CALEB Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganito katinding kaba. Mas malala ba ang kaba na nadarama ko ngayon kaysa noong mga araw na kung saan ay nanganganib ang lahat ng aming business. Naniniwala kasi ako noon kina mama at papa na kaya nilang gawin ang lahat ng makakaya nila para lang mapanatiling maayos ang trabaho nila, kaya hindi ko rin kinailangang mag-alala pa masyado sa kanila. Pero ngayon, hindi ko naman din natitiyak ang seguridad ng kaisa-isahang babae na natitipuhan ko, si Charmaine, kahit pa narito siya sa bahay ng kaibigan kong si Yve. Hindi ko naman kasi siya nakilala bilang isang napakalakas na babae, puro katalinuhan at kagandahan lang ang nakikita ko sa kanya bukod pa sa maganda niyang pag-uugali. Kinakatakutan naman siya ng mga kaklase o mga iba pa namin

