Chapter 16

2682 Words
CHAPTER 16 "DITO ka na lang," Pigil kong sabi kay Ryker nang magtangka pa siyang sumunod sa akin paakyat sa hagdanan. Sinamaan niya lang ako ng tingin at nagtuloy sa pag-akyat. Nanguna siya sa paglalakad na para bang alam niya kung saan ako patutungo. Sumabay ako sa kanya sa paglalakad sa corridor. "Bakit mo ba kasi ako sinusundan?" Ngunot noo kong tanong sa kanya. Nanatili siyang seryoso. "Because I want to. And you must be thankful for that because I just saved your life." Nagpakawala ako ng hininga. "Kaya ko naman 'yon." Tugon ko at natauhan din sa sinabi ko. Shoot! Napahinto tuloy siya sa paglalakad at magkasalubong ang kilay na humarap sa akin. "What did you just say? Kaya mo?" Nanlaki ang mata ko. "A-Ano, amm--" Pinitik niya ng malakas ang noo ko! "You're weak. A cry baby! I saw your body shaking from behind and heard your voice crying." Nahimas ko ang noo ko at napanguso sa kanya. Hindi na ako tumugon at baka may masabi pa akong kung ano. Nagtuloy kami sa paglalakad sa corridor at natanaw ko na ang pintuan papasok ng silid ko. Dahil nangunguna si Ryker sa paglalakad ay lumampas na siya. Napapailing ko naman siyang tinawag pabalik. "Ryker, dito lang." Mabilis siyang napalingon sa akin at mapapahiyang naglakad pabalik. Pinakatitigan niya ang pintuan ng silid ko at umasim ang mukha niya. "Disgusting." Pandidiri niya pa at bumaling sa akin. "You live here? Why?" "Tsk!" Asik ko. "Dito ako nakatira. Papasok na ako sa loob kaya umalis ka na." Tumaas ang isa niyang kilay. "Don't tell me what do to. Where are your parents?" Tanong niya pa. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. "Amm.. nasa ano sila.. nasa malayo! Ako lang ang nakatira dito." "What?" Paasik niyang sabi at malalim na napabuntong hininga. "This place is not safe, Nana." Napalabi ako at nagkibit-balikat. "Ayos lang ako rito. Wala namang nang-aano sa akin dito eh. Nagkataon lang ang kanina." "But---" Hindi natuloy ang sasabihin niya nang may sumulpot na manong sa daanan ng corridor at may hawak na bote ng alak. "Tagay tayo!" Malakas niya pang sigaw habang tinataas ang bote ng kanyang alak. Nanlaki naman ang mga mata ko. Pinanood namin siyang nagpagewang-gewang na umakyat ng hagdanan sa itaas na palapag. Muli akong binalingan ni Ryker nang may masamang titig. "See?" Aniya. "Those jerks might harm you too!" Napangiwi ako at napakamot sa aking batok. "Eh anong gusto mong gawin ko? Dito ako nakatira at wala na akong ibang mapupuntahan." Matagal siyang hindi nakatugon at mariing napapikit. Gano'n na lang kabigat ang paghinga niya. "Give me your phone number." "Ano? Bakit?" "Just give it to me!" Asik niya at nilabas ang telepono niya. Umiling-iling ako at nagsinungaling. "Wala akong cellphone, Ryker." Bahagya siyang nagulat. "What? Are you that poor?" Tumango ako. "Oo, hindi ako makabili ng cellphone." Napipikon niyang kinuha ang kanang kamay ko at nilagay doon ang cellphone niya. "Take my phone, then." Ako naman ang nagulat. "Ha? Eh bakit mo sa'kin 'to binibigay?" "Call me whenever someone's trying to do something weird to you." Seryosong seryoso niyang sabi. Napaawang naman ang labi ko, hindi makapaniwalang tumitig sa kanya. "B-Bakit?" "What bakit? Of course! I will be there and kick their ass off!" Inis niyang tugon. Ilang beses akong napakurap-kurap at napailing-iling. Napatitig pa ako sa kanya at kitang-kita ang magkasalubong niyang kilay. Napabuntong hininga ako at nilagay sa bulsa ng palda ko ang cellphone niya. Saka ko siya nilapitan at tiningala. Tinaas ko ang dalawa kong kamay para abutin ang noo niya at haplusin iyon sa magkabilang direksyon na kinatigil naman niya. "Ang init lagi ng ulo mo." Komento ko at patuloy sa paghaplos ng noo niya. Hanggang sa unti-unti na ring mawala ang pagkalukot ng noo niya at ang pagkasabulong ng dalawa niyang kilay. Naramdaman ko pa nang bahagya siyang yumuko at mas nilapit ang mukha sa akin. Nagtama ang mga mata namin at matagal na matagal na nagkatitigan! Hindi na masama ang titig niya sa akin at umaliwalas na ang mukha niya. Ganoon na lang kislap sa mga mata niya! Napalunok ako nang bumaba ang paningin niya sa labi ko at matunog din siyang napalunok! "Nana.." halos ibulong niya ang pangalan ko at muling nag-angat ng paningin sa akin. "H-Ha?" Napatitig ako sa kanya. Akma na sana siyang magsasalita nang may malakas na kalabog ang nangibabaw! "Oh my god!" May boses ang umalingawngaw sa kinapupwestuhan namin! Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Ryker at natigilan bigla. Sabay kaming napalayo sa isa't-isa at gulat na napalingon sa likuran ko! Nakabukas na ang pintuan ng silid ko at naroon nakatayo si Evie habang gulat na gulat din na nakatitig sa amin! Nagsalit-salit ang paningin niya sa aming dalawa ni Ryker habang natakpan ang nakaawang niyang labi. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "A-Ate!" Nilapitan ko siya at pinandilatan ng mata. Hindi pa rin siya nakakabawi sa gulat kaya siniko ko ang tagiliran niya. Saka ako humarap kay Ryker. "Amm, Ryker! Ate ko nga pala!" Kinakabahan kong pakilala kay Evie. Natauhan si Ryker at hindi malaman ang gagawin. Nalilito at naiilang siya na hindi makatingin sa akin. "U-Umm, you have sister?" Nakagat ko ang ibabang labi at tumango-tango. "O-Oo.. hindi ko alam na nasa loob pala siya.. may kasama na ako rito kaya.. pwede ka nang umalis." Hindi ko naman siya pinagtatabuyan pero dahil naging awkward na sa pagitan namin at narito pa si Evie ay dapat na talaga siyang umalis. Mas lalo siyang natauhan at tumango-tango. "Okay.. I uhh.. I gotta go." Tumango ako pabalik at kumaway sa kanya. Sandali pang nagtama ang mga mata namin saka siya awtomatikong tumalikod at naglakad papalayo. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay hinila ko si Evie papasok ng silid saka ni-lock ang pintuan. "What are you doing here, Evie!" Gulat kong tanong sa kanya. Gulat din niya akong hinarap. "What? Of course, I'm visiting you and waiting for you to come!" Nakagat ko ang ibabang labi at natapon ang bag ko sa upuan. Nanghihinala niya akong tinitigan. "Isn't that Damon Ryker? Your little brother!" Malakas niyang sabi at pinanlakihan ako ng mga mata. "What the heck are you two doing earlier? Are you gonna kis--" "No! It's not what you think!" Putol ko sa sasabihin niya. "Then, what is it? Bakit gano'n 'yung posisyon niyong dalawa?" "We're just.." hindi ko magawang dugtungan ang sasabihin. "Arghh! It's nothing!" Tinalikuran ko siya at nagtungo sa aking kama. Sinundan naman niya ako. Mariin akong napapikit at pabagsak na nagiga sa aking kama. Natakpan ko ang aking mukha. "Tsk, tsk, tsk! What just happened, Naziena. Remember, he's your little brother!" Paalala niya sa akin. Matagal naman akong nanahimik at nalukot ang aking katawan sa pagkakahiga. Palibhasa'y hindi ko pa nasasabi kay Evie na pinanghihinalaan ko ang DNA results na galing sa kanya. Hindi niya pa rin alam ang tungkol kay Colby dahil ngayon na lang ulit kami nagkita magmula noong huli niyang dalaw. Pilit kong isinantabi ang isipin kay Ryker. Tumayo ako at nagtungong banyo upang ihilamos ang aking mukha ng husto. Hanggang sa mabura na ang kolerete at nakita ko nang tuluyan ang mukha ko. Napatitig ako sa salamin at pinagmasdan pa ang sarili ko. Nang bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina ay naikuyom ko ang sariling kamao. Kaninong tauhan ang lalaking iyon? Bakit niya ako kilala kahit pa nagpapanggap akong ibang tao. Paano nangyaring alam niya na ako iyon? Bumilis ang paghinga ko at ilang beses na nasuntok ang lababo dala ng inis! Hindi maaari.. Nang makuntento ako sa pag-iisip ay lumabas na ako ng banyo. Nadatnan kong nag-aayos ng bag si Evie. "Aalis ka na agad?" Ngunot kong tanong. Napabaling siya sa akin at tumango. May hinugot siya sa bag niya at may inabot sa aking maliit na envelope. "Invitation card 'yan. Birthday ni mommy next next week pero advance ko nang ibibigay sa'yo ang imbitasyon. Huwag mong kalilimutang pumunta ah? She misses you!" Napangiti ako at ngiting tinanggap ang envelope. "Don't worry, pupunta ako." "Okay, then! 'Yan lang ang sinadya ko kaya ako pumunta rito." Aniya. "I need to go na." Tumango ako. "Sige, Evie. Mag-ingat ka." Tuluyan na siyang lumabas ng silid ko. Nagpalit naman na ako ng damit at hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang lalaki kanina. Nakalipas na ang ilang oras at dis oras na nang gabi nang maisipan kong matulog. Ngunit tumunog ang telepono ko sa cabinet. Kaagad ko iyong kinuha at pinakatitigan kung sino ang tumatawag. DeCavalcante Walang alinlangan at mabilis ko iyong sinagot. "Hello?" "Hey," boses ng lalaki. Batid kong si Fenriz DeCavalcante, na siyang hiningan ko ng tulong. "Come over here. The paternity test results are all arrived!" Nanlaki ang mga mata ko at gano'n na lang ang pagbilis ng kaba sa dibdib ko! Ang mga resulta.. - PINAHARUROT ko ang motor ko hanggang sa marating ang palasyo ng mga DeCavalcante. Mabilis ang naging kilos ko at pinarada lang sa kung saan ang motor ko nang tuluyang makababa. Sumalubong sa akin ang mga tauhan nila na may hawak na mga armas. Hinayaan nila akong makapasok sa loob ng mansyon at ginabayan pa patungo sa malaking opisina. Ganoon pa rin ang kabog ng dibdib ko at talagang kinakabahan ako sa resulta! Nang makapasok sa malaking opisina ay naupo ako sa katapat ng malaking upuan na pinapagitan ng malaki ring lamesa. Halatang mamahalin ang lahat ng bagay na nasa loob at puro babasahin ang makikita. Sa malaking upuan naroon nakaupo si Fenriz DeCavalcante. Bahagya siyang ngumiti sa akin. "You're not wearing your mask?" Tanong niya. Ngumiwi ako. "You knew my identity. There's no reason for me to wear it." Tumango-tango siya at uminom ng kulay pula na may halong kahel na inumin. Nangunot ang noo ko sa inumin na 'yon. "You want some tomato juice?" Alok niya sa akin. Tomato juice? Umiling ako. "Eww." "Anong eww?" Napaikot ako ng mga mata. "Look, where's the result? Akala ko ba ay dumating na?" Napatango-tango siya at pinunasan ang labi. "Wait for it a minute. Nasa taas pa." Napabuntong-hininga ako at pinalibot ang paningin sa opisina niya. "Nasaan si Mr. DeCavalcante. Hindi ako sanay na ikaw ang kaharap ko. Kailan darating ang ama mo?" Napabaling siya sa akin at nagkibit-balikat. "I don't know. I'm handling his business for now so deal with me." Napalabi na lang ako. Maya-maya pa'y may pumasok na isang babae sa loob ng opisina at doon nabaling ang paningin ko. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko sa itsura ng babae. Nakasuot siya ng mahaba at puting bestida. Nakalugay ajg itim at mahaba niyang buhok. Ganoon na lang ang pagkislap ng maputi niyang balat at walang kaemosyon-emosyon ang mukha! Sa likuran niya naman nakasunod ang isang lalaki na mukhang mas bata ang itsura. Nakabusangot iyon at mabilis na nakatakbo kay Fenriz DeCavalcante. "Uncle! Bakit mo kinansel ang credit card ko?! Ibalik mo 'yon!" Kinuwelyuhan niya si Fenriz, na siya namang kinainis nito. "Shut up, you idiot kid!" "Uncle!! Maglalayas na lang ako sa pamamahay na 'to kung ganyan niyo lang ako tratuhin!" "You're abusing your credit card that's why I cancelled it!" "I'm gonna kill you!" Galit pa rin nitong kinuwelyuhan si Fenriz na siya pang kinagulat ko. "Mei Mei, oh!" Gano'n na lang ang pagtawag niya sa babaeng tahimik na nakatingin sa kanila! Nagpakawala siya ng hininga at napailing. "Tracer Shin, bitawan mo si Fenriz." Napatitig ako sa babae, ang lamig ng boses niya! Mabilis na binitawan ng batang lalaki si Fenriz at naluluhang lumapit sa kanya. "Auntie Mei Mei! 'Yung credit card ko.." nagsusumamo niyang sabi. "Tracer, tumigil ka na." Sambit nito sa lalaki at naiiyak na nanahimik ito. "Huh! You're not getting any money from us, idiot." Tumunog ang pang-aasar sa boses ni Fenriz DeCavalcante. "Ikaw din, Fenriz. Tumigil ka na." Mariing sambit ng babae na kinanguso niya. Nakamot ko ang aking ulo at napapailing na pinagmasdan sila. "Sorry sa istorbo. Pero kasi naghihintay ako ng resulta, rito?" Ngiwi kong pagsasalita. Sabay-sabay silang napalingon sa akin. Nagtama naman ang mga mata namin ng babae na siyang lumapit sa akin. Saka ko lang nakita ang mga envelope na hawak niya. Maingat niya iyong nilapag sa harapan kong lamesa at ngumiti. "Kararating lang ng mga ito kanina." Malamig na aniya. Nakagat ko ang ibabang labi at napatitig sa maamo niyang mukha. "Salamat." Ngiti kong tugon at binuksan ang unang envelope na nakapangalan sa akin at kay Damon Ryker Campbell. Bigla ay bumilis na naman ang pagkabog ng puso ko. Kinailangan ko pang magpakawala ng malalim na hininga para makalma ang aking sarili. Nanlamig bigla ang mga kamay ko nang mahawakan ko na ang unang piraso ng papel. Pinakatitigan ko ang lahat ng nilalaman niyon. Nakalagay ang sa mga magulang ko mula sa record at ang resulta ng kay Ryker. Saka ko rin tiningnan ang pinakahuling numero. Combined direct index; 0%, Probability of paternity: 0%. Nagsalubong ang mga kilay ko at pinakatitigan pa iyon ng maigi. "Anong ibig sabihin nito?" Nalilito akong nag-angat ng paningin sa kanila. Si Fenriz DeCavalcante