Chapter 17

2386 Words
CHAPTER 17 HINDI naman siguro magagawang magtaksil sa akin ni Evie, hindi ba? Magkasama na kami noon pa man. Simula pagkabata, lahat ng sekreto ko ay alam niya. Lahat-lahat sa pagkatao ko ay kabisadong-kabisado niya. Siya 'yung nag-iisang tao na nakakaintindi sa akin at ginagabayan ako sa lahat ng pagkakataon. Hindi ko lang siya basta-bastang pinsan, dahil matalik ko siyang kaibigan. Siya 'yung nag-aalaga sa akin tuwing nagkakasakit ako at siya 'yung nandiyaan lagi 'pag kailangan ko. Sa paanong paraan ako hindi magiging kampante sa kanya? Siya na yata 'yung tinuturing kong pamilya. "Stupid girl! Mei Mei? Tsk. Ano bang alam niya." Tinungga ko ang bote ng alak habang tinitingala ang kalawakan. Narito ako sa bubong ng gusali ng apartment. Pinapanood ko ang mga bituin sa kalangitan habang tinutungga ang bote ng alak. Nayakap ko ang aking sarili nang humangin ng pagkalakas-lakas. Pilit akong ngumiti at pinunasan ang namuong luha sa mga mata ko. "Duziell ko.. natagpuan na rin kita sa wakas. H-Huwag kang mag-alala.. kapag natapos si ate Nana sa misyon niya.. kukuhanin na kita at aalagaan." Bahagya akong natawa sapagkat kinakausap ko lang hangin. Ito na rin kasi ang paraan ko para malabas ang saloobin ko. Gumuguhit sa alaala ko ang mukha ni Colby na masaya. All this time, kaharap ko lang ang kapatid ko. Sa tagal ng panahon.. ano kaya ang mangyayari kung ngayon ko sasabihin sa kanyang kapatid ko siya? Paniguradong hindi siya maniniwala. Dahil sa pagkakaalam niya ay anak siya ng katulong ng mga Campbell. Malakas akong napabuntong hininga. Hindi ko basta-basta na sasabihin iyon sa kanya. Kailangan kong unti-untiin habang isinasagawa ang misyon ko. Sa huli, gusto ko talagang magtagumpay. Sa haba ba naman ng panahon ko 'tong pinaghandaan eh. Tapos matatalo lang ako? Muli akong tumungga ng alak. Napapikit ako at nilasap ang lasa niyon. Saka ako muling nagmulat ng mga mata upang tanawin ang buwan. Muli kong naisip ang lalaki kanina na umatake sa akin sa eskinita. Halatang inaabangan niya ako at alam niya pa kung saan ako nakatira. Kilala niya ang pangalan ko kahit nakapang-estudyante ako at iba ang itsura. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon kaya't patuloy ko iyong hinihulaan. Subalit dahil sa sinabi ng Mei Mei na 'yon sa mansyon ng mga DeCavalcante ay nagkaroon ako ng ideya. Paano kung.. may kinalaman talaga si Evie? Siya lang naman ang may alam sa itsura ko---but no! Hindi niya magagawa sa'kin 'yon! Bumakas naman sa alaala ko noong binigay niya sa akin ang DNA results namin ni Ryker na naging positibo. Samantalang ang DNA na nakuha ko sa mga DeCavalcante ay negative. Ano 'yon? Bakit mali? Napabuntong-hininga ako. Hindi naman kalaban ang mga DeCavalcante. Alam na alam ko iyon dahil kung oo man, matagal na sanang bulgar ang pagkakakilanlan ko. Parang ama sa akin si Mr. DeCavalcante kahit pa trabaho ang lagi naming pinag-uusapan. Walang rason para kalabanin nila ako. Ganoon din naman ang turing ko kay Evie at sa pamilya niya. Walang rason para traydurin nila ako. Walang rason para hindi ako maging kampante kapag kasama ko sila! Sila pa nga ang tumutulong sa akin! Tutungga na sana ako ulit ng alak nang mapagtanto kong naubos na ang laman niyon. Nagpakawala ako ng mabigat na hininga at para bang ganoon na lang ang pasanin kong problema. Tumayo ako saka inunat ang aking katawan. Nagdahan-dahan ako sa paglalakad sa bubong at baka'y bumigay bigla. Eksperto akong tumalon sa pinakataas na palapag ng corridor at bumaba ng hagdan. Saka ako naglakad patungong silid ko. Alas-tres na nang madaling araw at kinakailangan ko pang pumasok mamaya sa akademya. Nagtuloy ako sa pagpasok sa silid ko at deretsong nahiga sa kama. Kahit pa uminom ako ng alak ay hindi ako nakaramdam ng pagkalasing. Subalit pagod ang katawan ko dahilan upang mabilis akong mawalan ng malay. - KINAUMAGAHAN, dating gawi. Nag-ayos ako ng sarili upang matakpan ang aking mukha. Sinuot ko ang aking lukot na huniporme na kakasuot ko lang din kahapon. Nangunot pa ang noo ko nang maramdamang may bagay na nakalagay sa bulsa ng aking palda. Dinukot ko iyon at nakita ang cellphone ni Ryker. Saka ko lang naalala na rito ko pala iyon nilagay nang ibinigay niya sa akin kahapon. Kuryoso ko iyong binuksan at tumambad sa screen ang 10 missed calls! Kinalikot ko iyon at wala namang nabasang messages. Walang laman ang inbox niya, mukhang walang ka-text mate. Wala ring nakalagay na kahit anong numbers sa contact lists niya. Ang linis, mukha ring hindi pa masyadong gamit ang cellphone. Kaya siguro gano'n na lang kadali para sa kanya na ibigay sa akin iyon. Pinasok ko iyon sa bag saka muling tumuon sa pagaayos. Nang matapos ay lumabas na ako ng apartment at sumakay ng jeep. Ilang minuto lang ay narating ko na ang akademya. Bago ako tuluyang makapasok sa loob ay natanaw ko sa labas ng gate si Colby. Nakatayo siya sa tabi ni manong guard habang naglilinga-linga ng paningin sa paligid. Mukhang may hinihintay siya. Kaagad na bumilis ang pagtibok ng puso ko at sunod-sunod akong napalunok. This is it! Si Duziell! Kailangan ko pa ring umakto na normal lang ang lahat! Nagpakawala ako ng hininga. Nanlamig bigla ang mga palad ko. Kinakabahan man ay dere-deretso akong nagtuloy sa paglalakad patungo sa kanya. Nagtama naman ang paningin naming dalawa nang matingnan niya ako. Kitang-kitang ko ang pagliwanag ng mukha niya at unti-unting pagsilay ng ngiti sa labi niya. "Nana!" Kumaway niya sa akin. Ang kaba ko ay napalitan ng saya! Kumaway ako pabalik at nagmamadaling tumakbo papalapit sa kanya. "I was waiting for you--" hindi niya natuloy ang sasabihin nang salubungin ko siya ng yakap! Natigilan siya. Pinulupot ko ang braso ko sa baywang niya at sinubsob ang aking mukha sa dibdib niya. Hindi ko mapigilan ang pag-apaw ng saya sa dibdib ko! Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Ibang-iba at sobrang gaan! Dahil ba alam kong siya na ang kapatid ko? Sa birthmark pa lang niya.. alam kong siya na talaga si Duziell! Hindi ko namalayan ang paghigpit ng yakap ko sa kanya.. "Paano ka lumaki ng ganito.." emosyonal kong naiusal. Narinig ko bigla ang lakas ng pintig ng puso niya. Ramdam na ramdam kong nanigas siya sa kinatatayuan! Bigla rin naman akong natauhan at napagtantong kailangan kong umakto ng normal! "Ah!" Napahiwalay ako sa yakap at tumingala sa kanya. "Pasensya na!" Ilang beses siyang napakurap, pinamulahan ng pisngi saka yumuko sa akin. "U-Umm.. uhh? I-It's okay.." Napaiwas siya ng tingin at mariing nakagat ang ibabang labi. Napalunok naman ako at naisip na baka iba ang maging dating sa kanya ng pagyakap ko! "S-Sorry, Colby.. ano.. 'di ko sinasadya!" "N-No it's okay!" Hindi pa rin siya makatingin sa akin. "Nagulat lang ako.. sa pagyakap mo." Kinurot ko ang sarili kong daliri dahil sa nagawa. Tuloy ay naging awkward sa pagitan naming dalawa. "Oh? Tapos na kayo diyan?" Natauhan kami sa pagsasalita ni Manong guard. "Pumasok na kayo bago ko pa kayo pagsaraduhan ng gate." Nagkatinginan kami ni Colby at napapahiyang pumasok sa loob. Natahimik kami sa paglalakad at minsan pang nagkakatinginan pero hindi makaimik. Nang hindi ko na makayanan ay binasag ko na ang katahimikan. "Amm, bakit mo nga pala ako hinihintay sa labas?" Kuryoso kong tanong sa kanya. Bahagya niyang binaba ang paningin sa akin. "W-Wala lang, gusto ko lang." "Hmm?" Napanguso ako. "Gano'n ba?" Bahagya siyang tumawa, batid kong naiilang pa rin. Napabuntong-hininga naman ako. Ngayong kasama ko na ang kapatid ko.. paano maging ate? Nakarating kami ng classroom nang hindi na nagkakaimikan. Naupo kami sa kani-kanyang pwesto at nanahimik. Napatulala ako sa labas ng bintana at malalim na napaisip. Paano kaya ako magiging kapatid kay Colby kung ang alam niya ay magka-edaran lang kami at isa lang akong kaklase? Estranghero pa kami sa isa't-isa at nagkakakilala pa lamang. Siguro, dapat ko munang unti-untiin na kilalanin siya. Gusto ko ring kilalanin kung sino ang tumatayo niyang ina, at gusto kong malaman ang istorya niya. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at nasubsob ang mukha ko sa lamesa. Ang dami ko nang problema, dumagdag pa si Evie. Hindi talaga siya mawala sa isipan ko! Pati 'yung bwisit na lalaki. "Argh, bwisit!" Napasabunot ako sa sariling buhok at mas sinubsob ang mukha ko sa lamesa. "Nana?" Napaangat ako ng tingin nang may tumawag sa akin. Ngumiti kaagad ako nang matingala si Colby. "Hmm?" Kumamot siya sa batok niya. "Uh, mauuna na ako sa gym.. gusto mo bang sumama?" "Gym?" Nangunot ang noo ko. "Anong meron?" Bahagya siyang tumawa, sumingkit ang mga mata. "Magaayos tayo para sa aquitance party. Remember?" Sandali akong napaisip at naalala ang tungkol do'n. "Ah! Oo nga pala.. nakalimutan ko na." Napatayo kaagad ako at tumango sa kanya. "Tara?" "Hmm, tara." Lumaki ang ngiti niya. Nagsimula kaming maglakad nang tahimik. Hindi ko maiwasang mapangiti, hindi ko alam kung ano ang eksaktong dahilan. Pero siguro dahil alam kong siya si Duziell. Parang ang sarap sa pakiramdam. Kung pwede ko lang siyang kunin ngayon ay gagawin ko na. Pero sa sitwasyon namin ngayon, malabong-malabo iyon. Naroon na sa gym ang iba ko pang mga kaklase at ibang mga sections. Inaayos na nila ang mga dekorasyon at iba pang mga kagamitan. Ang mga student councils ang nangunguna sa pagaayos, kasama na ro'n si Colby at sila Sally. Nanalo sila sa election kaya naman malaki ang magiging responsibilidad nila sa pamumuno rito. "Hey, witch!" May humatak sa buhok ko mula sa likuran! Nanlaki ang mga mata ko at inisang humarap doon! Lalong sumama ang mukha ko nang makita si Ryker. Fake little brother! Kung alam ko lang na Campbell siya ay una pa lang.. nakagawa na ako ng hakbang sa kanya! Pinitik niya pa ang noo ko. "Why didn't you answer my calls last night?" Nginiwian ko siya at nagsinungaling. "Tulog na ako no'n." Naningkit ang mga mata niya at umiwas ng tingin. "So.. did you sleep well?" Mas lalo akong napangiwi. "Bakit mo naman tinatanong 'yon? Oo, nakatulog ako ng sobrang himbing! Ano ngayon sa'yo?" Nagsalubong ang mga mata namin, unti-unti siyang napanguso. "Kasi ako hindi. I just ended up sleeping after you missed all my calls." "So kasalanan ko?" "Yes." Matigas niyang tugon. Napaikot ako ng mga mata at nagbuhat ng kumpol na mga upuan. Hindi ko na siya tinugon pa at nilipat ang mga upuan sa tabi ng stage. Sumunod naman siya at pinanood ako. "Do you need help?" Tanong niya pa. "Para nang mababali ang mga braso mo." "Heh!" Hinarap ko siya. "O sige, Kailangan ko ng tulong sa pagbubuhat ng mga pisteng upuan na 'to." Ngumisi siya at tumango. Naglinga-linga siya ng paningin sa paligid. "Hey, lackey!" May sinenyasan siya. Nagulat ako nang lumapit si Colby, nagkatinginan pa kami bago siya bumaling kay Ryker. "What?" Ngumisi si Ryker at nginuso ang mga upuan. "Carry those freaking chairs, so Nana's little arms won't get hurt." Napaawang ang labi ko sa pag-uutos niya kay Colby! Sa pag-aakala ko ay siya mismo ang gagawa pero hindi! Akmang bubuhatin ni Colby ang mga upuan nang pigilan ko siya. Gulat naman siyang napatingin sa akin. "Ako na." Pigil ko sa kanya. Umiling siya. "No. I can do this, Nana--" "Ako na." Seryoso at madiing kong sabi. Tinaliman siya ng tingin. Gulat at napalunok naman siya. "But I have to this." Mariin akong napapikit. Pakiramdam ko ay unti-unting lumiliyab ang galit sa akin. Ganito ba utos-utusan ng mga Campbell ang kapatid ko? At ano? Si Colby ay anak ng katulong sa kanila! Nag-angat ako ng tingin kay Ryker na nakakunot ang noo. Palihim kong naikuyom ang kamao. Talagang kuha niya ang mukha ng ama niya. Noon pa man ay napagkukumpara ko na silang dalawa! Lalong nakakagalit. "Why, Nana?" Tanong niya pa sa akin. "Let him carry those chairs. Sanay siya sa pagbubuhat." Naantig ang tainga ko sa narinig. Naramdaman ko naman ang titig sa akim ni Colby kaya't pilit na pilit kong itinago ang masamang reaksyon ko. Pilit akong ngumiti kay Ryker sa kabila nang pagkakakuyom ng kamao sa aking likuran. "Kaya ko ang mga 'to. Magaan lang." Bahagya kong inagaw kay Colby ang mga upuan. "Ako na." "No!" Biglaang sigaw ni Ryker, nainis. "Bring those down, now, Nana." "Tumigil ka, Ryker o pasasabugin ko 'yang bibig mo." Hindi ko napigilang banta sa kanya. "What?" Napaasik siya at nagtiim bagang. Tinaliman ko siya ng tingin. "Manahimik ka na lang kung hindi ka tutulong." "Nana." Sambit ni Colby sa akin. Binalingan ko naman siya. Gusto ko ring mainis sa kanya dahil pumapayag siyang utos-utusan. Naalala ko noong pinagsasapak siya ni Ryker! Gustong-gusto kong sumabog sa galit ngayon pero lahat na yata ng pagtitimpi ay ginawa ko na! "Ituloy mo na lang kung anong ginagawa mo ro'n, Colby." Seryoso kong sabi sa kanya. "Ako'ng bahala rito." "Pero--" "Isa!" Inis kong pigil sa kanya. Nagulat naman siya at hindi malaman ang gagawin. "Ako na nga sabi! Bumalik ka na ro'n." Nag-aalinlangan pa siyang tumingin sa akin at kay Ryker. Mukhang hinihintay niya pa ang pahintulot nito! "Whatever! Get lost." Inis ding sabi ni Ryker sa kanya, walang nagawa. Napabuntong hininga siya saka tumango. Sandali pang tumingin sa akin saka tumalikod at naglakad palayo. Matalim naman kaming nagkatitigan ni Ryker. May araw ka rin sa'kin. Akma ko na sanang kakargahin ang mga upuan nang siya naman ang pumigil sa akin. "Do you really want me to do for you, don't you?" Nakabusangot niyang sabi. Hindi ako tumugon at tinangka ko muling kargahin ang mga upuan na pinigilan niyang muli. "Ako na." Ngiwing aniya, ginaya ang tinig ko at pawang nang-aasar. "Ako na nga." Napaawang ang labi ko. "Aba--" "Ako na nga sabi!" Niliitan niya ang boses at talagang inaasar na ginaya ang tinig ko! Nakasimangot niyang inagaw sa akin ang mga upuan at naglagay papalayo. "Isip-bata!" Habol kong sigaw sa kanya. Nilingon niya pa ako para lang irapan. Pinanood ko siyang ilipat ang mga upuan sa stage at hindi maipagkakaila ang pagkabusangot ng mukha niya. Habang pinapanood ko siya ay aksidenteng tumama ang paningin ko sa labas ng gymnasium. May natanaw ako roong lalaki na nakasuot ng puro itim na kasuotan. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino iyon. Kuhang-kuha niya ang postura at pananamit ng lalaking umatake sa akin kahapon! Deretso ang ulo niya sa kinapupwestuhan ko at para bang tanaw na tanaw niya ako! Sino ka ba? Anong pakay mo! Paano mo ako nakilala..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD