"Good morning po, Madam M." Nakangiting bati muli ng front desk officer na naka duty.
"Good morning. Marami ba tayong guest?" Agad na tanong ng manager.
"Meron din po, Ma'am. Ito po iyong mga rooms na occupied po." Agad na sagot ng front desk officer at iniabot ang folder.
"Ma'am?" Ani pa nito.
"Yes, ano iyon?" Muling tanong nito habang tinitingnan ang binigay na folder.
"Andyan po si Mr. De Luca sa Pent house. Karating-rating lang po niya." Ani pa nito.
"Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Agad na saad ng manager.
"Sorry po, Ma'am." Agad na saad ng front desk officer.
"May sinabi ba siya?" Muli pang tanong ng Manager.
"Wala raw po munang papasok sa pent house ng kahit na sino ng walang pahintulot ni Sir Caleb. At wala rin daw po munang maglilinis doon." Sagot naman ng nasa front desk.
"Okay, kapag dumating si Sabrina. Tawagan mo ako agad at i-assist mo siya papuntang office ko. Maliwanag?" Bilin pa nito.
"Opo, Ma'am. Mabilis na sagot ng kausap nito.
Hindi mapakali si Manager sa opisina nito at naisip nito si Mrs. De Luca na tunawag sa kanya kanina. Kung kaya agad niya itong tinawagan.
"Hello, Ma'am. Good morning po." Bati nito sa ginang.
"Napatawag ka, ano'ng kailangan mo?" Agad na tanong ng ginang sa manager.
"Madam, andito po si Sir Caleb ngayon sa hotel." Saad nito.
"Bantayan mo ang lahat ng kilos niya at sabihin mo sa akin." Ani naman ng ginang.
"Opo, Madam." Mabilis na saad ng manager at naputol na ang linya.
Matapos ang pag-uusap nila ay may kumatok sa kaniyang pintuan.
"Come in," ani naman ng manager at bumukas ang pintuan at pumasok nga ang front desk officer.
"Madam M. Andito na po si Sabrina." Wika pa nito.
"Okay, papasukin mo na at bumalik ka na agad sa trabaho mo." Ani naman ng manager.
Dahan-dahan na pumasok si Sabrina sa loob ng opisina ng manager.
"Ma-magandang umaga po," magalang na bati ni Sabrina.
Magsasalita na sana si Manager nang marinig nitong ang pag ring ng kanyang cellphone.
"Wait a minute. Sasagutin ko lang ito." Mabilis na saad nito kay Sabrina. At naiintindihan naman ni Sabrina ang ibig sabihin ng manager kung kaya hinayaan lang niya ito.
"Dumating na si Sabrina, right?" Ani ng kausap nito sa kabilang linya.
"Yes, Sir. May ipapagawa po ba kayo?" Sagot at balik na tanong nito.
"Gusto kong paglinisin mo siya ng hall way. Mula rito sa pent house hanggang sa labas ng hotel." Utos ni Caleb sa kabilang linya.
"Copy, Sir. Papasamahan ko na lang siya sa isang lalaki natin na house keeping. Para matapos niya agad." Mabilis naman na turan ng manager.
"No! Gusto ko siya lang mag-isa."
"Pe-pero, Sir. Hindi po niya matatapos iyon ng eight hours na duty niya." Agad na saad ng manager.
"I don't care! Mag over time siya kung kinakailangan. Bast tapusin niya ang pinapagawa ko. At huwag na huwag siyang uuwi ng hindi tapos."
"Ka-copy, Sir." Walang nagawang saad ng Manager.
"Hindi puwede ito? Kawawa naman si Sabrina. Saka ano bang nangyayari? Akala ko ba'y may gusto siya kay Sabrina? Bakit ngayon pinapahirapan niya. Ang gulo ni Mr. De Luca." Naguguluhang saad ng Manager.
"I'm sorry, tinawagan kasi ako ng anak ng may ari nitong hotel. About nga pala sa salary mo, bigyan na lang kita ng briefing. Minimum rate tayo rito kaya kung mag overtime ka. Another payment iyon. Basta magpa pirma ka lang sa akin ng form kapag nag OT ka. Ahm, Sabrina. Kaya mo kayang maglinis ng hallway mula pent house hanggang sa lobby ng mag-isa lang?" Nababahalang tanong nito sa dalaga.
"Yes, Ma'am. Don't worry po. Kayang-kaya ko." Agad naman na sagot ng dalaga.
"Iyon kasi ang una mong gagawin. Saka iyon kasi ang utos ng nasa taas." Ani pa ng manager.
"Don't worry po, Ma'am. Hindi po ako mapili sa trabaho. Saan ko nga pala ilalagay itong bag ko po?" Sagot at balik na tanong ng dalaga.
"Halika at i-tour muna kita. Para maging Pamilyar ka saka itong maliit na radio. Kailangan mo ito. Dito maririnig ang break time at kung ano-ano pang announcement or may emergency. Kapag may gusto kang tanungin o sabihin. Pindutin mo lang itong button sa gilid tapos magsilata ka. Then bitiwan mo na pagkatapos mong magsalita. Maririnig na iyon ng kahit na sinong may hawak ng radio." Paliwanag pa ni Manager.
"Copy po, Ma'am." Formal na saad ng dalaga at inilagay na sa locker ang bag nito.
