BASHA “Grandpa, hindi mo man lang ba itatanong kung anong klaseng pamilya meron si Basha? I mean yung background niya. Akala ko mahalaGa sa'yo na galing sa mayamang pamilya ang gusto mo para sa sa akin.” Nilingon ko siya pati na rin ng kanyang lolo. Magkatabi kaming dalawa at ang lolo naman niya ay nakaupo sa dulo ng dining table. Nagpahid ng table napkin si lolo Sa labi at bumaling sa kanya. “Nakapag-usap na kami ni Basha sa hospital. Nalaman ko ang tungkol sa kanyang ina at pati na rin ang mayaman niyang ama na ayaw siyang tangapin. Sapat na yun para sa akin Hijo. Alam kong mabuti ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang ina. Walang problema sa akin kung kilala man ang pamilya niya o hindi ang mahalaga sa akin. Mahal ka niya at may mapag-iiwanan na ako sa'yo kapag sinundo na ako ni San pe

