Matapos ang ilang araw na pag-aantay ni Mark bago siya pwedeng pumasok sa bago niyang paaralan ay sa wakas, makakapasok na siya. Sinundo siya ni Mr.Lawrence kasama na si Renzo sa bahay ni Mark para isabay siya sa paghatid. Sumakay si Mark sa harapan, katabi si Mr.Lawrence habang si Renzo naman ay na sa likod, ginagamit ang sarili niyang cellphone. Naririnig ni Renzo ang pinag-uusapan ng dalawa sa harapan pagpasok ni Mark sa loob. Nagkamustahan lang naman sila dahil ilang araw na rin silang hindi nagkikita ni Mr.Lawrence.
"Kumusta ka na?"
"Maayos naman po."
"Nagluluto at kumakain ka naman ba?"
"Kumakain po ako pero yung pagluluto po ay pinag-aaralan ko pa."
"Ahh, mabuti naman."
Humarap si Mark sa harapan dahil akala niya tapos na sila mag-usap ni Mr.Lawrence pero hindi pa pala.
"Nga pala sabihan mo ko pag masama ang pinakitang galang ni Renzo sayo."
Natawa ng konti si Mark at tumingin sa likod. Wala namang imik si Renzo, ginagamit lang ang cellphone pero alam ni Mark na naririnig sila nito dahil wala namang nakasalpak sa tenga nito. Binalik din naman ni Mark ang tingin niya sa harapan at tinuloy nila ang pag-uusap nila ni Mr.Lawrence.
"Bat ka tumatawa?"
"Wala lang po,"
"Ahh, pero seryoso ako don."
"Opo, opo."
Tumango-tango lang si Mark habang si Mr.Lawrence naman ay naka-focus lang sa pag-da-drive at tsaka biglang iniba na ni Mr.Lawrence ang usapan.
"Yung tungkol naman sa papasukan mong klase, parehas ba kayo ni Renzo?"
"Hindi ko pa po alam, mamaya pa po ata ipapakita sa akin dahil pinapapunta pa po nila muna ako sa faculty ng paaralan bago ipaalam sa akin kung saan ako papasok ng silid."
Naintindihan naman ni Mr.Lawrence ang sinabi ni Mark at pumunta na sila sa paaralan para alamin ito. Paghatid ni Mr.Lawrence kala Mark sa paaralan ay nagpaalam na si Mark dito habang nasa loob pa ng sasakyan si Mr.Lawrence.
"Mag-iingat po kayo sa pag-da-drive Mr.Lawrence,"
"Salamat Mark."
Tiningnan nila si Renzo dahil hindi man lang ito nagpaalam sa papa niya pero napalingon naman din kaagad si Mark kay Mr.Lawrence dahil nagsalita ito.
"Pasensya ka na kay Renzo hindi talaga nila ugaling magpaalam."
"Okay lang po, tumatanda lang po siguro sila at nahihiya ng magpaalam sa magulang."
"Mukhang ganun na nga."
"Oh sige na at pupunta ka pa sa faculty room."
"Opo, mag-iingat po kayo ulit."
Humakbang si Mark ng isa palayo sa sasakyan ni Mr.Lawrence at yumuko ito habang nakangiti naman si Mr.Lawrence kay Mark dahil sa magalang nitong ugali na ipinakita sa kanya. Umalis na si Mr.Lawrence sa tapat ni Mark, kaya tumalikod na rin si Mark at pumasok ng paaralan, papunta sa faculty room. Pagpasok ni Mark sa faculty room sinabi niya kaagad na transfer student siya at kung saan ba dapat siya pupunta. Lumapit siya sa lalakeng guro at nagtanong pero hindi pinatapos ng guro si Mark sa pagsasalita dahil ng marinig nito ang salitang transfer, hindi ito nagsalita at tinuro lang kaagad nito kung saan dapat na pumunta.
"Hello po, transfer stu-"
"Doon po?"
Tiningnan ni Mark kung saan nakaturo ang lalakeng guro at doon si Mark pumunta. Mukhang nagmamadali rin ang lalakeng guro, kaya paglingon ni Mark ulit dito bago pa siya makalapit sa pupuntahan ay nawala na ito sa likod niya, kaya hindi na siya nakapagpasalamat. Sumilip si Mark sa gilid at nagtanong kung dito ba dapat talaga pupunta ang mga transfer student.
"Hello po,"
"Yes?"
"Transfer student po ako at sinabi po na dito muna ako pupunta bago ako ipunta sa kwarto na papasukan ko na lagi."
"You must be the person who Mr.Lawrence talks about."
"Kilala niyo po si Mr.Lawrence?"
"Yes, but wait, what is your name again?"
"Mark Vil po."
"Okay, let me see."
Tiningnan ng babaeng guro sa laptop niya kung saang kwarto nakalagay si Mark hanggang sa makita na niya nga ang pangalan ni Mark sa listahan, kaya ibinalik na nito ang tingin kay Mark.
"Follow me."
Sinundan ni Mark ang babaeng guro hanggang sa ipunta siya nito sa Class 2-A, nagsisimula na ang klase nila pero pinatigil na muna nito ng guro dahil nga ipapakilala muna si Mark sa mga bagong magiging kaklase niya. Paglabas ng guro na nasa loob ng kwarto kinausap siya ng babaeng guro tungkol kay Mark at pinapasok naman kaagad si Mark sa loob habang ang babaeng guro na naghatid sa kanya ay umalis na dahil na hatid naman niya na si Mark. Tinginan ang mga estudyante kay Mark at ganun din si Mark sa mga estudyante hanggang sa makita niya si Renzo na nasa gitnang upuan ng kwarto nakaupo at magiging magkaklase sila pero nakaiwas ito ng tingin kay Mark. Alam ni Mark kung ano ang ibig sabihin ng pag-iwas ng tingin ni Renzo sa harapan, kaya alam niya rin kung anong gagawin niya kay Renzo. Hindi ito kakawayan ni Mark para hindi malaman ng iba na magkakilala sila.
"Okay class, we have a new student here."
"Ang pangalan ko ay Mark Vil at isa akong transfer student."
Nag-expect ang lahat ng mahabang sasabihin pero 'yon lang ang natanggap nila kay Mark. Nagtaka si Mark kung bakit ganun na lang ang tingin nila sa kanya pero mabuti na lang at sumingit ang guro para tapusin ng maayos ang pagpapakilala ni Mark
"Okay, you can choose your seat for now."
Tiningnan ni Mark ang apat na upuan na bakante at pinili niya ang upuan na malayo kay Renzo, kaya sa dulo umupo si Mark, sa may bandang bintana ng kwarto. Nagpatuloy na ang guro sa pagtuturo habang inaayos pa ni Mark ang mga gamit niya sa bag. Nang maayos niya na ay nakinig na siya ng mabuti sa guro nila hanggang sa matapos ito sa pagtuturo. Hindi pa oras ng pag kain nila dahil inaantay lang nila ang susunod na magtuturo sa kanila pero habang wala pa ay nagpapahinga muna sila. Dahil nasa bandang dulo si Mark, mas nakikita ni Mark si Renzo pero wala naman itong ibang ginagawa dahil wala namang kumakausap dito. Naisip ni Mark na baka masungit ito dahil hindi pa ito nakakaranas ng kaibigan. Tatayo na sana siya para lumapit kay Renzo at kausapin pero bigla na lang dumating ang susunod na magtuturo sa kanila, kaya bumalik na lang sa pagkakaupo si Mark.