Matapos makapagbihis ni Mark ay lumabas na siya ng bahay at nag-commute, diretso sa paaralan nila. Tahimik lang siyang nakaupo sa dulo ng bus habang naka-earphone. Nakikinig siya ng mga music na makakapa-relax sa kanya dahil sa stress niyang dinadala. Kahit kasi na nasa kanya ang sobrang daming pera na itinabi ng kanyang magulang ay hindi pa rin nito matutumbasan ang pakiramdam na kasama ang magulang niya. Ilang minuto pa ang nakalipas at bumaba na si Mark sa bus dahil malapit na sa lugar ang paaralan niya. Pagbaba niya may lalaking pulubi siyang nakita na nakahiga sa upuan at namimilipit ang tiyan pero agad naman niyang iniwasan ng tingin ito hanggang sa may kumalabit sa kanya. Tinanggal ni Mark ang isang earphone niya sa kaliwang tenga at lumingon. Nakita niya ulit ang pulubing lalake pero mas malapit na sa kanya ito dahil nanghihingi na sa kanya ng pagkain ang lalake.
"P-pagk-kain po." Lahad ng isang kamay nito kay Mark.
Alam ni Mark na wala siyang mabibigay dito na pagkain dahil pera lang ang dala niya, pero bigla na lang lumabas ang isang ahas na nakapalupot sa tiyan ng pulubi. Nanlaki ang mata ni Mark nang makita niya ito pero hindi niya na lang ito pinansin at sinuot na lang ulit ang earphone sa tenga. Naglakad papalayo si Mark hanggang sa mapadaan siya sa bilihan ng burger. Naalala niya ang pulubi na nasa kanto lang at tsaka siya tumingin sa relo niya para tingnan kung may oras pa ba siya na pumasok sa paaralan kung tutulungan niya ang lalake sa gutom nito. Umayon naman sa pulubi ang oras dahil isang oras na maaga si Mark sa klase niya. Lumiko si Mark sa bilihan ng burger para bumili ng 4 na burger at isang boteng tubig. Pagkaluto na pagkaluto naman ng burger ay tumakbo na siya papunta sa matanda pero wala na ito sa pwesto niya kanina. Hingal na hingal na tumingin si Mark sa orasan niya dahil baka late na siya sa klase niya pero may sampung minuto pa siya na natitira. Sa sampung minuto niyang natitira ay sinubukan niyang hanapin ang lalake pero hindi niya pa rin ito mahanap, kaya nagdesisyon na siyang wag na itong hanapin at bumalik na sa paaralan dahil baka ma-late na talaga siya.
"H-hays."
Nag iba siya ng direksyon dahil masyadong na palayo ang paghahanap niya sa pulubi. Dumaan siya sa pinakamalapit na daan patungo sa paaralan niya hanggang may makita siyang lalake sa damuhan. Nakadapa ang lalaki at madumi ang katawan na parang isang pulubi, sira-sira rin ang damit para bang ang pulubi na humihingi sa kanya ng pagkain kanina. Dahan-dahan na lumapit si Mark dito at kinumpirma kung ito talaga ang pulubing humingi sa kanya ng pagkain. Hinarap niya ang lalake at doon niya nakumpirma na ito nga ang pulubi na lumapit sa kanya kanina. Pinakinggan niya ang paghinga nito pati na ang t***k ng puso pero walang response, kaya agad niyang nilapag ang burger na binili niya at binunot ang cellphone para tumawag sa ambulansya.
"Hello?"
Pagdating ng ambulansya sa location ni Mark ay agad na tsinek ang pulubi. Sinubukan nila itong i-revive on the spot pero wala pa ring response ang puso at lungs nito. Dinectler nila na patay na ito pero hindi pa nila ito makukumpirma kung ano ang ikinamatay dahil sa hospital malalaman ang ganung bagay. Sinakay na ang pulubi sa ambulansya, hindi sumama si Mark dahil papasok pa siya sa paaralan pero bago pa umalis ang ambulansya ay tinanong muna ni Mark ang paramedics.
"Saan pong hospital siya dadalhin?"
Tumingin si Mark sa pulubi habang nakahiga ito sa stretcher. Sinagot ng paramedics kung saang hospital sila tutungo, kaya pinabayaan na ni Mark umalis ang ambulansya. Habang pabalik si Mark sa paaralan, iniisip niya kung siya ba ang dahilan kung bakit namatay ang pulubi dahil pinabayaan niya itong magutom kahit pa nakita niya na sa umpisa ang curses sa katawan ng pulubi. Hindi mawala sa isip ni Mark ang bagay na 'yon hanggang makapasok na siya sa klase niya at hindi niya na nga napansin na hindi niya na dala ang burger na binili niya. Tulala siya habang nagkaklase ang guro, kaya sinaway siya agad nito.
"Mark?"
Hindi napansin ni Mark ang unang tawag ng guro sa kanya pero imbis na tawagin ulit ito ng guro ay pinakalabit na lang ito sa katabi niyang estudyante. Naramdaman naman nito ni Mark at napalingon siya sa gilid niya. Hindi nagsalita ang kaklase niyang kumalabit sa kanya, itinuro lang ang guro na nasa harapan dahil tinawag siya. Lumingon si Mark a guro at tumayo.
"Sir?"
"May iba ka bang iniisip?"
"Sorry po pero wala naman po."
Tinanguan lang ng guro si Mark at sumenyas na kay Mark na umupo. Nakinig naman na si Mark pagkaupo niya hanggang sa matapos ang mga klase niya. Dumiretso siya kaagad sa hospital kung saan sinabi ng paramedics. Lumapit siya sa nurse na nasa lobby pagpasok niya sa hospital para tanungin ito tungkol sa pulubi pero hindi matukoy ng mga nurse kung sino ang pulubi dahil maraming pulubi ang dinadala sa hospital kada oras pero natatandaan pa naman ni Mark kung anong oras siya tumawag at dinala ang pulubi sa hospital, kaya ito ang ginamit niya para makilala.
"Nandito pa po ba yung pulubi na dinala?"
"Marami pong pulubi ang dinadala dito sir."
"Kanina lang po siya dinala."
"Bago po ba mag hapon?"
"Opo."
Nalaman ng nurse na bago mag hapon dahil nakauniporme pa rin si Mark.Tsinetsek na lang nila ngayon kung ang details sa computer ng hospital.
"Anong pong relasyon nila sa tao?"
"Ako po yung tumawag para sagipin sana siya pero huli na po ang lahat, gusto ko lang naman po malaman kung anong kinamatay niya."
Tsinek ulit ng nurse sa computer nila hanggang sa lumabas na nga sa resulta at sinabi na nito kay Mark.
"Dehydration and stomach failure po ang kinamatay ng pasyente."
Hindi nakasagot si Mark dahil tulad lang ng inaasahan niya pero nagsalita naman ulit ang nurse patungkol dito.
"Katulad lang po ng palaging ikinamamatay ng mga pulubi dinadala dito sa hospital."
Tinalikuran ni Mark ang nurse at naglakad na papalabas ng hospital. Walang epekto ang sinabi ng nurse sa kanya dahil ang nasa isip niya ay ganun nga ang ikinamamatay ng mga pulubi pero ang pulubi kasi na 'yon ay lumapit sa kanya para manghingi ng pagkain pero tinalikuran niya lang at ngayon namatay dahil hindi nakakain ng tama, kaya ngayon hanggang makauwi si Mark sa bahay nila sinisisi niya ang sarili niya kung bakit namatay ang pulubi dahil nung lumapit sa kanya ay hinayaan niya lang na magutom.