CHARMAINE Hindi ko na matandaan pa kung ilang linggo na nga ba ang nakakalipas mula nung huling nagkapansinan kaming dalawa ni Jayden. Mula nung nangyari ang pagtatapos ng aming planong dalawa ay naging tahimik na lang siya. Maski sa klase ay naging tahimik na siya at hindi na rin siya madalas nakikinig at sumasagot sa klase. Pati ang mga kaibigan niyang mga lalaki ay hindi na rin niya napapakisamahan, kaya ang iba pa nga sa mga kaibigan niya ay pinili nang lumayo na rin sa kanya. Naging maayos naman ang pagkakaibigan namin ni Caleb at mas naging madalas ko na rin siyang kasama kaysa kay Jayden, pero hindi pa rin naman matutumbasan niyon ang pinagsamahan namin ni Jayden ng ilang taon. Pero kahit na gano’n pa man ay hindi naman pinaparamdam sa akin ni Caleb na sinusubukan niyang lamangan k

