CHAPTER 11

1026 Words
Detalyadong kwinento ni Mark ang nangyari noong nakilala niya ang pulubi, maliban lang sa single headed snake na curses na nakita niya sa tiyan ng pulubi. Hindi binanggit ni Mark ang tungkol sa mga curses kay Dillan dahil baka madamay ito. "Huwag mong akuin ang hindi mo naman kasalanan Mark." Hindi sumasagot si Mark at nakayuko lang habang sinasabihan siya ni Dillan. "Maraming pulubi ang namamatay na lang sa gutom kada taon dahil sa kahirapan, pero wala silang pagpipilian dahil hindi naman rin nila hawak ang sarili nilang kapalaran" "Tumatanda sila na madumi at hindi nakakapag-aral, kaya minsan hindi sila tinatanggap ng mga tao na nilalapitan nila." "Kung gusto mong bumawi sa pulubing 'yon, pwede mong umpisahan sa sarili mo at isunod mo sila kapag naging maayos ka na." Tinanggap lang ni Mark ang mga salita ni Dillan pero hindi kasi nakikita ni Dillan ang nakikita ni Mark, kaya hindi rin alam ni Dillan na parang hawak na ni Mark ang kamatayan ng isang tao sa tuwing makikita niya ang curses na nakasunod o nakadikit sa tao. Sumandal si Mark sa upuan at iniba niya ang usapan dahil kahit pa sabihin niya ng paulit-ulit kay Dillan ang mga nangyari ay hindi pa rin maiintindihan ni Dillan ang buhay niya ngayon. "Sundin ko na lang kaya ang sinabi ni Mr.Lawrence?" "Sino si Mr.Lawrence?" "Kaibigan ng magulang ko." "Ano naman ang sinabi niya?" "Lumipat na daw ako sa Tokyo malapit sa bahay ng pamilya niya." Napatayo si Dillan dahil hindi niya akalain na may plano na palang lumipat ang kaibigan niya sa ibang lugar. "Ano?!" Tumingin si Mark kay Dillan dahil sumigaw ito pero umalis din sa pagkakasandal at nilagay na naman ang kamay sa mukha. Sa ngayon gulong gulo lang siya at hindi umiiyak. "Hindi ko na alam ang gagawin ko," "Hindi ko na maalagaan ang sarili ko, pati na ang bahay nila mama't papa," "Oras na ata para mag-umpisa ako ulit." Hindi makapagsalita si Dillan habang nakatingin sa mga mata ni Mark na nakatulala sa picture ng magulang niya na nakalapag sa lamesa. Habang pinagmamasdan ni Dillan ang reaksyon ng mukha ni Mark kasabay ng pagbalik ng mga salita ni Mark kanina, tungkol sa paglipat ay onti-onti rin na nakukuha ni Dillan ang punto ng sinasabi ni Mark, pati na ni Mr.Lawrence na kung bakit inaya si Mark na tumira sa Tokyo. Na pa upo na lang ulit si Dillan sa upuan niya. "Alam mong isa ka sa mga kaibigan ko dito sa atin at alam mo rin na ayaw ko na lumipat ka," "Pero kung hindi mo na mahanap ang sarili mo sa lugar na ito, susuportahan lang kita kahit saang gusto mo." Nakipagkamay si Dillan kay Mark pero tiningnan lang ulit ito ni Mark, kaya akala ni Dillan ay hahawiin na naman ni Mark ang kamay niya. Agad na binawi ni Dillan ang kamay niya pero mas mabilis si Mark at agad niyang kinuha ang kamay ni Dillan para makipagkamay. "Pasensya ka na kanina, hindi ko talaga alam kung ano ang mga gagawin ko at paano ko mag-uumpisa, pero ngayon naiisip ko na parang gusto kong subukan ang sinabi ni Mr.Lawrence." "Basta lagi kang mag-iingat." Tinanggap ni Dillan ang pag-alis ni Mark pero hindi lang sa pagkakamayan sila natapos dahil agad na hinatak ni Dillan ang kamay ni Mark para yakapin ang kaibigan niya sa huling pagkakataon. Malungkot na umalis si Dillan sa bahay nila Mark habang si Mark naman ay walang gaanong reaksyon pero seryoso siya sa lahat ng sinabi niya pagkatapos niyang umiyak, lalong lalo na sa paglipat sa tokyo para subukan na mag-umpisang muli. Hindi niya muna tinawagan si Mr.Lawrence dahil gusto niya munang pag-isipan pa hanggang bukas ang desisyon na lumipat sa tokyo, iniisip kasi ni Mark na baka nag-iinarte lang siya pero hindi niya talaga gustong lumipat. Makalipas ang gabi, nakatulog naman siya ng maayos at pagbangon niya sa kama ay agad niyang tinawagan si Mr.Lawrence. "Mr.Lawrence?" "Mark? "Susundin ko na po ang sinabi niyo, lilipat na po ako diyan sa Tokyo." "Gusto mo ba talaga?" "Titingnan ko pa lang po kung 'yon ba talaga ang kailangan ko," Inayos agad ni Mr.Lawrence ng ilang araw ang mga papeles ni Mark, simula sa pag-transfer niya sa ibang paaralan hanggang sa pagbenta ng bahay nila dahil ang pera na makukuha don ay ipapangpalit sa bagong titirhan ni Mark sa Tokyo habang ang mga savings naman ng magulang ni Mark ay ang pang gastos niya sa sarili niya. Hindi na siya pinabili ni Mr.Lawrence ng mga gamit sa bahay dahil ang bago niyang titirhan ay may sarili ng gamit. Maagang nakalipat si Mark sa Tokyo pero sa susunod pa siya na linggo makakapasok sa bago niyang paaralan dahil inaasikaso pa ng mga guro ang iba niyang kailangan bago siya makapasok. Ang una niyang araw sa Tokyo ay mamili ng mga pagkain na maitatabi sa bahay kasama si Mr.Lawrence. Habang namimili sila ay inaya ni Mr.Lawrence si Mark na kumain sa bahay nila kasama ang pamilya nito at para rin makilala ni Mark ang buo nitong pamilya. "Kumain ka na ba?" "Hindi pa po," "Kung gusto mo pwede kang sumabay sa amin ng pamilya ko, pagkatapos natin ihatid ito sa bahay mo." "Sige po." Wala pa ring reaksyon si Mark, basta sumasagot lang siya sa mga tao pero sa ngayon si Mr.Lawrence pa lang ang ginagalang niya at baka pati na rin ang buong pamilya ni Mr.Lawrence pagnakilala na nito ni Mark. Bago pa man siya lumipat sa Tokyo, tinanggal niya na tsaka iniwan sa luma niyang bahay ang ugaling ginamit niya kay Dillan noon dahil alam niya na pag dinala niya pa ito sa Tokyo ay maaaring walang patutunguhan ang paglipat niya. Ilang oras din sila nag-ikot ni Mr.Lawrence hanggang sa mapuno na ang dalawang cart na tulak-tulak nila. Inabot naman sila ng ilang minuto sa paghihintay sa cashier bago nila malagay ang mga pinamili nila sa sasakyan. "Sabi ng asawa ko marami daw siyang lulutuin, kaya matatagalan pa sila." "Ayos lang po." "May oras pa tayo na ayusin ang mga pinamili natin pagdating natin sa bahay mo." Lumingon na sa bintana ng sasakyan si Mark habang papaalis sila sa parking lot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD