang nakuha kong impormasyon Mrs De Luca hindi ko na po alam ang mga iba pangyayari." Ani pa ng lalaking kausap ng Ginang.
"Salamat kong gano'n at ako na ang mismong kakausap sa manager, ngunit subaybayan mo pa rin ang anak ko, siguraduhin mong ligtas siya at makakaalis ka na." Wika pa ng ginanag at muli na naman nitong inabutan ng sobre ang lalaki.
Pinagmamasdan ng ginang ang mga litrato at maya maya pa ay tinawagan nito ang manager ng hotel.
"Hala! Bakit kaya tinatawagan ako ni Madam?" Gulat at kinakabahang saad ng manager nang makita nito ang numero na naka register sa kanyang cellphone at agad na sinagot.
"Ma-magandang gabi po, Madam De Luca. Ano pong maipaglilingkod ko? At napatawag po kayo ng ganitong oras?" Kinakabahang tanong ng Manager.
"Gusto ko lang malaman kung ano ang nangyari kanina sa hotel?" Istriktong tanong ng ginang.
"Aaam, madam. Saan po doon?" Balik na tanong nito sa ginang.
"Doon sa Pulubi at babaeng nagngangalang Sabrina."
"Huwag na po kayong mag-alala, Ma'am. Dahil na ayos ko na po agad ang lahat. At natanggal na po sa trabaho iyong nasa front door na guard at iyong isang front desk officer po. Saka gaya po ng sabi ni Sir Caleb tinanggap na po ulit ni Miss Sabrina ang alok ko. Kaya bukas na bukas po ay magsisimula na siya sa trabaho." Agad na paliwanag nito.
Agad na nagtaka si Mrs De Luca sa sinabi ng manager at hindi nito maintindihan kung ano ang nangyayari.
"Pakiulit nga ang sinabi mong sinabi ni Caleb sa 'yo?"
"Ganito po kasi ang nangyari, Madam. Nang dahil sa nangyaring hindi maganda kanina na ginawa ng front desk sa Pulubi. At Guard. Ayon hindi tinanggap ni Miss Sabrina ang trabaho. Kaya itinawag ko po agad kay Sir Caleb na hindi tinanggap ni Miss Sabrina. Tapos ayon binantaan ako ni Sir na kapag daw hindi ko napabalik si Miss Sabrina na magtrabaho sa hotel. Ako naman ang mawawalan ng trabaho. Buti na nga lang po ay napapayag ko siya." Saad nito na parang nagsusumbong.
"Itikom mo ang bibig mo kay Sir Caleb mo at Huwag na huwag mong sasabihing nagtanong ako sa 'yo tungkol sa nangyari kanina. Maliwanag ba?" Muli pang saad ng ginang.
"Opo, Madam. Huwag po kayong mag-alala at makakaasa po kayo." Mabilis naman na tugon ng Manager. At naputol na nga ang linya.
"Hay! Ano bang nangyayari? Bakit parang pakiramdam ko ginigisa ako sa mantika. Sana'y hindi na lang sila umuwing mag-ina." Ani na lang ng manager na nai-stress.
Nasa labas ng rancho si Caleb nang makita nito ang kakarating lang na sasakyan ng kanyang ina. Kung kaya agad niya itong sinalubong.
"Mang, ginabi na po kayo. Bakit ngayon lang kayo at saan kayo galing?" Bungad na tanong ni Caleb sa kanyang ina.
Pinakatitigang mabuti ng ginang ang mukha ng kanyang anak na parang gusto nitong magtanong at binabasa ang nasaisip nito.
"May problema po ba?" Muli pang tanong ni Caleb.
"Caleb, ano'ng pinagkakaabalahan mo ngayon at saan ka pumupunta?" Tanong pa ng kanyang ina.
"Wala naman, bukod sa naghahanap ako ng clue kung sino ang pumatay kay Calix." Sagot nito.
Naging banayad ang mukha ng ina nito at hinawakan sa balikat si Caleb.
"Kung ano naman ang ginagawa mo ngayon siguraduhin mong hindi ka magsisisi sa huli at palagi kang mag-iingat anak."
"Don't worry about me matanda na ako." Ani pa ng anak nito.
"Alam ko iyon, anak. Kaya nga sana ay isipin mo na lang ang sarili mo, ang buhay mo." Makahulugang saad ng ina nito.
"Saka ko na po iisipin ang sarili ko. Kapag nasingil ko na ang mga taong pumatay at dahilan ng pagkamatay ni Calix. Gabi na po maiwan ko na kayo gusto ko ng magpahinga." Paalam pa ng binata at iniwan na nito ang kanyang ina.
KINABUKSAN ay maagang nagising ang magkaibigan.
"Kasya pa pala sa akin 'to. Akala ko hindi na," ani ni Sabrina habang nakatingin sa salamin na nakasuot ng plain white na t-shirt at slock pants. At inaayos ang buhok nito.
"Hoy, mag lipstick ka. Bawal ang mukha roon ng walang kabuhay-buhay magagalit si Manager." Wika naman ni Jen.
"Oh! Bakit naka ganyan ang mukha mo?" Tanong pa ni Jennifer kay Sab.
"May tanong ako. Hindi ako na interview kahapon pero pinapa Start na ako ngayon na pumasok. Tanong ko lang may iba pa bang nag i-interview bukod sa manager?" Nahihiwagaang tanong ni Sabrina.
"Wala na, si Madam M lang bakit?" Balik na tanong nito.
"Ah, wala. Sige aalis na ako. Baka ma late pa ako." Paalam na lang ni Sabrina.
"Ingat ka at Go Go Go!" Nakangiti pang saad ni Jennifer at nakasilip pa ito sa bintana.
Sa paglabas naman ni Sab ng bahay ay palinga-linga ito sa labas habang naglalakad siya.
"Parang wala yata siya ngayon. Kumusta kaya iyong pulubi na iyon?" Ani pa nito sa kanyang isipan at sumakay na ng tricycle.
Maya maya pa ay huminto na rin ang tricycle at agad siyang nagbayad saka sa sumakay ng Jeep patungo sa hotel.
At habang nasa loob siya ng jeep ay patingin-tingin siya sa paligid.
"Good morning po, Madam." Bati ng kasama sa bahay nila Mrs De Luca.
"Good morning. Ang sir Caleb mo gising na ba?" Tanong nito at nagtaka siya dahil wala na ang sasakyan ng kanyang anak.
"Madam, kanina pa po nagising si Sir Caleb at maaga po siyang umalis." Sagot ng katulong nito.
"Ha? Saan daw pupunta?" Agad na tanong ni Mrs. De Luca.
"Hindi po nagsabi, Madam. Ang mabuti pa po ay tawagan niyo na lang." Muli pang sagot ng kasambahay nito.
Agad na dinayal ng ginang ang numero ng kanyang anak.
"Boss, tumatawag po ang ina ninyo." Wika ng tauhan ni Caleb.
"Sagutin mo."
"Where are you?" Bungad na tanong ng kanyang ina.
"May pupuntahan lang ako, Mom. But don't worry hindi ako papagabi. See you later po." Sagot naman Caleb at naputol na ang linya.
"Saan kaya pupunta ang batang iyon?" Tanong ng kanyang ina at tinawagan nito ang kanyang tauhan.
"Sundan mong mabuti kung saan pupunta si Caleb at tawagan mo ako agad. Kung saan man siya magtungo." Utos pa ni Mrs. de Luca.
"Copy po, Ma'am. Nakasunod po ako sa kanya." Sagot naman ng tauhan nito at naputol na ang linya.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na si Caleb sa pupuntahan nito.
"Si-Sir, good morning po." Kinakabahang bati ng front desk officer na naka duty at mabilis itong tumayo.
"Tama ba ako? May CCTV itong hotel na naka connect sa pent house?" Kunot-noong tanong ni Caleb na kapapasok lang ng hotel.
"Yes, Sir. Ito ang susi ng pent house." Agad naman na sagot ng front desk officer. At iniabot ang susi.
"Walang maglilinis ngayong araw ng pent house at walang aakyat doon ng walang pahintulot ko. At maging alerto ka dahil tatawagan kita mamaya." Bilin pa ni Caleb.
"Yes, Sir." Mabilis naman na tugon ng Front desk officer at saka ito umupo ulit nang makaakyat na sa taas si Caleb.
"Haysst! Nakakagulat siya at nakakatakot. Bigla-bigla na lang sumusulpot. Buti na lang namukhaan ko agad ang itsura niya. Ani pa nito sa kanyang sarili at nakahinga na ng maluwag.