ang sumilip niyon. "Let me see.." kinuha niya ng piraso ng papel at pinakatitigan. "Oh.. It says zero percent.. So negative. There!" ngiti niyang binalik sa akin ang papel. Negative? Napaawang ang labi ko at nalilitong nagbukas ng isang envelope na nakapangalan pa rin kay Ryker. Subalit ganoon pa rin ang nakalagay na resutla. Parehong-pareho rin ang mga numero na ikinukumpara ko sa isang papel. Mayroon pang isa na sa kanya din nakapangalan at ganoong-ganoon pa rin ang nakalagay! "H-Hindi si Ryker?" lito at naguguluhan kong tanong sa sarili. Kung gano'n.. Mali nga ang resulta mula kay Evie? Bumilis ang paghinga ko at kinakabahang binuksan ang envelope na kay Colby nakapangalan. Binaba kong muli ang nakalagay sa dulong bahagi ng papel. Combined direct index; 1,464,342,975, Proability of paternity; 99.9999999% Nanlaki ang mga mata ko at nanginginig na napatakip ng aking bibig. Gano'n na lang kabilis ang paghinga ko dahil sa kabang dumadaloy sa buong sistema ko! "I wanna see!" inagaw ng lalaki, na nagngangalang Tracer Shin ang papel sa kamay ko. Sinilip din nila Fenriz DeCavalcante at Mei Mei iyon. "Anong sabi?" "Positive, Mei Mei. Mukhang nahanap na niya kapatid niya." Inayos ko ang sarili ko at binuksan ang dalawa pang envelope. Ngunit parehong-pareho din ang nakalagay! Ganoon na ganoon talaga at walang palya sa mga numero! "Congrats, Naziena De Ayala! You have found your long lost kapatid." ngiting bati sa akin ni Fenriz. Samantalang hindi pa ako nakakabawi ng gulat! SOBRANG tagal akong natigilan at nagmuni-muni habang pinakatitigan pa rin ang resulta. Hanggang sa tuluyan nang maproseso ng utak ko ang lahat ng iyon. Kahit pa naghalo-halo na ang mga bagay sa isipan ko ay tumayo na ako upang magpaalam sa kanila. "S-Salamat sa tulong, DeCavalcante." pakiramdam ko ay nanghina ako bigla! Tumango siya. "You're welcome. Anytime you need help. We're DeCavalcante. We got your back." sinabi na niya iyon dati. Tumango ako at tiningnan ang lalaking si Tracer Shin at tumango sa kanya. Tinanguan niya rin ako. "Bye!" Bumaling ako sa babae, si Mei Mei. "Salamat din. Alis na 'ko." paalam ko. Akma na sana kong tatalikod ng magsalita siya. "Sandali lang." pigil niya sa akin. Bumaling muli ako sa kanya. "Hmm? Bakit?" Nagtama ang mga mata namin at unti-unting tumaas ang sulok ng labi niya. "Kaunting babala.." "Ha?" Lalo pa siyang ngumiti. "Huwag ka sanang pakampante sa taong malapit na malapit sa'yo." Gano'n na lang ang pagkakakunot ng noo ko at pinroseso ang sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" "Magaling kang magpanggap pero hindi mo matukoy kung sino ang tunay na mapagpanggap?" kinukwestyon niya ako na para bang alam na alam niya iyon! Lalo akong kinakabahan at biglang kinutuban. Ganoon ko na lang seryosohin ang sinabi niya sa hindi malamang dahilan. Seryosong-seryoso akong nakipagtitigan sa kanya. "Sino ang tinutukoy mo?" naikuyom ko ang kamao, naghihintay sa pangalang sasambitin niya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti niyang 'yon. "Sino ba ang unang pumasok sa isipan mo?" balik niyang tanong sa akin. Sunod-sunod akong napalunok at natigilan sa tanong niyang iyon. Malabo, pero naiintindihan ko ang pinupunto niya.. S-Si Evie..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD