Nang matapos ng makapag-isip si Tricia ay umupo na ito. Saka muli itong nakipag-usap kay Mark na wala ng halong alinlangan. "Mark, naguguluhan ako." "Saan?" "Sa lahat ng nangyayari." "Ha? Kagaya ng?" "Tungkol kay Tita Belen at sa iyo." "Bakit pati ako?" Tumingin muna si Tricia sa kaibigan bago niya sinabi ang totoo sa mga kanyang nasaksihan habang ginagamot ng kaibigan ang kanyang tiyahin. Pero may pag-aalinlangan pa rin si Tricia sa mga nakita niya kanina. Habang ito'y nag-iisip wala naman siyang kamalay-malay na pinagmamasdan na pala siya ng kaibigan. Nagulat na lang siya ng bigla siyang mapatingin kay Mark. "Hoy! Bakit ganyan ka na naman makatingin sa akin, ha? Alam mo ba kanina ganyan ka rin makatingin kay Tita Belen?" "Ako? At bakit ko naman kayo titingnan ng masama?" "Ewan