"Ito, kailangan mo ito," ani pa ng manager at ibinigay ang mop, dustpan, walis tambo, pamunas at pang spray. Gano'n din ang trash bag at nakalagay ang lahat ng ito sa isang stroller na di tulak na may malaking basurahan.
Pumasok sila sa elevator pataas at patungo ng hallway ng pent house.
At habang pataas sila ay pinagmamasdan ni Sabrina ang paligid dahil transparent ang wall ng elevator.
Maya maya pa ay nakarating na sila.
"Ma'am, maglilinis po ba ako ng pent house?" Tanong pa ni Sabrina.
"Ah, hindi. Bawal pumasok ng pent house. Nandyan ngayon ang anak ng may ari nitong hotel. Maarte kasi iyon kaya pinapalinis niya itong buong hallway nitong hotel." Sagot ng manager.
"Oh, sige. Ba baba na ako. Hinatid lang kita rito. Basta kung may kailangan ka. Gamitin mo iyong radio. Okay." Paalam pa ng Manager.
"Copy po, Ma'am." Nakangiting saad ni Sabrina. Huminga muna ito ng malalim at hindi nga nagtagal ay nagsimula na siyang kumilos.
Nag punas muna siya sa bintana ng hallway. Pagkatapos ay pinunasan din nito ang hawakan sa gilid na paghawakan. Saka siya nag walis sa hallway ng pent house, pagkatapos ay doon niya sinimulang mag mop.
Samantalang pinagmamasdang mabuti ni Caleb ang dalaga habang naglilinis ito.
Sa bawat palapag o hallway na kanyang nililinisan ay umaabot siya ng. Thirty minutes hanggang fourthy five minutes.
Pagkatapos nito sa hallway ng pent house ay sumunod naman sa sumunod palapag.
Nagwawalis na noon si Sabrina nang may biglang lumabas ang isang lalaki sa room.
"Hi, good morning. House keeping ka ba rito?" Tanong nito sa kanya.
"Yes, Sir. How may I help you po?" Agad na tanong ni Sabrina.
"Puwede mo bang i-check iyong TV ko sa loob ng room? Wala kasing internet, eh." Saad ng lalaki.
"Sure po, Sir. Susubukan ko pong tingnan kung kaya ko pong ayusin." Sagot naman ni Sabrina.
"Mauna ka ng pasok, Miss." Aniya pa nito kay Sabrina.
"Sige po." Saad naman ng dalaga at pumasok nga ito.
"s**t! f**k! Bakit ka pumasok sa loob? Baka mamaya ano'ng gawin niya sa iyon?" Hindi mapakaling saad ni Caleb habang pinagmamasdan nito ang dalaga na pumasok sa loob.
Halos abutin ng fifteen minutes si Sabrina sa loob nang silid ng lalaki.
"Hala ka! Bakit tumatawag si Sir sa Caleb sa akin?" Takang tanong ng Manager nang marinig ang pag ring ng kanyang cellphone. Kung kaya agad niya itong sinagot.
"Hi Sir. Good morning po. Ano po 'yon?" Bungad na tanong ng Manager.
"Pumunta ka ngayon din sa ika sampong palapag dalhin mo ang susi ng room 206 siguraduhin mong ligtas si Sabrina at walang nangyaring masama sa kanya. Dahil kapag meron mananagot ka sa akin!" Banta nito.
"O-opo, Sir." Agad na lang na saad ng Manager. Ata agad na kinuha ang duplicate ng susi sa front desk.
"Kainis! Bakit naging kasalanan ko pa? At ako pa ang masisisi? Eh, siya iyong may gusto ipalinis lahat ng hallway kay Sabrina!" Nababahala at naiinis na wika ng manager at agad itong pumasok sa loob ng elevator.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na siya sa ika sampong palapag at doon nga ay hinawakan nito ang siraduhan at hindi iyon naka-lock.
"Sabrina!" Ani pa ng manager na kakapasok lang at nadatnan nito ang dalaga na nakatayong nakahawak sa remote. At dalawa sila ng lalaking nakatingin sa flat screen TV.
"Ma'am," gulat naman na saad ni Sabrina.
"Ano'ng ginawa mo rito sa loob?" Agad pa na tanong ng Manager.
"Inaayos ko lang po itong TV kino- connect ko lang po sa internet."
"Ako na at tapusin mo na iyong ginagawa mo sa labas." Utos pa nito.
"Okay po, Ma'am." Mabilis naman na saad ni Sabrina at iniabot ang remote sa manager.
"Thank you, Sab." Nakangiting saad ng lalaki.
"Welcome po, Sir." Sagot naman ng dalaga na nakangiti at lumabas na ito.
Nakahinga ng maluwag si Manager nang makitang okay si Sabrina at pagkatapos nitong ayusin ang internet ay lumabas na rin ito.
"Sabrina, Please. Kapag may mga ganyan na insidente please. Gumamit ka ng radio. Hindi allowed ang babaeng pumasok sa loob ng room unless kung kinakailangan. Lalo na 't mag-isa lang siya at ikaw mag-isa ka rin na babae. Iwas tayo sa mga posibilidad na puweding mangyari." Paalala pa ng Manager.
"Noted, Ma'am. Sorry po." Agad naman na saad ni Sabrina.
"Tapusin mo na agad iyan at marami ka pang gagawin." Ani pa ng Manager at iniwan na nga siya nito.
"Thank god at okay lang siya. Kung hindi baka mawalan ako ng trabaho." Nakahingang maluwag na saad ng Manager.