Chapter 18

2291 Words
CHAPTER 18 HINDI ko natapos ang buong araw sa paaralan. Nakahanap kaagad ako ng lusot para makatakas sa pag-aayos sa gym. Dahil abala sila sa loob ay walang nakapansin ng pagtakas ko. Maging sina Ryker at Colby ay hindi na ako namalayan. Mabilis man ay hindi kahina-kahina akong kumilos para maligaw ang lalaking kanina pa nakamasid sa akin. Habang todo iwas ako sa iilang cctv camera ay para namang wala lang sa kanya 'yon at patuloy pa rin sa paghahanap sa akin. Ang tigas ng mukha! Sa loob pa talaga ng paaralan niya ako sinusundan! Alam kong kinakailangan ko nang magtago, subalit mas pinili kong pumunta sa canteen kung saan maraming estudyante ang nagkalat. Nakihalubilo ako sa isang grupo na hindi ko naman kakilala at nakiupo sa table nila. Mabuti't hindi na lang nila ako pinansin. Tinanaw ko pa sa pintuan ang lalaki nang makitang pumasok din siya sa loob ng canteen! Naglinga-linga siya ng paningin at talagang hinahanap ako! Kitang-kita ko ang pagkalito niya at kaagad kong ini-iwas ng paningin at umaktong nakikipag-usap sa mga estudyante. Muli ko siyang tinanaw at nakitang lumabas na siya ng canteen. Nakahinga naman ako ng maluwag at pinanood pa siyang tumakbo palayo. "Uh, excuse me?" Naagaw ang atensyon ko sa babaeng nagsalita. "I don't think you belong here." Plastik akong ngumiti ng malaki. "Pasensya na! Haha!" Tumayo kaagad ako at umalis sa table nila. Nag-iingat ko namang sinundan ang daang pinuntahan ng lalaki. Hindi inaasahang madadatnan ko siyang may kausap sa telepono malapit sa garden. Nagtago ako sa likod ng pader at sumilip sa kanya para pakinggan ang usapan nila. "I lost her, dame." Malalim na tinig niya, kausap ang sa kabilang telepono. "Yes, I think she saw me.. Okay, I'll go there now." Ibinaba niya ang telepono saka lumingon sa likuran kaya't kaagad naman akong umiwas sa pagkakasilip at tumakbo sa pinakamalapit na tao. Nakita ko si Nick na naglalakad kaya't sa kanya ako lumapit para akbayan! "Nana!!" Nagpumiglas kaagad siya. "Hahaha! Nick nandito ka lang pala!" Halos mahatala ang pagpepeke ko ng tawa at mas sinakal ang leeg niya. "Shh! 'Wag kang malikot!" "A-Ah! Bruha ka!" Pilit niyang inalis ang braso ko sa leeg niya. "Bitaw!" "Ano ba! OA!" Kinutusan ko siya na lalo niya pang kinasigaw. Nang makita ko ang lalaki na lagpasan kami ng lakad ay saka ko lang binitawan si Nick. Pinanood ko ang lalaki na pasimple lang na naglakad sa path way. Naningkit naman ang mga mata ko. Sino ang katawagan nito? "Ah! Nana!" Nagulat ako nang bigla akong kwelyuhan ni Nick. "Naghahanap ka talaga ng away!" "Hehe, pasensya na." Mahigpit kong hinawakan ang kamao niya para alisin sa pagkakahawak sa kwelyo ko. Bakas ang pagka-inis niya. "Sa susunod na gawin mo 'yon, makakatikim ka sa'kin ng suntok. Pumapatol ako sa babae, tandaan mo 'yan." Napaikot ako ng mga mata saka tumango. Tinulak niya pa ako at inis na tinuloy ang paglalakad. Saka ako muling bumaling sa dinaanan ng lalaki. Dali-dali akong tumakbo para tahakin iyon. Naabutan ko siya sa parking lot na sumasakay ng motor. Aalis siya! Natauhan ako at umiba ng daan. Nagtungo sa front gate at nakitang malaya iyong nakabukas. Wala rin si manong guard kaya't mabilis akong nakalabas doon. Saka ako humarurot ng takbo patungong kalsada upang pumara ng tricycle. Sakto naman nang makasakay ako ay pinapatakbo na ng lalaki ang kanyang motor. "Saan tayo madam?" Pagtatanong ng tsuper. "Pakisundan ho ng motor! Ayun!" Tinuro ko ang motor na mabagal pa lamang ang pagpapatakbo. Kaagad namang umandar ang tricycle na sinasakyan ko at sinundan ng tsuper ang nasabing motor. Matagal at ang layo ng binyahe namin. Talagang mabilis din ang pagmamaneho ng tsuper para masundan ang motor na mabilis din sa pagpapatakbo. "Madam! Ang layo na nito!" Malakas na sigaw ng tsuper, nakikipagtalo sa lakas ng hangin. "Titriplehin ko ho ang bayad!" Malakas ko ring sigaw. Kinapa ko ang bulsa ng palda ko at nagpapasalamat na dala ko ang wallet ko. Talagang malayo sa eskwelahan ang lugar na narating na namin. "Manong! Dito lang ho!" Pag para ko nang magtakangka pa siyang sundan ang paparadang motor ng lalaki. Bumaba ako ng tricycle at nagtago sa likuran nito saka ko roon inabot ang bayad sa tsuper. Na kaagad ding nagmaneho paalis. Nagtago muli ako sa likod ng bakod kung saan malapit na pinarada ng lalaki ang kanyang motor. Pinanood ko siyang maglakad sa masikip na eskinita. Walang katao-tao sa lugar kaya't alam ko nang may kung anong nagaganap dito. Walang tunog at sobrang tahimik kong sinundan ang lalaki. Nang lumingon siya sa likuran ay kaagad akong nakapagtago sa likod ng malaking basurahan. Napapapigil ako ng sariling hininga saka muling sumilip. Nadatnan ko siyang naglalakad muli kaya't mabilis akong nakasunod. Hanggang sa huminto siya sa harapan ng napakalaking gusali. Halatang luma na iyon at walang katao-tao. Pumasok siya sa loob ng bakal na pintuan na nakatiwangwang. Nangulubot naman ang noo ko at nagdalawang isip na sumunod doon. Subalit binalot ako ng kuryosidad kaya't sa huli ay sumunod din ako. Napakadilim sa loob, tanging ang sinag ng araw lamang ang nagbibigay liwanag sa ibang bahagi ng sulok. Puno ng alikabok ang sahig at talagang sira-sira ang mga gamit na nasa loob. Nagtago ako sa kinakalawang na tangke, 'di kalayuan sa pintuan. Lumang gusali na ito.. bakit siya nandito? "What took you so long, Vlad." Umalingawngaw ang tinig ng babae. Naantig ang tainga ko, sandaling tumigil ang paghinga ko at humina ang pandinig ko dahil sa tinig na iyon! Sunod-sunod akong napalunok at kaagad na dumagundong ang kaba sa dibdib ko! "My apologies," malalim na boses ng lalaki. "Tsk! So, did she saw you?" Anang pamilyar na boses ng babae! "How's it went?" "Well, she did saw me and run away or hide somewhere, that's why I lost her." "That's enough, at least. Paniguradong mate-threat na siya no'n. I know her well. Baka nga'y hindi na siya makatulog sa kaiisip knowing that someone know her identity." Tanging ang tinig niya lamang at ang malakas na pagtibok ng puso ko ang naririnig ko. Halos matulala ako habang dahan-dahang sumilip sa kinaroroonan nila. Gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko at awtomatikong pangingilid ng mga luha ko.. E-Evie... Nanlalabo man ang paningin ko ay kitang-kita ko siyang nag-abot ng bungkos ng pera sa lalaki. "You did a good job. Keep on threatening her." Ngisi niyang pang sabi. "Thank you." Nakatalikod man ang lalaki ay nakikita kong binibilang niya ang bungkos ng pera. "Basta't 'wag kang magkakamali na saktan si Naziena. May ibang tao ang siyang gagawa no'n sa kanya." Dagdag pa ni Evie na nagpatigil sa mundo ko. "Nagkakaintindihan ba tayo?" "Yes, dame." "Okay, you can leave now. Pakisabi kay Mr. Flencher na maghanda na siya sa susunod na linggo para sa kasunduan namin." F-Flencher? K-Kasunduan? Parang tinangay ng hangin ang isip ko. Nasapo ko ang sariling bibig at wala sa sariling naaaptras. Hindi humuhupa sa pagdagundong ng malakas ang puso ko at halos manikip ang aking dibdib! Ilang beses pa akong napailing bago tuluyang lumabas sa malaking bakal na pintuan. Walang kasing-bilis akong tumakbo palayo sa lugar habang sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha ko! Anong nangyayari! B-Bakit gano'n.. Bakit nandoon si Evie? Anong pinaplano niya!!? Tauhan niya ang lalaking 'yon? P-Pero bakit.. bakit?! Bakit niya 'yon ginagawa sa'kin.. Gulong-gulo ang isip ko at hindi ko maproseso ang nasaksihan! Hindi ko maintindihan! Naghahalo-halo ang mga bagay sa isipan ko at bigla-biglang nabablangko! Pinangungunahan ako ng emosyon kahit anong pagpipigil ko roon. Panay ang pangingilid ng mga luha ko sa mga mata at tuluyang nanlalabo ang paningin ko habang panay pa rin sa pagtakbo! Hininhingal at nanghihina akong tumigil sa kalagitnaan ng tulay. Hindi ko na matukoy kung saang lugar ako nakapunta. Basta't ang alam ko lang ay napakatahimik doon at gano'n kalamig ang hampas ng hangin. Napapagod akong naupo sa gilid ng kalsada at doon tuluyang napahikbi. Habang inaalala ko ang naging usapan nila ng lalaki ay unti-unti akong nagkakaroon ng ideya sa nangyayari. Sinusubukan niya akong takutin sa pamamagitan ng pagkakakilanlan ko.. at may kasunduan sina Evie at si Flencher Campbell? P-Paano.. Kumibot ang labi ko at natakpan ko ang mukha ko. Hindi ko pinigilan ang mga luhang nagsisipagbuhos sa mga mata ko. P-Paano magagawa ni Evie sa'kin 'yon.. Hindi ko maintindihan.. matalik ko siyang kaibigan.. siya ang pinakamalapit kong kamag-anak at ang pamilya niya! B-Bakit niya gagawin 'yon.. anong balak niya! Anong pakay niya?! Nasubsob ko ang mukha ko sa dalawa kong tuhod at nayakap ang aking sarili. Naguguluhan ako.. kilala ko si Evie eh! Hindi niya magagawa sa'kin 'yon.. Muli kong naalala ang DNA test na galing sa kanya at ang babala sa akin ng babaeng DeCavalcante. Napunasan ko ang aking luha at umiiyak pa ring napatingala sa kalangitan. Takip-silim na kaya't ganoon kaganda ang langit. Hindi tugma sa nararamdaman ko. Ilang beses akong umiling-iling nang maalala muli ang usapan nila Evie at ng lalaking 'yon. K-Kaya ba kilala ako ng lalaki.. dahil kay Evie? K-Kung gano'n.. kilala na rin ba ako ni Flencher Campbell? Mariin akong napapikit at napasigaw sa sakit. Nasabunutan ko ang sarili kong buhok at muling nayakap ang aking sarili. S-Sana panaginip lang 'to! "P-Please.. ayaw ko na.." lumakas ang paghikbi ko at tuluyang binalot ng luha ang mukha ko. "E-Evie.. b-bakit ka ganyan.. hindi mo naman ako tinatraydor 'di ba?" Muli akong nag-angat ng paningin at hinaplos ang aking dibdib. Suminghap ako ng hangin at pinakawalan iyon para maikalma ang aking sarili. Ilang beses ko iyong ginawa hanggang sa matuyo ang mga luha ko. Muli akong tumingala sa kalangitan ngunit sa halip na makalma ang sarili ay ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ang isang babaeng nakatayo sa gilid ko! Napatayo ako at inisang humarap sa babae na deretsong nakatingin sa ilog habang nakatayo ng tuwid sa gilid ko. Nakasuot siya ng kulay pulang huniporme at mayroong sukbit na itim na bag. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang. Dahil kanina pa ako rito umiiyak na mayroong tao sa gilid ko. Napabuntong hininga ako at tumabi pa sa kanya, mukha rin siyang estudyante. "Kanina ka pa ba diyan?" Pagtatanong ko sa kanya. Dahan-dahan siyang bumaling sa akin at tumango. Ang buhok niya ay hindi pantay-pantay na hanggang braso. Natatabunan ng buhok ang kanan niyang mata. Bigla ay gusto kong magkaroon ng kausap. Kahit hindi ko siya kakilala. Mukha lang naman siyang normal na estudyante. "Kanina mo pa ba ako naririnig?" Kuryoso kong tanong. Muli siyang tumango at nagtanong. "Bakit ka umiiyak?" Muli akong nalungkot. "Alam mo ba 'yung pakiramdam na traydurin ng kaibigan?" Umiling siya. "Hindi. Pero alam ko ang pakiramdam na traydurin ng isang kapatid." Nangunot naman ang noo ko at mapaklang tumawa. "Kung gano'n.. alam mo rin kung gaano kasakit 'yon." Nanlulumo akong tumingin sa ilog. "'Yung isang tao na pinagkakatiwalaan mo.. 'yung isang tao na tinuturing mong pamilya.. may binabalak pala na masama sa'yo.." "Hmm.. alam na alam ko ang gano'ng pakiramdam." Pagunawa niya sa akin. "Kaya ka ba umiiyak?" "Mm.. dahil ngayong araw ko lang nalaman na ang pagtatraydor niya sa akin." Mapait kong tugon at naiyukom ang aking kamao. "A-Alam mo? Ngayong naiisip ko na pwede pala akong traydurin ng kahit na sino.. ngayong naiisip ko na wala na akong kakampi.. g-gusto ko na agad sumuko." Naiiyak man ay pilit ko iyong pinigilan. Matagal siyang nawalan ng imik at narinig ko ang pagbuntong hininga. "Sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob," aniya. "Nag iisip ako ng isang dahilan kung para kanino o para saan ba ako lumalaban? Iniisip ko kung ano bang gusto ko noong simula pa lang. Pagkatapos no'n, nilalakasan na ako ng loob." Bumaling siya sa akin. "Subukan mo ring tanungin ang sarili mo. Baka makatulong." Napatitig ako sa kanya at matagal na napaisip. Para saan o kanina ako lumalaban? Malungkot akong napangiti. Para maipaghiganti ang mga magulang ko. Iyon ang gusto ko noong una pa lang. At si Duziell.. Nanlaki ang mga mata ko. "S-Si Colby!" Bigla akong natauhan. "Siya ang bago kong dahilan kaya lalaban ako! H-Hindi ako susuko.. kaya ko 'to! Ano naman kung wala na akong kakampi? Marami pa akong gustong gawin at patunayan. P-Para kay Duziell.. hindi ako aatras sa laban." Naninindigan kong sabi. Humarap sa akin ang babaeng estudyante at sinserong ngumiti. "Mabuti kong gano'n." Nabuhayan ako ng loob at hinawakan siya sa magkabilang braso na kinagulat niya pa. "Salamat. Ang bata mo pa pero nakatulong ang sinabi mo." Nangunot ang noo niya. "17 na ako.. ikaw din, mukha lang tayong magkaedaran." Napangisi ako. Mukha pala talagang bata ang itsura ko. May kinuha siya sa kanyang bulsa na itim na panyo at inabot sa akin na nagtataka ko namang tinanggap. "Nagkalat ang make-up mo." Aniya at natauhan ako. Shoot. Kaagad kong pinunasan ang mukha ko at nagtanong. "Saan dito ang sakayan ng bus? Naligaw lang ako sa lugar na 'to." Tumuro siya. "Deretsuhin mo lang ang mahabang tulay na ito. Naroon ang mga sasakyan." Napangiti ako. Nakatulong sa akin ang magkaroon ng kausap. "Salamat, amm.." Nangapa ako sa pangalan niya at nakita ang ID niya na nakasabit sa leeg niya. Hinawakan ko iyon at binasa ang kanyang pangalan. "Mon Yehudis Cleveland?" Pagbasa ko at tumingin sa kanya. "Salamat, Mon." Tumango siya at ngumiti. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na ako sa kanya at tuluyang nilisan ang lugar. Nakasakay ako ng bus at nagtungo sa mansyon ko. Doon ako nagpahinga at naghanda ng sarili. Habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin habang naliligo ay pumapasok sa isipan ko si Evie. Kung kanina ay panay ang iyak ko, ngayon naman ay binalot ng galit ang sistema ko! Ni hindi ko nakontrol ang aking sarili at napagbuntangan ng galit ang salamin, dahilan upang mabasag iyon gamit ang kamao ko. Makikita mo, Evie.. ang kalalabasan ng pakikipagkasunduan mo sa mga Campbell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD