Nagkulong si Mark sa kwarto niya ng ilang araw at hindi rin siya pumasok hanggang sa bisitahin na siya ni Dillan sa bahay nila. Hindi pa sana pagbubuksan ni Mark si Dillan dahil hindi agad ito nagpakilala matapos na kumatok ng tatlong beses.
"Mark?"
"Alam kong nasa loob ka, buksan mo ang pinto."
Walang sumagot, kaya inulit ni Dillan ang tawag niya pero nilakasan niya na ang boses niya sa pagkakataon na ito.
"Buksan mo ang pinto Mark?!"
"Umalis ka, hindi kita kilala."
"Ako ito si Dillan."
Tumahimik si Mark at maya-maya pa ay narinig na ni Dillan ang pagbukas ng pinto. Sumilip si Dillan at nakita niya si Mark na nakasilip din dahil hindi naman binuksan ng todo ni Mark ang pinto. Tinanong ni Mark si Dillan kung bakit siya nasa tapat ng bahay ni Mark at sinabi naman ni Dillan ang totoo kung bakit siya dinalaw nito. Dinalaw kasi ni Dillan si Mark dahil inutusan si Dillan ng mga guro at gusto niya rin naman kumustahin ito, kaya pumayag siya kaagad.
"Bakit ka nandito?"
"Gusto kita kumustahin dahil ilang araw na kitang hindi nakikita sa school."
"Maayos lang ako, salamat."
Isasarado sana ni Mark ang pinto pero pinigilan siya kaagad ni Dillan at pinakita ang dala nito sa kamay.
"Teka, pwede ba tayo mag-usap?"
"May dala akong pagkain."
Akala ni Dillan ay sinarado na talaga siya ni Mark pero binuksan lang pala nito ang security chain ng pintuan.
"Huuu, akala ko sinarhan mo na talaga ako ng pin-to"
Nakita ni Dillan ng buo si Mark, kaya nagbago ang tono ni Dillan sa bandang huli ng kanyang pagsasalita. Balot kasi ng kumot si Mark at parang wala pa itong ligo ng ilang araw. Nakita rin ni Dillan ang itsura ng bahay nila matapos papasukin si Dillan ni Mark, para dalawang beses itong dinaanan ng matindeng bagyo.
"Naglilinis ka pa ba ng bahay niyo?"
"Ano sa tingin mo?"
Tiningnan ng masama ni Mark si Dillan habang naglalakad sila papunta sa sala, kaya minabuti na lang ni Dillan na huwag nang magsalita tungkol sa personal na problema ni Mark hanggang sa makarating na sila sa sala.
"Kumain ka na nga muna."
Nilapag ni Dillan ang dala niyang pagkain sa maliit na lamesa. Alam ni Dillan na gutom na gutom na si Mark dahil hindi nito maalis ang tingin niya sa dalawang package ng pagkain na dala ni Dillan, kaya binigay na rin ni Dillan ang dapat na sa kanya.
"Sige na, sayo na rin ito."
"Ubusin mo 'yan ah para sa akin."
Agad na kinuha ni Mark ang dalawang pack ng pagkain at sabay itong binuksan. Kinain ni Mark ang dalawang pack ng pagkain na parang nakawalang hayop. Sa sobrang bilis pagsubo niya ng pagkain ay muntikan na siyang mabulunan, mabuti na lang at maydalang tubig rin si Dillan.
"Dahan-dahan lang kasi."
Kinuha naman ni Mark ang tubig na inabot sa kanya ni Dillan at ininom ito. Hindi naman nakinig si Mark ay mabilis pa rin siyang kumain pagkatapos na uminom, kaya hinayaan na lang ni Dillan ito hanggang sa matapos na si Mark sa pagkain niya at mabusog.
"Tubig ka pa ulit oh."
Inabutan siya ulit ni Dillan ng tubig pero tinanggihan na ito ni Mark dahil busog na busog na. Sinarado na lang ni Dillan ulit ang tubig at nilapag ito sa lamesa. Tinitingnan lang ni Dillan si Mark hanggang sa si Mark na mismo ang nakaramdam na may iba pang rason kung bakit dinalaw siya ni Dillan sa bahay niya dahil sa ibang klaseng tingin nito.
"Ano ba talaga ang pinunta mo dito?"
Umupo ng maayos si Dillan at huminga ng malalim bago niya sabihin ang nasa kanyang isip.
"Lahat kaming mga kaklase mo ay inaalala ka, maski ang mga guro natin."
Tinawanan lang ni Mark ang sinabi ni Dillan na parang wala siyang pake sa nararamdaman ng nakapaligid sa kanya.
"Hindi niyo ko kailangan alalahanin, kaya ko ang sarili ko."
"Inaalala rin namin ang pag-aaral mo."
Nginisian lang ni Mark ang sinabi ni Dillan at dahil don nabastusan si Dillan sa ugaling ipinakita ni Mark sa kanya pero hindi pa iyon sapat para mainis si Dillan dahil alam niyang kailangan niyang intindihin si Mark bilang kaibigan.
"Kaibigan mo ko Mark, kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako."
Lumingon si Mark kay Dillan dahil lumapit ito ng konti habang nakalahad ang dalawang palad. Akala ni Dillan ay magiging maayos na pero bigla na lang hinawi ni Mark ang kamay ni Dillan at tumingin sa ibang direksyon.
"Hindi ko kailangan ng tulong sa kahit na sino."
Dito na hindi nakapagpigil si Dillan at galit na tumayo habang naiinis na nakatingin kay Mark.
"Ganyan ka na ba talaga?"
Hindi nagsalita si Mark at nakatingin pa rin sa ibang direksyon, kaya hindi na lang rin nagsalita si Dillan at tumalikod na kay Mark. Lalabas na sana ng sala si Dillan para dumiretso na papalabas ng bahay pero nang marinig niya ang tahimik na iyak ni Mark ay bigla na lang napatigil ang paa niya sa paglakad at dahan-dahan na lumingon sa likod. Nakita ni Dillan si Mark na nakahawak sa mukha, tinatakpan ang mga matang lumuluha. Onti-onti namang humarap si Dillan para sana bumalik sa pwesto niya at muling kumustahin si Mark pero ng makaupo siya ay bigla na lang nagsalita si Mark.
"Hindi-di ko na a-alam kung anong g-gagawin k-ko Dillan?"
Hindi rin alam ni Dillan kung anong gagawin niya kay Mark dahil ngayon lang niya ito nakitang umiyak at isa pa, hindi niya alam kung anong klaseng problema ang dinadala ni Mark sa loob. Hinayaan niya na lang ulit ito hanggang sa matapos kagaya kanina. Halos kalahating minuto rin tiniis ni Dillan ang pag-iyak ni Mark at isa lang ang salitang naririnig ni Dillan kay Mark at ito ang hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa sarili niya. Pagtigil ni Mark sa pag-iyak hindi na sinayang pa ni Dillan ang pagkakataon na tanungin ito dahil mukhang nahimasmasan na ito.
"Ano ba kasing nangyayari sa 'yo?"
Habang pinupunasan ni Mark ang sarili niyang luha ay nagsimula naman na magkwento si Mark kay Dillan kung ano ang totoong dahilan ng biglaan niyang hindi pagpasok sa paaralan. Nagtataka kasi ang lahat sa kanya kung bakit pumasok pa siya ng ilang araw kung hindi rin naman siya papasok sa mga susunod na araw. Medyo nasa tamang katinuan pa kasi siya noong mga araw na pumapasok pa siya sa paaralan pero nung isang araw bago siya hindi na pumasok ay tuliro siya at hindi talaga nakikinig sa tinuturo, maski ang mga quiz niya nung mga araw na iyon ay mababa.