CHAPTER 15
ISANG linggo ang nagdaan at panibagong araw na naman sa akademya. Ganoon na ganoon na pa rin ang nangyayari. Puro activities na ang nagsisilabasan at talagang naging busy ako sa mga pinag-aaralan. Naging madali lang sa akin ang mga pagsusulit dahil napagdaanan ko na iyon dati. Kaya naman laging ako ang nangunguna sa klase, walang nakakahigit o nakapapantay man lang sa scores na nakukuha ko. Maging ang mga guro ay natatalbugan ko sa kaalaman kaya't wala silang masabi sa akin. Hindi nila ako magawang mapagalitan kahit pa sagutin ko sila ng sarkastiko dahil tama ang mga sinasabi ko.
Mainit pa rin sa akin sina Sally. Napapansin ko rin na may galit si Aliyah sa akin. Siya kasi ang top 1 nila dati pero ngayon, mukhang hindi na. Isa pa, napapansin ko talagang may pagtingin siya kay Colby. Sa tuwing kinakausap o nagkakasama kami ni Colby ay sumasama na agad ang timpla ng mukha niya.
Possessive girl bestfriend ang peg. Si Aliyah 'yung tipo na girl bestfriend pero feeling lover ni Colby. Tsk, pero hindi ko naman siya masisisi na nahulog siya sa kaibigan. Si Colby ba naman 'yun eh?
Napalapit na rin ako sa lalaking 'yun sa nagdaang linggo. Paminsan-minsan pa nga'y nagtutulungan kami sa mga gawain sa bawat subjects. Mabait siya at talagang honest sa mga sinasabi. Makikita ang pagiging sinsero niya. Kung sakali man na siya Si Duziell.. magtatalon ako sa tuwa. Subalit syempre, alam kong mahihirapan ako sa kanya pagdating ng panahon. Kailangan ko pa rin munang masunod ang gagawin kong plano sa akademyang ito.
"So as you know, ngayong week ang paghahanda natin for acquaintance party." Pagsasalita ni Miss An sa harapan. "Since 4th year students na kayo, you're seniors at kayang-kaya niyo nang mag-handle ng ganitong events. Inaasahan namin na magiging maayos at walang magiging problema sa event." Dagdag niya pa.
May impit na tilian at pagiging excited ang mga kakalase ko. Nagtanong ang isa. "Miss An, gabi po ba gaganapin 'yung acquaintance namin?"
"Yes po! Magsisimula nang 6 pm hanggang 11 pm."
"Miss, An! Partner-partner po 'di ba?" Tanong pa ng isa.
"Yes yes yes!"
"Miss! formal wear po ba ang susuotin?"
"Of course!" Ngiting tugon ni Miss An. "Girls need to wear DRESS, ha? Walang magpapantalon sa mga babae, dalaga na kayo so act like one. Impress the boys! And boys needs to wear formal attire too! You know it na so sana sundin para hindi magmukhang naliligaw sa party, maliwanag ba?"
"Eh, Miss An! Paano 'pag tomboy 'yung galawan ng babae? Magsusuot pa rin ba ng dress? Hahahaha!" Walang kakuwentang tanong ni Nick.
"At sino naman ang tinutukoy mo?" Ngunot noo niyang tanong.
Ngumisi si Nick at nginguso ako. "Ayun oh! Si Nana! Para 'yang tomboy maglakad, hindi babagay sa kanya ang dress! Baduy! Hahahaha!"
Napangiwi ako at bumaling sa kanya. "Ako na naman nakita mo? Talagang nagpapansin ka sa akin, noh?."
"Asa! Ang pangit mo!" Tumawa pa siya at humarap sa mga katropa. "Pustahan! Si Nana 'yung magmumukhang naligaw sa party!"
"Magkano pusta?" Sabat pa ng isa.
Napairap na lang ako at umiwas ng paningin. Galit na nagsalita si Miss An at pinagalitan sila.
"Don't you ever insult a classmate or any other people! Aba, ang lalaki niyo na para mang bully pa!" Nagtuloy-tuloy ang pangaral niya sa amin at tumagal pa ng ilang minuto ang sinasabi niya. Halata namang hindi iyon pinapakinggan ng mga kakalse ko.
Sumulyap sa akin si Colby mula sa harapang upuan. Ngumiti naman ako sa kanya nang magtama ang paningin naming dalawa. Pinamulahan siya ng pisngi at kaagad nag-iwws ng paningin. Nagtaka naman ako at binalewala na lang iyon.
"By the way, nasaan na nga pala ang spoiled brat?" Natatauhang tanong bigla ni Miss An sa kalagitnaan ng pangangaral.
"Baka Miss nag cutting classes na naman?"
Nasapo ni Miss ang kanyang noo. "Ang batang iyon! Hindi talaga siya makakagraduate kung magbubulakbol na lang siya palagi!"
"Eh, Miss An, siya naman 'yung anak ng may-ari ng school. Pera-pera na lang 'yan!" Sabat ulit ni Nick. "Simula grade school gan'yan na siya eh, pero nakakapasa pa rin dahil binabayaran ang grado!"
"Magtigil ka!" Saway ni Miss sa kanya. "Hindi matino ang batang iyon pero matalino kaya nakakapasa, hindi niya dinadaan sa pera! Kailan lang naman siya nagbulakbol ng ganito! Kaya baka ngayong taon ay malabo na siyang grumaduate. First quarter pa lang ay panay na siya pagpapabaya!"
Napanguso ako sa usapan nila. Si Ryker ang tinutukoy nila. Napapadalas na rin kasi ang pagliban niya sa klase. Minsan pa nga'y nahuli kong umaakyat sa bakod sa likod ng building. Napansin ko rin na halos wala talagang dumidikit o lumalapit sa kanya dala ng takot. Kahit pa marami siyang taga-hangang babae ay ganoon na lang siya katakutan. Madalas siyang solo-flight, kaya naman sinasaman ko siyang kumain tuwing break time o lunch time. Aminado ako na may pagkamainit ang ulo niya palagi-lagi. Ayaw niyang umamin sa mga bagay-bagay na obvious ko namang nakikita. May pagka-isip bata rin siya at talagang gusto niyang masunod ang mga gusto niya! Kaya siya binabansagang spoiled brat eh.
Nang tumunog ang bell ay kanya-kanyang galawan ang mga kaklase ko. Napabuntong hininga naman si Miss An.
"Class dismissed! See you again tomorrow! Don't be late and don't be absent, okay?"
"Yes, Miss An!"
"Goodbye, Miss An!"
"See you tomorrow po, Miss!"
"Thank you and goodbye, Miss An!"
Kanya-kanya rin silang paalam. Tumayo naman na ako at niligpit ang mga notebook at papel na naglakalat sa lamesa ko. Nilagay ko iyon lahat sa loob ng bag ko saka isinukbit iyon sa magkabila kong balikat. Akma na sana akong maglalakad nang lapitan ako ni Miss An.
"Nana, pwede ba muna kitang makausap sandali?" Sinsero niyang tanong sa akin.
Napatigil naman ako at ngumiti ng malaki sa kanya. "Opo! Tungkol po saan?"
Nagpakawala siya ng hininga. "Tungkol sana kay Ryker."
"Ho? Bakit?" Nangunot ang noo ko.
Gano'n na lang kabigat ang paghinga niya at para bang ang laki ng dinadalang problema. Nanlulumo siyang tumitig sa akin.
"You know him naman 'di ba? The thing is.. kahit ganoon ang ugali ng batang 'yon ay kailangan pa rin siyang matingnan ng maayos. Hindi naging maganda ang performance niya sa academics niya. Alam kong first quarter pa lang pero kasi kapag nagtuloy-tuloy 'yon at hindi siya magabayan ng maayos ay hindi talaga siya nakakapasa. Kaya habang maaga pa ay gusto kong ma-push na siya!" Paliwanag niya sa akin.
Napatango-tango naman ako. "Ah, gano'n po ba? Pero bakit niyo po sa'kin sinasabi?"
Ngumiti siya at humawak sa kamay ko. "Ikaw kasi ang laging nangunguna sa klase. Ang tataas ng scores mo at halos perfect lahat ang nakikita ko! Kaya naman.. gusto ko sana na maturuan mo si Ryker?"
Napalabi ako. Wow. Paano? May sariling pag-iisip iyon at hindi nakikinig. Matigas ang ulo at napatunayan iyon ng dalawa niyang puyo sa ulo!
"Pero Miss An--"
"Please, Nana?" Nakiusap agad siya. "Alam kong matutulungan mo si Ryker! Ang totoo niyan ay nakikita ko kayo na magkasama minsan. Panigurado akong kaya mo siyang ma-handle."
"Miss An--"
"Please! Matalino naman siya at fast learner pero sadyang nagbubulakbol! Sadyang ikaw lang talaga ang makakapagpabago ng isip niya ngayon. Sa nakikita ko ay close na kayo. Wala ngang iba na nakakalapit sa kanya bukod sa'yo eh!"
Nabawi ko ang kamay ko at napakamot sa aking batok. "Eh, Miss, bakit hindi lang ikaw? Ikaw naman ang teacher. Tungkulin mo 'yon. Tsaka hindi kami gano'n ka-close ni Ryker, hindi siya nakikinig sa akin. Madalas mainit pa nga ang ulo niya at mahirap pakalmahin. Gusto niya lagi ang masusunod at--"
"Please please, Nana! Kung kaya ko lang na turuan siya ay nagawa ko na sana 'yon. Kung sana ay nag iisa ko lang siya na estudyante ay maaari pa. Pero hindi eh, 5 sections at halos 150 plus na students ang tinuturuan ko. Ganoon din ang ibang teachers. Kaya sana ay matulungan mo ako. May kapalit naman iyon, pwede kong taasan pa ang mataas mo nang grado! Okay ba sa'yo 'yon?" Umaasa niyang tanong.
Napabuntong-hininga na lang ako at napipilitang tumango. Mukhang iiyak na si Miss An. "Okay po, Miss. Tuturuan ko si Ryker sa abot ng makakaya ko."
Nagliwanag ang mukha niya. "Salamat, Nana! Aasahan ko 'yan ah?"
Tumango na lang ulit ako bilang tugon. Nang tuluyan na akong magpaalam sa kanya ay mabilis akong nakalabas ng classroom. Nagsisiuwian na rin ang ibang mga estudyante. Nagtuloy-tuloy ako s paglalakad hanggang sa makalas na ng building.
"Goodbye, manong guard!" Kumaway ako sa kanya bilang paalam.
Ngumiti siya at kumaway pabalik. "Mag ingat sa daan, iha! Huwag pa-late bukas, ah?"
"Opo! Hahaha!" Natatawa kong tango at nakalabas na rin ng gate.
Wala man lang iba ang bumabati o nagpapaalam kay manong guard. Dinadaan-daanan lang siya ng mga estudyante.
Pumara at sumakay na ako ng jeep at hinintay ang biyahe. Pinapanood ko lang ang sasakyang motor na nakasunod sa jeeep na sinasakyan ko at naalala ang sarili kong motor. Kailan ko kaya ulit masasakyan ang baby ko?
Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa lugar na pansamantala kong tinitirhan. Tahimik ang paligid at malawak ang kalye patungong apartment. Takip-silip na rin kaya't unti-unti nang dumidilim ang paligid. May nadaan pa akong lasing na mga lalaki sa gilid na pinagmamasdan ang paglalakad ko. Nang-aalok pa ng alak. Napapailing na lang ako sa kanila at hindi na pinansin pa.
Huli na nang mabalitaan ko na maraming na-r**e na babae sa lugar na 'to. Delikado rin pala ang apartment na inuupahan ko dahil halos lahat ng nakarita roon ay gumagamit ng pinagbabawal na gamot. Pero walamg problema sa akin dahil kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko, at saka sanay na rin naman ako sa ganitong lugar.
Nasa kalagitnaan ako nang paglalakad at pag-iisip nang may biglang bumangga sa aking naka-purong itim na tao! Dumikit agad sa tagiliran ko ang patalim at ramdam ko iyon!
"Naziena, right?" Malalim na boses niyang bulong sa akin!
Nanlaki ang mga mata ko! May suot akong kolerete sa mukha at nakahuniporme akong pang-estudyante. P-Paanong.. nalaman niya ang mukha at pangalan ko?!
Gusto ko mang lumaban agad at patumbahin siya ay nagkunwari akong nanginginig sa takot. Nagkunwari akong inosente at hindi pinansin ang pangalang binanggit niya.
"K-Kuya.. 'wag niyo po akong sasaktan.. w-wala po akong pera." Inipit ko ang boses ko, nangilid agad ang mga luha ko. "H-Huwag niyo po akong holdapin.."
Nag-angat siya ng paningin sa akin, nagtama ng mabilis ang mga mata namin at tuluyan ko nang pinabagsak ang aking mga luha!
"P-Pakiusap po.. wala akong k-kahit na ano!" Nilakasan ko ang paghikbi ko, umaasang may makarinig sa akin.
Nalito bigla ang lalaki sa pag-akto ko! "You.."
Pinakita ko pa ang panginginig ng katawan ko na kinaatras niya ng bahagya. Bumilis ang paghinga ko at nagkunwaring nahihirapang huminga dala ng paghikbi ko!
"No way." Madiin niyang sabi, muling lumapit sa akin at ang patalim na hawak niya ay tinutok niya sa aking leeg! "Stop pretending little girl."
Nakagat ko ang ibabang labi at napatiim bagang. Akma na sana kong kikilos para lumaban nang pareho kaming matigilan dahil sa pagharurot ng motor patungo sa kanya! Gulat siyang napailag nang kamuntikan na siyang sagasaan ng motor na 'yon! Nabitawan niya ang patalim at napaatras naman ako ng pwesto!
Napakaingay ng tunog ng motor at iyon lang ang maririnig sa buong lugar! Ngunit ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kung sino ang sakay niyon dahil sa pagtanggal nito ng helmet! Kitang-kita ko ang napakadilim niyang mga mata at gano'n na lang kasama ang mukha niya! Ganoon na lang din kagulo ang tsokolate niyang buhok!
Walang kahirap-hirap siyang bumaba ng motor na hindi pa pinapatay ang makina at walang anu-ano'y sumugot sa lalaki kanina!
"ASSHOLE!!" Lumipad ang kamao niya sa lalaki na nagpabagsak dito!
Namilog ang mga mata ko at bumilis ang pagtibok ng puso ko! "Ryker!!"
Mabilis na nakatayo ang lalaki at bumawi ng suntok kay Ryker na mabilis naman nitong naiwasan! Pumaibaba si Ryker at tinangkang sipain ang binti ng lalaki nang mataas itong nakatalon! Nagtangka pa itong bumato ng suntok pero ganoon kabilis ang galaw ni Ryker na para bang sanay na sanay sa pakikipag-suntukan!
"F*CK YOU!" malakas na sigaw ni Ryker nang masapul niya ang lalaki.
Hindi na niya ito hinayaang makatayo pa at mabilis niya itong pinatungan para sunod-sunurin ang pagbato ng kamao sa mukha nito! Bigla ay hindi ko malaman ang gagawin! Napanood ko lang iyon hanggang sa makahanap ng lusot ang lalaki! Hirap man at sarado ang mukha ay nakabangon siya nang mapagod si Ryker sa pagbato ng suntok sa kanya. Mabilis siyang nakatakbo at nakasakay sa kalapit na nakaparadang motor! Nagtangka pang humabol sa kanya si Ryker nang ipaharurot na niya ang sinasakyang motor palayo sa lugar!
Sandali kong pinroseso ang nangyari at matagal na napatitig sa likod ni Ryker. Habol-habol niya ang hininga at rinig na rinig ko ang bawat hiningang pinapakawalan niya. Tumataas at baba ang balikat niya at gano'n pa rin kahigpit ang pagkakakuyom niya sa dalawang kamao. Na ngayon ay namumula na at may bahid ng dugo!
"Ryker.." mahina kong tawag sa pangalan niya.
Doon lamang siya natauhan at mabilis na napalingon sa akin. Nilapitan niya ako agad at sinuri ang kabuuan ko.
"A-Are you hurt? Did that f*cking guy take something from you?!" mariin, galit, at nag-aalala niyang tanong sa akin!
Napapalunok akong umiling-iling. Natigilan pa ako nang haplusin niya ang pisngi ko. "Y-You're crying.. Did he harass you?!"
Ilang beses akong napakurap at awtomatikong napapunas ng mga mata. "A-Ano.." bumilis ang paghinga ko. "A-Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakarating dito?"
Deretso siyang nakatitig sa akin, ganoon pa rin ang reaksyon. "Because I am following you, from the jeep you just ride up to here."
Natauhan ako at napatingin sa motor niyang nag iingay pa rin. Iyon ang itsura ng motor na nakasunod sa sinasakyan kong jeep kanina.. Siya iyon?!
"Now answer me, did he harass you?!" galit na niyang tanong sa akin.
Napapalunok akong umiling-iling. "H-Hindi.."
"Tell me what did he do to you." bumaba ang paningin niya sa patalim sa semento at inisan niyang sinipa 'yon! "The f**k?! Is that f*cking guy trying to do something?!"
Napahawak ako sa braso niya. "H-Hoholdapin niya lang sana ako.. 'Yun lang." pagsisinungaling ko pa.
Lalo siyang nagalit. "Don't say 'yun lang like it's nothing! He's a creep! He can do worse than that!"
Nakagat ko ang ibabang labi at mariing napapikit. Sino ang lalaking 'yon at kanino naman siyang tauhan? Paano niya ako nakilala?!
"What the heck is this place? Do you live here?!" galit, nagtataka niyang tanong sa akin.
Dahan-dahan akong tumango at tumuro sa mababang gusali, 'di kalayuan. "Doon sa apartment na 'yon ako nakatira."
Hindi siya makapaniwalang tumitig doon at bumaling sa akin. "You're living in a dangerous place, Nana!"
Napatitig ako sa kanya. Mayroon siyang kamunting sugat sa ibabang labi. Bumaba ang paningin ko sa kamao niya na namumula pa rin at mayroon ding sugat. Saka lamang ako nag angat sa kanya ng paningin.
Hindi ko inaasahan na darating siya bigla. Pero hindi pa rin mabura sa isipan ko ang lalaking iyon na kilala ang mukha at pangalan ko.
Kailangan ko iyong malaman bago pa tuluyang maikalat ang pagkakakilanlan ko.