CHAPTER 14
Napangisi ako nang tuluyang ma-lock ang pintuan ng restroom mula sa labas. Hinarang ko ang stick ng mop sa doorknob para hindi nila iyon mabuksan. Naririnig ko pa ang tilian nila Sally mula sa loob at pilit binubuksan ang pinto. Panay sila kalabog na kinatawa ko pa.
"Open the door you witch!"
"Bruha ka!! Buksan mo 'to!"
Kinalabog ko rin ang pintuan at sumigaw pabalik. "Magmuni-muni muna kayo diyan! Bye!"
Bago pa man may nakakita sa ginawa ko sa kanila ay nagmamadali na akong tumakbo palayo sa lugar. Tuwang-tuwa akong bumaba ng hagdan at nakahinga ng maluwag nang makalabas ng building. Nararapat lang na ikulong ko ang mga 'yon sa banyo. Ayaw patalo eh.
Naglakad ako patungong canteen para sana'y kumain. Nang bigla ko na lang makasalubgon si Colby sa path way. Sandali pa siyang nagulat at napaturo sa akin. Ngumiti naman ako ng malaki at kumaway sa kanya. Ako na ang unang lumapit sa kanya.
"Hi, Colby!" Pagbati ko. "Saan ka pupunta?"
Bahagya siyang yumuko sa akin para mapantayan ako. "I was just on my way to find you.. but here you are now."
"Ahh.."
Napakamot ako sa batok at napatango-tango. Deretso naman siyang tumitig sa akin at para bang hinuhuli ang mga mata ko.
"Where you've been? A-Ayos ka lang ba? You missed the class after the swimming lesson." Nag-aalala niyang sabi.
Napatawa ako. "Ayos na ayos lang ako! Pinatuyo ko lang sarili ko kaya hindi na ako nakapasok kanina."
Nag-aalala pa rin siyang humawak sa balikat ko. "You sure?"
Tumango-tango ako at nag thumbs up. "Oo naman! Ako pa ba?"
Hindi pa rin siya kumbinsido. "Bakit ka ba kasi nalunod kanina? Anong nangyari?"
"Amm.." nag-isip ako ng kasinungalingan. "Kasi ganito.. nu'ng naglalakad ako sa gilid ng pool, bigla na lang akong nadulas! At boom! Hulog! Haha!"
Nawala ang tawa ko nang seryoso siyang nakatitig sa akin. Napanguso na lang ako. Narinig ko pa ang pagtikhim niya.
"You're so crazy, and clumsy! I can't believe you.." nagsalubong ang kilay niya. "But what are Sally's group doing there anyways?"
"Ano, amm.. balak sana nila akong tulungan kanina pero nagpapanic sila hehe.." pagsisinungaling ko pa.
Napabuntong hininga siya at tipid na ngumiti. "Be careful next time. You made me worried."
Napaangat pa ako ng tingin sa kanya at tumitig sa kanya. Mukha nga siyang nag-aalala. Ngumiti akong muli ng matamis.
"Thank you nga pala, Colby! Inahon mo rin ako sa pool kanina."
Bahagyang lumaki ang ngiti niya. "I told you, ililigtas kita 'pag nalunod ka."
"Hehe.." napaiwas ako ng tingin.
Tumahimik bigla ang paligid. Nang tingalain ko siyang muli ay gano'n na lang ang titig niya sa akin. Napakamot ako sa aking buhok at tumawa.
"Sige, alis na 'ko, Colby. Kakain pa ako sa canteen." Paalam ko, natauhan naman siya.
"I'll join you!" Aniya. "Hindi pa rin ako kumakain.."
"Ahh gano'n ba? Sige!"
Sabay kaming naglakad papuntang canteen nang tahimik. Hanggang sa makarating kami at umorder ng makakain. Orange juice at burger lang ang kinuha ko bagaman may lunch pa mamaya. Sa kanya naman ay carbonara, chocolate cake at buko shake na kinaiinggitan ko bigla. Naupo kami sa dating pwesto at doon kumain.
"Here," biglaan niyang nilagay sa akin ang carbonara. "I know you want some of this."
Nanlaki ang mata ko. "Talaga? Akin na lang 'to?!"
Napatawa siya sa naging reaksyon ko. "Yeah, it's yours. Eat it."
"Waah!" Napatili ako at tumawa. "Ang bait mo naman talaga!"
Gano'n na lang kalaki ang ngiti niya sa akin at pinanood akong kumain. Ang sarap ng carbonara na gawa rito, simula ngayon ay ito na ang paburito ko!
"Eat slowly." Rinig kong sabi niya.
Nginitian ko lang siya ng malaki at nilunok ang nginuya ko saka uminom ng orange juice. Napa-dighay pa ako ng malakas na kinatawa niya pang muli.
Ngumuso ako sa kanya at matagal na napatitig. Aaminin kong ang charming ng mukha ni Colby, lalo na 'pag ngumingiti at tumatawa. Lumalabas ang pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin. May pagka-singkit din ang mga maya niya at sakto lang ang kapal ng kilay. Mayroon ding maliit na dimple sa kaliwa niyang pisngi. Napaisip naman ako bigla kung mayroon ba no'n si Duziell noong baby pa siya? Ang naaalala ko lang ay ang birthmark niya eh.
"Colby?" Bahagya kong nilapit ang mukha sa kanya.
Hindi nawala ang malaki niyang ngiti. "Hmm? Nana?"
Tumitig ako sa mga mata niya. "Pwede ba magtanong ng personal?"
"Hmm? What is it?"
Ngumuso ako. "May nakita akong marka sa dibdib mo noong nag-swimming ka kanina. Birthmark 'yon, noh?"
Bahagya siyang nagulat sa tanong ko at nauwi sa tawa. "You saw it? Yeah, I believe it's my birthmark. Well, it's been there since I was younger. Why?"
Napalunok ako at bahagyang naramdaman ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Pilit akong ngumiti ng malaki at umiling.
"Natanong ko lang naman." Ani ko. "Ilang taon ka na nga pala? Kailan ang birthday mo?" Sunod-sunod ko pang pagtatanong.
Tumaas ang dalawa niyang kilay. "You're getting to know me?"
Tumango ako. "Mm! Para maging close tayo, hehe.."
"Well then, I'm 18, born on May 4, 1981." Tugon naman niya.
Napatango-tango naman ako. May 4 siya pinanganak? Ang birthday naman ni Duziell ay January 2. Naalala ko pa noong nanganak si mama sa kanya. Hating gabi na noon pagkatapos namin mag-celebrate ng new year.
"So.. ikaw naman?" Patanong na sabi ni Colby, natauhan ako. "Ilang taon ka na and when is your birthday?"
Pilit akong ngumiti. "Kasing edaran lang tayo ngayon, tapos na ang birthday ko noong january."
Syempre, nagsinungaling na naman ako. Lahat halos ng sinasabi ko rito ay talagang kasinungalingan.
"You're 5 months older than me, then." Ngumiti siya. "Should I call you ate? Ate Nana?" Gano'n kalambing ang tinig niya na kinatigil ko naman.
Gano'n na lang kalakas ang t***k ng puso ko at hindi magawang makatugon. Matagal na matagal akong napatitig sa kanya.
Gustong-gusto kong matawag na ate..
Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Nagsalita naman siyang muli.
"I was just joking." Bawi niya. "Ayaw kong tawagin kang ate. Ayaw kong maging ate ka sa'kin." Tumawa siya at sumubo ng cake.
Awtomatiko at gulat akong napatingin sa kanya. "Bakit? Ayaw mo 'kong ate?"
Ngumuso siya at tumango. "I don't see you as ate. It's just feels weird if I do."
Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Pero.. paano kung.. siya si Duziell? Paano 'yon? Anong mangyayari?
Wala sa sarili akong sumubo ng carbonara. Nililipad na naman ang isip ko. Naguguluhan ako dahil sa tuwing ilalagay ko sa posisyon si Colby na kapatid ko ay naaalala ko ang DNA result namin ni Ryker. Sa tuwing maiisip ko naman na baka si Ryker nga ang kapatid ko ay naaalala ko ang birthmark ni Colby sa dibdib.
"Nana?" Pukaw sa akin ni Colby.
"Ha?" Natauhan ako at napabaling muli sa kanya.
Bumaba ang paningin siya aking labi. "You have something on your lips."
Pinunasan ko agad ang labi ko. "Wala na?"
"Meron pa, sa kabila."
Pinusan ko ulit gamit ang daliri ko. "Meron pa?"
Napatawa siya. "Yes, here." 'Di ko inaasahang pupunasan niya ang ibaba kong labi gamit ang hinalalaki niyang daliri.
Natigilan ako sa ginawa niya. Nakatingin lang siya sa aking labi at ngumiti ng malaki. "There, wala na." Aniya.
Nagtama ang mga mata namin, saka lang siya natauhan sa ginawa niya at nalilitong nag iwas ng paningin. Napaiwas din ako ng tingin at deretsong napainom ng orange juice. Naglinga-linga na lang ako ng paningin sa canteen at hindi inaasahang makikita ko si Ryker mula sa counter.
May hawak siyang tray ng pagkain at tuwid na nakatayo habang deretso ang paningin sa akin!! Ganoon na lang ang gulat ko. Ayun na naman ang masama at madilim niyang mga mata na nagbigay sa akin ng mini-heart attack. Nakakaloka!
Subalit gano'n na lang din ang kaba ko nang maglakad siya patungo sa kinalalagyan namin ni Colby! Napaawang ang labi ko nang tuluyan na siyang nakatayo sa harapan ko! Pinatong niya sa lamesa ang tray ng pagkain at hindi nawawala ang sama ng titig niya sa akin.
"Dude?" Si Colby ang siyang naunang magsalita, nakatingala rin kay Ryker.
Bumakas ang inis sa mukha ni Ryker at sinipa ang upuan ko! Bahagya akong napalundag ng upo!
"Hey!" nakatayo agad si Colby, handang umawat sa kanya.
"Get up." madiing utos pa sa akin ni Ryker at muling sinipa ang upuan ko!
Inosente akong nagtanong. "Bakit?"
"Aren't you into me?" ngumisi siya pero nahahalata pa rin ang dilim ng mata.
"A-Ano?" gulat ko pang tanong.
"Why having breakfast with someone else?"
Napaawang ang labi ko. Ano? Ano naman? Ha?? 'Di ko gets. Ano na naman bang tumatakbo sa isipan nitong lalaking 'to?
"What's your problem?" ngunot ding tanong ni Colby sa kanya.
Bumaling ng tingin si Ryker sa kanya, sarkasitkong ngumisi at nagkibit-balikat. "Nothing today, just getting this girl."
"Dude, we're eating." seryosong tugon ni Colby.
"Eat by yourself, then."
"You're so nasty, aren't you?"
"I know I am." ngumisi pa siya at bigla akong hinila patayo! "You know it well."
Napalunok ako sa sama ng titigan nila sa isa't isa! Hindi ako nilingon ni Ryker ngunit nararamdaman ko ang higpit ng hawak niya sa kamay ko! Walang sabi-sabing naglakad siya habang hila-hila ako!
"Ryker!?" gulat ko pa ring sigaw. Napalingon pa ako kay Colby at sa mga estudyanteng nasa amin ang atensyon!
Mariin akong napapikit at tuluyan na kaming nakalabas ng canteen. Hindi pa rin tumitigil sa pagkaladkad sa akin si Ryker kaya't ako na ang nagpumiglas ng todo dahilan para mabitawan niya ang kamay ko. Inisan pa siyang humarap sa akin!
"What's your deal?!" taas boses niyang tanong sa akin, halatang iritado.
Nangunot naman ang noo ko at napahawak sa magkabila kong baywang. "Aba! Bakit? Ano bang ginagawa ko?"
Sumama ang mukha niya. "How come you're obssessed with me but still flirting with other idiots??"
Nakamot ko ang aking noo. Ayan na naman tayo eh. Ayan ba talaga ang pag-aakala niya? Nagpakawala ako ng sobrang lalim na hininga.
"Kumakain kami ni Colby, bastos ka rin talaga, ano? Hihilain mo ako sa kalagitnaan ng pagkain para lang sa isipin na 'yan?" kalmado man ay inis kong saad.
Mariin siyang napapikit at lalong nainis. "You are such a two timer!"
Nimilog ang mga mata ko. "A-Ano?! T-Two.. timer?!" napaawang ang labi ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya!
Napapatawa ako bigla at napapailing. Napaiwas siya ng tingin, masama pa rin ang mukha. Hindi ko na alam kung ano pa ang irereact ko sa sinabi niya!
"You're not even pretty but too flirty." bulong-bulong niya pa!
Lalo akong hindi makapaniwala! Konklusyon mo, Ryker! Pinapasakit mo ang ulo ko. Kinalma ko ang sarili at saka lamang napagtanto ang inaakto niya. Hindi ako eksperto pagdating sa emosyon ng mga lalaki pero nakakahatala na ako sa kanya.
"Nagseselos ka ba?" deretso kong tanong, sinisilip ang mukha niya.
Lumukot ang muka niya. "The f**k? Why would I be?"
Naningkit ang mga mata ko. "Umayos ka nga, oo o hindi lang."
"Of course not!" galit niyang baling sa akin, pinamunulahan ng pisngi.
"Hindi naman pala e, bakit ka ba galit? Bakit ka naiinis?"
Bumilis ang paghinga niya at hindi nakatugon sa tanong ko. Maya-maya'y narinig ko ang paglunok niya at lalong nag-iwas ng paningin.
"I'm just.." unti-unting kumalma ang boses niya. "I'm just hungry and you're supposed to eat with me not with anyone. Especially with Colby!"
Gulat man sa sinabi niya ay kinalma ko ang sarili. "Bakit hindi ka na lang kumain kasama ng iba? Tropa mo kahit sino?"
"Do I look like I have anyone?" seyoso niyang tanong sa akin, walang emosyon na tumitig sa mga mata ko.
Napalunok naman ako, hindi ko alam ang itutugon dahil hindi ko naman alam na wala siyang kaibigan o kahit na sino man lang na kasa-kasama niya!
"Imposible namang walang lalapit sa'yo." lito ko ring sabi.
Mas sumeryoso siya. "Maybe it is.. Because you're the first one who did."