CHAPTER 12

1540 Words
Matapos maayos nila Mr.Lawrence ang mga pinamili nila sa bahay ni Mark ay pumunta na sila sa bahay ni Mr.Lawrence. Sinalubong ng asawa ni Mr.Lawrence si Mark sa harap ng bahay nila habang ang dalawang anak naman ng mga ito ay nasa hapag kainan na. Bago pumasok si Mark sa loob ng bahay ay pinakilala muna siya ni Mr.Lawrence sa asawa niya. "Mark, ito ang asawa ko si Carol." "Hello po," "Carol ito naman si Mark, ang anak nila Mr and Mrs.Vil." Nakipagkamay si kay sa asawa ni Mr.Lawrence at inaya na itong pumasok sa loob habang binabanggit nito ang magulang ni Mark dahil malapit sila kay Mr and Mrs.Vil nung nabubuhay sila. "Marami kaming niluto ng anak ko dahil sinabi ni Clark bago siya umalis sa bahay kaninang umaga ay susunduin niya ang anak nila Mrs.Vil." "Sino pong Clark?" "Si Mr.Lawrence mo." Tumingin si Mark kay Mr.Lawrence na nasa gilid habang hawak naman siya sa likod ni Carol sa kabilang gilid. Hindi kasi alam ni Mark ang buong pangalan ni Mr.Lawrence pero ngayon alam niya na. Tumingin ulit si Mark kay Carol para tanungin ito tungkol sa magulang niya dahil nabanggit nga nito ang mama't papa ni Mark. "Gaano niyo po kakilala sila mama at papa?" "Minsan ng tinulungan ng papa't mama mo ang asawa kong si Clark dahil nagkasakit ito." "Ano pong klase ng tulong?" Tumingin si Carol kay Mr.Lawrence bago sumagot. "Napagaling nila ang hindi maipaliwanag ng mga doctor na sakit ni Clark noon." Napatingin ulit si Mark kay Mr.Lawrence para sana kumpirmahin kung totoo ang sinasabi ni Carol pero nasa dining area na sila, kaya umalis na sa gilid ni Mark si Mr. Lawrence para umupo sa personal na upuan ng ama sa hapag kainan. Pinaupo na ni Carol si Mark katabi ng anak nilang si Renzo at katapat naman ang isa pa nilang anak na si Clarence habang magkatabi naman ang mag-asawa pero hindi magkatapat dahil sobra ng isang upuan ang lamesa nila na nasa kabilang dulo. "Dito ka na umupo Mark." Bago sila magsandok ng mga pagkain na nakahanda sa lamesa ay pinakilala muna nila kay Mark ang dalawa nilang anak. "Ito nga pala ang panganay naming anak si Clarence." "Graduate sa culinary, kaya katulong ko lagi sa pagluluto pag may mga okasyon, katulad na lang ngayon." "Ito naman si Renzo ang bunso namin, nag-aaral pa." Bigla na lang sumandok ng ulam si Mr.Lawrence at sinubo ito sa bibig. Kapansin pansin siya, kaya lahat sila ay napatingin sa kanya habang nagtataka naman si Mr.Lawrence sa tingin ng apat sa kanya. "Bakit?" Walang nagsalita sa kanilang apat tungkol sa ginawang pangunguna ni Mr.Lawrence at sinakyan na lang nila ito. "Sige na kumain na." Huling kumain si Carol dahil nilagyan niya muna ng mga ulam ang itaas ng mga kanin na nakalagay sa mangkok hanggang sa may maalala si Mr.Lawrence na kailangan banggitin sa anak niyang si Renzo, tungkol sa paaralan niya. "Oo nga pala Renzo." Tumingin si Renzo sa papa niya habang kumakain. "Baka magkita kayo ni Mark sa school, kaya maging mabait ka sa kanya, lalo na kung maging magkaklase kayo." "Opo." Tinuloy na nila ang pag kain nila hanggang sa hindi na nila kayang ubusin dahil masyado talagang marami ang hinanda nilang pagkain. Unang tumayo si Clarence sa hapagkainan matapos na mabusog "Mauna na po ako sa inyo, nice to meet you Mark." Yinuko ng konti ni Mark ang ulo niya bilang tanggap sa pagbati ni Clarence sa kanya pero hindi pa nakakaalis si Clarence sa dining area, si Renzo naman ang sumunod na tumayo sa upuan. "Ako din po, maraming salamat sa pagkain." Niyuko ulit ni Mark ng konti ang ulo niya habang nakatingin kay Renzo kahit pa hindi siya binati ni Renzo sa salita ay binati naman siya nito sa tingin pati na sa galaw ng ulo. Ang mag-asawa na lang at si Mark ang na iwan sa hapagkainan. Medyo nabastusan ang mag-asawa sa ginawang pag-alis ng dalawa sa lamesa dahil hindi man lang sila nakipagkwentuhan sa bisita na si Mark, kaya humingi ng pasensya ang mag-asawa habang umiinom ito ng tubig. "Pasensya ka na sa dalawa naming anak Mark." Tinapos muna ni Mark ang iniinom niyang tubig bago siya magsabi tungkol sa dalawang anak nila ni Mr.Lawrence. "Wala pong problema 'yon." Nginitian ng mag-asawa si Mark hanggang sa wala ng mapag-usapan, kaya napakatahimik na ng paligid pero biglang naalala ni Mark ang nabanggit ni Carol tungkol sa magulang niya na pinagaling ang sakit ni Mr.Lawrence. Tinanong ito ni Mark at nalaman niya kung ano ang isa sa mga ginawa nila Mrs.Vil noon. "Kanina po, nabanggit niyo na sila mama at papa