"Pasensya na ho pero hindi nga ho talaga." "Pwes, ipapaalala ko sa iyo ang buong pangyayari." Nagawang ibaba ng matanda ang dala-dala nitong latigo para ikwento ang buong pangyayari kay Mark. Habang nagkukwento naman ito ay hindi makapaniwala si Mark sa kanyang mga naririnig. Natapos na nga't lahat ang kwento ng matandang lalaki ay wala pa rin siyang maalala. "Hindi ko ho talaga maintindihan. Kung ako ang pumatay sa pamilya mo. Sana po ay matagal na akong nakakulong, hindi po ba?" "Paano naman makukulong ang isang alagad ng demonyo." At nang marinig iyon ni Mark ay bigla na lang nag-init ang buo niyang katawan at nagawa niyang sakalin at buhatin ang matandang walang kamalay-malay. "Uulitin ko tanda. Hindi ako ang pumatay sa pamilya mo. Kaya kung gusto mo pang mabuhay pa ay umalis ka

