Habang naghihilamos siya ay ramdam na ramdam niya ang sakit ng batok niya na dulot ng bago niyang marka. Hindi niya maitago ang sakit na kanyang nararamdaman. "Bakit kailangan ko pang danasin ang ganitong sakit?" Bulong niya sa sarili habang siya ay nakaharap sa salamin. Kailangan niyang magtiis para makita at makausap ang kanyang mga magulang. Iyon ang kapalit ng hirap na kanyang dinaranas sa ngayon. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita niyang muli ang Demon Lord sa kanyang harapan. Nakatingin lang ito sa kanya habang ito ay nakangisi sa kanyang harapan. Hinihintay niya itong magsalita ngunit tahimik lang ito na nakamasid sa kanyang ginagawa. Nang akmang kakausapin na niya ito ay bigla na lang itong naglaho na parang bula. Laking pagtataka naman niya kung bakit wala man lang ito