ang nagpagaling kay Mr. Lawrence." "Nasabi ko nga 'yon, may gusto ka bang itanong tungkol doon?" "Opo." "Ano iyon?" "Paano po pinagaling nila papa at mama ang sakit noon ni Mr.Lawrence?" "Sa totoo, hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa nila nung mga oras na 'yon. Ang alam ko lang, wala na kaming pag-asa non sa mga doctor at spesyalista, kaya nagtiwala kami sa mama at papa mo dahil sinabi rin nila na magtiwala kami sa kanila na mapapagaling nila si Clark at nagawa naman nila." "May pruweba po ba na gumaling ang sakit ni Mr.Lawrence?" "Meron pero ang walang pruweba ay yung kung paano gumaling si Mr.Lawrence mo." Nagtaka si Mark habang nakatingin kay Mr.Lawrence at si Mr.Lawrence na rin ang nagpaliwanag ng ibang pangyayari noon kung bakit siya gumaling. "Nabigla ang mga doctor at spesyalista nang tingnan ulit nila kung maysakit pa ako dahil nawala na lang ito bigla sa katawan ko," "At kaya sinabi ng asawa ko na walang pruweba kung paano ako gumaling dahil masyadong magulo nung mga araw na 'yon." "Nasa loob kami ng isang kwarto pero parang binabagyo kami na may kasamang lindo dahil sa malakas na hangin at malakas na pag-uga ng lupa." "Hanggang sa bigla na lang tumahimik ang paligid na parang isang bagong umaga at kasabay non ang pag gaan ng pakiramdaman ko." Nakikinig si Mark ng mabuti pero hanggang dun na lang pala ang kayang ikwento nila Mr.Lawrence dahil 'yon lang naman ang nalalaman nila sa magulang ni Kai. "Pagkatapos non utang na loob ko na ang buhay ko sa mama at papa mo." "Wala na po bang kasunod 'yon?" "Oo, hindi naman na namin tinanong o inalam sa magulang mo kung paano nila nagawa ang ganung bagay dahil malaki ang respeto namin sa kanila, ni hindi rin namin pinagsabi sa kahit na sino ang ginawa nilang hindi kapanipaniwala." Hindi na pinilit pa ni Mark sila Mr.Lawrence kung talaga na hanggang doon lang ang kanilang nalalaman. Medyo gabi na rin, kaya matapos nilang magkwentuhan ng konti tungkol sa ginawa ng magulang ni Mark kay Mr.Lawrence ay hinatid na ni Mr.Lawrence si Mark sa bahay niya. "Salamat po Mr.Lawrence." Tumalikod na si Mark pero lumingon ulit dahil tinawag siya ni Mr.Lawrence dahil may naalala ulit itong sabihin. "Mark." "Po?" "Pag pwede ka ng pumasok, pwede kang sumabay sa 'min ni Renzo." "Sasabihan ko na lang po kayo, maraming salamat po sa pag-alok Mr.Lawrence." Pumasok na sa loob ng bahay niya si Mark at nag-drive naman papalayo si Mr.Lawrence. Pagpasok ni Mark, pagod na umupo siya sa sala at kinuha ang itim na libro sa maliit na drawer sa gilid ng inuupuan niya. Binasa niya ulit ito pero mas binigyan niya ng pansin ang pahina kung nasaan ang curses na nakita niya noon kay Mr.Lawrence, ang Axolotl. Habang binubuka ni Mark ang pahina kung saan nakasulat ang tungkol sa Axolotl ay bigla niyang napansin na may manipis na papel na nakasingit sa pahina ng Axolotl. Tiningnan niya ito ng mabuti at nilakihan niya pa ng mata para makumpirma na hindi ito basta dumi na nabuo at nag mukhang may nakalagay na lang sa gitna ng pahina. Sinubukan niya itong kunin gamit ang kuko niya sa daliri pero hindi niya ito makuha dahil masyadong maikli ang kuko niya. Naalala niya na may tweezers pala siya sa kusina, kaya pumunta siya sa kusina at bumalik rin sa sala pagkakuha ng tweezer. Kinuha niya ang manipis na papel na nakaipit sa pahina gamit ang tweezer. Nang makuha niya ito agad niya itong binuksan at doon niya nakita ang King of Axolotl. Guhit din ito ng nanay niya sa maliit at manipis na papel pero walang ibang nakasulat na salita sa papel kung hindi ang pangalan nito at iyon ang King of Axolotl. Isang malaki at nakakatakot na Axolotl ang itsura nito, maitim ang balat at parang anglerfish dahil may palawit rin ito sa noo na parang isang anglerfish talaga. May mga ngipin din itong matutulis, ang mga mahahabang daliri nito ay may kasama ng mahahabang kuko. Mas mahaba na rin ang buntot nito kaysa sa normal na Axolotl. Iniisip ni Mark kung ito ba ang kinalaban ng magulang niya sa katawan ni Mr.Lawrence para maging isang normal at maliit na Axolotl na lang katulad ng nakita niya noon sa balikat ni Mr.Lawrence. Hindi na muling tinupi ni Mark ang maliit na papel at inipit niya na lang sa pahina ng Axolotl. Sinara niya ang libro at nilapag ito sa ibaba ng drawer tsaka siya nag-isip habang nakaupo tungkol sa mga nalaman niya ngayong araw hanggang sa hindi niya namalayan nakatulog na pala siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD