Tumayo si Aling Belen para makiusyoso na rin sa usapan ng kanyang mga kapitbahay. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga naririnig. "Ano kanyo tinulungan ako ni Mark? Bakit may nangyari ba sa akin kanina?" "Opo. Kanina lang po ay bigla kayong nagsisigaw kaya lahat po kami ay naalarma sa lakas ng iyong pagsigaw." "Nakita niyo ba kung bakit ako nagsisigaw?" "Hindi nga po, eh. Basta naabutan na lang po namin kayo na nasa sahig na kayo. Pagkatapos ay bumubula pa ang bibig niyo at nangingisay." "Ha? A-ano? Ganun ba ang nangyari sa akin? Paanong–" Napatulala ang ginang sa kanyang nalaman. Nang makita siya ni Tricia na nakatulala ay nilapitan siya kaagad ng pamangkin at pinaupo. Hinimas-himas pa nito ang buhok ng ginang saka niya ito niyakap nang mahigpit. "Tita Belen, okay na po ba kayo?

