"Mukhang masarap 'yan, ah!" "Oo naman. Luto kaya iyan ni Tita Belen." "Oo nga pala nasabi mo na ba kay Aling Belen ang nangyari sa akin kanina?" "Oo. Nag-aalala nga ang tita sa iyo. Kaya nga naisip niyang padalhan ka ng makakain mo. Saka sabi niya ay ubusin mo raw ang lahat ng iyan." "Ha? Lahat talaga? Ang dami kaya nitong dinala mo na ulam. Ikaw baka gusto mo akong sabayan kumain." "Okay lang tapos na kami ni tita mag lunch. Sige na, kain ka na muna riyan at magbabasa-basa lang ako ng magazine. Sabihin mo lang kung may kailangan ka pa." "Wala na po. Salamat." "Sus, wala iyon." Habang kumakain si Mark, si Tricia naman ay naglabas na ng magazine para basahin. Hindi niya namamalayan na habang siya ay nagbabasa panay naman ang tingin sa kanya ni Mark. Sikretong sinusulyapan siya ng bi

