CHAPTER 13

1050 Words
Pag gising ni Mark ay inuna niya munang uminom ng tubig at magbihis ng damit para simulan ang umaga niya sa paglalakad sa lugar nila. Lumabas siya a bahay ay nagtingin-tingin sa paligid. Tahimik pa ang lugar dahil kakasinag lang ng araw. May mga ibon pang kumakanta at nakaupo sa mga kable ng kuryente. Ang iba naman ay lumilipad at tumatalon. Lumiko siya ng daan at doon niya nakita ang maraming tao na papunta sa mga magkakaibang direksyon. Akala niya ni Mark ay konti pa lang ang tao pero hindi pala ang malapit isang daan lang na malapit sa kanila ang medyo walang tao.  "Huuu," Huminga muna ng malalim si Mark bago tumuloy sa maraming tao, balak niyang maggala para makabisado niya ang lugar. Bigla niya na lang naisipan na pumunta sa magiging eskwelahan niya. May dala naman siyang pera, kaya tinuloy niya na ang balak niya. Pumunta siya sa subway at sumakay ng tren. Pagpasok niya naghanap siya kaagad ng upuan sa pero wala na siyang mahanap. Tumayo na lang siya kasama ng ibang tao na nakatayo. Tumayo si Mark malapit sa pintuan ng tren at maya-maya pa umandar na ang tren hanggang sa nasa isang station na sila kaagad, sa kabilang station pa siya baba, kaya ang nanatili lang siya sa loob ng tren. Pagbukas naman ng pinto ng tren ay tumayo na ang iilan na tao para lumabas. Pumunta na si Mark sa libreng upuan bago pa makapasok ang mga tao na sasakay sa tren. Pag-upo niya narinig niya ang tatlong studyante na maiingay. Pumasok ito sa tren at tumabi malapit sa kanya dahil libre rin ang upuan na nasa tabi niya. Nagsara na ulit ang pinto ng tren at nag-umpisa na itong umandar. Lumingon siya sa mga nagkakatuwaan na estudyante at dito niya napansin na ang uniporme pala na suot nila ay ang uniporme na susuotin niya rin. Susubukan niya sanang kausapin ang mga ito tungkol sa paaralan pero bigla na lang huminto ang tren at bumukas ang pinto. Lumabas ang tatlong estudyante habang nag-uusap at lumabas na rin si Mark sa tren.  Hindi niya na ito hinabol at pinabayaan niya na lang itong mauna sa paaralan. Lumabas siya sa tren at dumiretso na sa eskwelahan. Wala naman siyang balak pumasok sa loob gusto niya lang makita sa personal ang itsura ng paaralan. Nakita niya ang mga iilang estudyante na pumapasok na sa loob habang nasa tapat na siya ng paaralan. Ilang saglit pa ay bigla niyang narinig ang pangalan niya sa kanang tenga niya. "Mark?" Pagkalingon niya ay nakita niya si Mr.Lawrence at si Renzo na naglalakad papalapit sa kanya.  "Gusto mong makita kung ano itsura ng paaralan mo?"  Tumango si Mark at sa sinabi ni Mr.Lawrence at sabay silang tumingin sa harapan ng paaralan.  "Kung gusto mo pwede kang i-tour ni Renzo." Tumingin si Renzo sa papa niya na parang ayaw niyang gawin ang sinabi nito. Nakita ito ni Mark, kaya sinabi ni Mark kay Mr.Lawrence ang nabasa niya sa tingin ni Renzo  pero pinilit pa rin ni Mr.Lawrence ang gusto niya dahil tumingin si Mr.Lawrence sa relo niya at alam niya ang oras ng klase ni Renzo. "Ayos lang po, may klase pa po ata ang anak niyo." "May oras pa si Renzo, maaga pa." Hindi na pinilit ni Mark na tanggihan ang Mr.Lawrence at tumahimik na lang habang nakatingin kay Renzo. "Sige na Renzo, ilibot mo muna si Mark." Hinawakan ni Mr.Lawrence si Mark at Renzo sa likod at tinulak ito papasok sa gate ng eskwelahan habang kumakaway ang kamay. Lumakad ang dalawa papasok ng eskwelahan pero si Mark lang ang lumingon kay Mr.Lawrence para ibalik ang kaway nito. Humarap naman kaagad si Mark pagkakaway kay Mr.Lawrence at kinausap si Renzo habang tumitingin sa magandang paligid ng paaralan. "Pasensya ka na, alam kong ayaw mo nito." "Huwag mo na lang banggitin."  Tumahimik si Mark at tumango lang hanggang sa makapunta na sila sa gusali kung saan naka-room si Renzo. "Hintayin mo na lang ako rito, ilalagay ko lang ang bag ko sa loob." Tumango lang ulit si Mark at pumasok na sa loob ng gusali si Renzo. Umupo si Mark sa upuan malapit sa gilid niya at doon naghintay kay Renzo. Ilang minuto naghintay si Mark pero walang dumating na Renzo. Inakala ni Mark na hindi na dadating si Renzo, kaya tumayo na siya at lalabas na sana sa paaralan pero bigla na lang may nagsalita sa likod niya. "Saan ka pupunta?" Lumingon si Mark at nakita niya si Renzo na may bitbit na libro habang nakatingin at naglalakad papalapit sa kanya. "Akala ko hindi ka na babalik." "Bago ako dumating sa room nakasalubong ko ang isa sa mga guro dito na inutusan pa ako." "Ahh," "Samahan mo muna ako na ihatid ito sa library." Kinuha ni Mark ang kalahating libro na dala ni Renzo para matulungan ito magbuhat hanggang sa library. Pagpasok nila sa Library, huminto si Renzo sa tapat ng pintuan at napahinto rin si Mark. "Alam mo naman siguro magbalik ng libro 'di ba?"  "Oo," "Tulungan mo na rin ako."  Sabay na pumunta ang dalawa sa librarian para sa listahan ng mga libro na ibabalik. Inilapag na muna nila sa front desk ng librarian ang mga libro na dala nila at in-update ito sa computer. Matapos ang pag-update ng mga libro sa computer ay inutasan sila ng librarian na ibalik ang libro kung saan nakalagay ang mga ito.  "Ayos na, pakibalik na lang." Binuhat ulit nila Mark ang libro at naglakad na papalayo sa librarian habang nagtataka si Mark kung bakit sila ang nagbabalik imbis na ang librarian, kaya kinausap niya si Renzo tungkol dito habang nagbabalik ng libro. "May librarian pala kayo pero bakit kayo pa ang nagbabalik ng libro?" "Tuwing umaga lang 'yon dahil alam din nila kung ano ang oras ng klase namin." "Pero pwede ka bang tumanggi?"  Tumingin si Renzo kay Mark ng seryoso at nalaman na kaagad ni Mark kung ano ang gustong iparating nito sa kanya. "Pasenya na pero-" "Pero ano?" "Pero may alam ka bang libro dito na ang itsura ay malayo sa ibang libro?" "Hindi ako ang dapat mong tanungin tungkol diyan." "Bakit?" "Hindi ako pala tambay dito." Dahil sa sinabi ni Renzo, pinalampas na lang ni Mark ang tanong na iyon at binalik na nila ang lahat ng mga libro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD