Maaga siyang nagising dahil sa usapan nila ni Tricia. Maging si Tricia ay maaga rin nagising. Halata sa mukha ng dalawang magkaibigan ang saya sa muli nilang pagkikita. Habang nagliligpit si Tricia ng kanyang hinigaan ay kapansin-pansin naman sa kanyang mukha ang saya sa muli nilang pagsasama ni Mark. At napansin din naman kaagad ng kanyang tiyahin ang kasiyahan sa mukha ng kanyang pamangkin. "Aba, aba, aba! Mukha yatang maganda ang gising ngayon ng aking pamangkin, ah!" "Po? Halata po ba, Tita Belen?" "Konti lang naman." "Ha? Konti lang? May ganun po ba? Kayo po talaga, tita. Hayaan niyo na lang po ako. Minsan lang naman po ako maging ganito kasaya, eh." "Pansin ko nga, hija. Hulaan ko. Si Mark na ba ang nagpapasaya ngayon sa aking pamangkin?" "Ang tita naman." Nang masambit ng Tit

