CHAPTER 14

1082 Words
Unang dinala ni Renzo si Mark sa abandonadong likod ng paaralan. May sirang fountain sa gitna ng lugar at sa gilid naman ay may sirang banyo. Parehas na nababalutan na ng mga lumot ang lugar dahil sa tagal na nitong hindi binibigyan ng pansin ng eskwelahan. Madalas na tambayan ito ng mga estudyanteng nagsisigarilyo at may ginagawang kalokohan. Nagandahan si Mark sa lugar dahil sa paglamon ng lumot at halaman sa mga stracture sa paligid, habang si Renzo naman ay nandidiri dahil sa mapanghing amoy nito at walang buhay na paligid. Ipapatong sana ni Mark ang kamay niya sa gilid ng fountain pero agad na binalaan siya ni Renzo. "Huwag kang humawak diyan." Natigil si Mark sa paghawak habang nakatingin kay Renzo. "Ilang beses ng naglalaro ang mga pasaway na estudyante dito at palagi nilang iniihian ang fountain na 'yan." "Salamat," Tumayo si Mark ng diretso at tahimik na nilagay na lang sa likod ang kamay. "Tara na at baka mahuli pa tayo dito." Sumunod naman si Mark kay Renzo at naglakad na papalayo sa lugar habang pinag-uusapan nila kung bakit unang dinala ni Renzo si Mark sa lugar na 'yon kung hindi naman pala pwedeng pumunta doon. "Bakit mo nga pala ako unang pinunta sa lugar na 'yon kung mukhang ayaw mo naman pala pumupunta don?" "Ayaw ko talaga sa lugar na 'yon hindi mukha lang." "Pero bakit nga ayaw mo?" "Para magdalawang isip ka na huwag na lang dito mag-enroll pero parang hindi naman gumana dahil mukhang nagustuhan mo pa." Natawa ng konti si Mark dahil sa sinabi ni Renzo sa kanya habang nakatingin sa masikip na dinadaanan nila. "Pasensya ka na kung dito ako nag-enroll." "May magagawa pa ba ako?" "Kung gusto mo, ipalipat ko na lang kay Mr.Lawrence kung saan ako mag-aaral." Hindi nagsalita si Renzo dahil seryoso niyang iniisip ang sinabi ni Mark. "Hindi na, matalino si papa at alam kong malalaman niya kahit pa hilingin ko sa 'yo na huwag mo akong idamay sa desisyon mong 'yon." Tinawanan lang ulit ni Mark ang sinabi ni Renzo sa kanya, kaya nagtatakang nakatingin si Renzo kay Mark kung bakit ito tumatawa. "Pasensya ka na natatawa ako pero wala kang dapat isipin." "Paanong wala eh mukhang tinatawanan mo kung gaano ako katakot kay papa." Huminto si Mark sa pwesto niya pagkalabas nila sa iskinitang dinaanan nila para makapunta sa abandonadong lugar ng paaralan at tsaka nagpaliwanag kay renzo kung saan nanggagaling ang tawa niya, kaya huminto rin sa tapat ni Mark si Renzo para pakinggan ito. "Natatawa ako dahil masaya ako na makita kung gaano mo iginagalang ang magulang mo." Humarap si Mark sa daan at inunahan sa paglalakad si Renzo. Na iwan naman si Renzo sa pwesto niya, tulala ito habang na aalala ang sinabi sa kanya ng magulang niya tungkol sa magulang ni Mark. Natauhan naman si Renzo matapos na tawagin siya ni Mark dahil natulala nga ito matapos na sabihin ni Mark ang rason sa tawa niya. "Renzo?" Lumingon si Renzo at sumabay na sa lakad ni Mark habang iniisip ni Renzo kung saan niya susunod na ipupunta si Mark dahil tinanong siya nito. "Saan na tayo susunod na pupunta?" "Sa GYM," Habang tahimik silang ang naglalakad papunta sa GYM, naisipan ni Renzo na tanungin si Mark tungkol sa magulang nito. "Auhm," Napansin ni Mark na parang may gustong itanong si Renzo pero nahihiya ito hanggang sa na realize ni Mark kung ano ang gustong itanong ni Renzo, kaya siya na ang nagsabi kay Renzo. "Gusto mo bang magtanong tungkol sa magulang ko?" Nagulat si Renzo at biglang napatingin kay Mark dahil na basa nga ni Mark ang iniisip ni Renzo pero dahil don na rin papunta ang usapan nila, tumango na lang si Renzo pagkababa nang tingin kay Mark dahil nahihiya. "Anong gusto mong itanong?" "Kung ano ang dahilan ng pagkamatay nila," "Sa totoo lang, kahit na sabihin ko pa sayo ang totoong dahilan ng pagkamatay nila, alam ko rin na hindi ka maniniwala dahil mahirap talagang paniwalaan kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng magulang ko. Hindi maintindihan ni Renzo ang sinabi ni Mark pero nagtuloy-tuloy naman ito sa pagsasalita habang nakatingin sa harapan at nakikinig naman sa gilid si Renzo. "Pinipilit ko na lang na tanggapin sa sarili ko na tadhana talaga silang mamatay katulad ng ibang tao," "Pero sa tuwing naaalala ko ang nakita ko bago sila mamatay, kasunod ng isang bagay na ibinigay nila sa akin at makakapag patunay sa nakita ko-" "Hindi ko maiwasang isipin na sinadya ang pagkamatay nila." Mas lalong hindi naintindihan ni Renzo ang pinagsasabi ni Mark, kaya sasabihan niya sana si Mark na ipaintindi sa kanya ng mabuti ang mga sinabi nito pero hindi napansin ni Renzo na nasa tapat na sila ng bukas na pinto ng GYM. "Ito na ba 'yon?" Napalingon si Renzo sa likod niya kung saan nakatingin at nakaturo si Mark. Sumagot naman si Renzo at nauna si Mark sa pagpasok sa GYM ng paaralan habang nakasunod naman si Renzo sa likod nito. "Oo," Pagpasok ni Mark sa GYM na wala pangkatao-tao, nakita niya ito kung gaano kalaki, kalinis at kakintab habang ang stage naman sa gilid ng GYM at malaki rin kumpara sa dati niyang paaralan. Pinagmasdan niya muna ang paligid hanggang sa humarap na siya kay Renzo. "Saan naman tayo susunod na pupunta?" Pinunta ni Renzo si Mark sa pinaka magandang lugar sa school nila kung saan may mga maraming puno at upuan sa gilid ng isang daan na papunta sa maliit na batong aquarium ng paaralan kung saan may mga malalaking koi fish dito na makikita mong lumalangoy. Habang tumitingin si Mark sa mga isda, nasa likod lang si Renzo na nahihiyang ibalik ang pinag-usapan nila kanina na hindi naintindihan ni Renzo. Manghang-mangha si Mark sa lugar na ito ng paaralan hanggang sa marinig na nga ng dalawa ang malakas na tunog ng kampana. Humarap si Mark kay Renzo para sana sabihan si Renzo tungkol sa pagtunog ng kampana pero inunahan na ni Renzo si Mark. "Kaya mo naman na lumabas mag-isa 'di ba?" "Oo," Umalis na si Renzo papalayo kay Mark para bumalik na sa klase niya pero bago pa makalayo ng tuluyan si Renzo, nagsalita pa si Mark kay Renzo. "Salamat nga pala!" Kumakaway si Mark kay Renzo pero hindi na nakuhang lumingon ni Renzo. Naintindihan naman ni Mark 'yon, kaya humarap na siya ulit sa mga isda at pinagmasdan ulit ito. Nanatili pa ng konti si Mark sa paaralan para enjoy-in ang magandang itsura ng paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD