CHAPTER 16

1277 Words
Ilang klase rin ang nakalipas bago dumating ang oras nang sabay-sabay na pag kain ng mga estudyante. Katulad ng inaasahan na unang lumabas si Renzo kay Mark. Inaayos pa ni Mark ang gamit niya habang si Renzo naman ay lumabas na sa kwarto para pumunta sa cafeteria, pero ng masilid naman na ni Mark ang mga gamit niya ay pumunta na rin siya sa cafeteria. Sa ngayon na first time niya sa paaralan, sinubukan niya muna ang pagkain na kinakain niya rin dati sa school niya at pagkatapos ay naghanap na siya ng makakainan niya. Hinanap niya si Renzo pero wala siyang mahanap na Renzo. Pumunta na lang siya sa walang taong upuan at doon umupo para tahimik ang pagkain niya. Maya-maya pa habang kumakain siya nakita niya si Renzo na pumasok sa cafeteria. Nagtaka si Mark habang kumakain dahil na una itong lumabas sa kwarto nila kanina pero ngayon lang dumating sa cafeteria. Inisip na lang ni Mark na baka inutusan na naman ito ng guro o may pinupuntahan lang si Renzo lagi bago kumain. Hindi nagpahalata si Mark kay Renzo na nakatingin ito sa kanya dahil baka magalit ito at lalo lang magsungit pero base sa libreng upuan sa cafeteria ngayong oras, mukhang mapapaupo si Renzo sa tabi ni Mark dahil nga late na dumating si Renzo, na ubusan na siya ng mauupuan. Walang gaanong dumidikit kay Mark dahil nga ganun naman talaga sa umpisa pag-ka-transfer student ka. Pag wala kang nakilala sa unang klase mo bago ang oras ng pag kain walang tatabi sayo dahil hindi ka nila makakwentuhan tungkol sa nangyari sa kanila kahapon o noong isang araw. Nasa malayong lamesa nakapwesto si Mark at nakikita niya ang bawat kilos ni Renzo habang kumukuha ng pagkain. Ang akala ni Mark na tatabi si Renzo sa kanya pagtapos nitong kumuha ng pagkain ay hindi pala mangyayari dahil dirediretso itong lumabas sa cafeteria. Hindi alam ni Mark kung saan pupunta si Renzo pero inubos na muna ni Mark ang sarili niyang pagkain sa loob ng cafeteria dahil konti na lang naman ito bago niya alamin kung saan kumain si Renzo. Niligpit ni Mark ang pagkain niya at binalik ito sa harapan ng cafeteria tsaka siya lumabas sa gusali. Mula sa pangalawang floor ng gusali, nakita niya si Renzo na mag-isang nakaupo sa upuan na inupuan niya noong pumunta siya dito at hinintay niya si Renzo para igala siya nito dahil pinilit siya ni Mr.Lawrence. Pinagmasdan lang ni Mark si Renzo habang iniisip ni Mark kung gaano siya nagkamali sa pagtingin kay Renzo. Inakala kasi ni Mark na maraming kaibigan si Renzo pero parang wala, ni isa. Napagdesisyonan ni Mark na bumaba at pumunta sa pwesto ni Renzo para kausapin ito dahil baka iba rin ang iniisip niya kay Renzo na ayaw nitong lapitan siya ni Mark. Pag-upo ni Mark sa tabi ni Renzo, hindi umalis si Renzo at nagpatuloy lang ito sa pag kain. Sinubukan ni Mark na magpakilala pero hindi maganda ang kinalabasan. "Ako nga pala si Mark." Tiningnan ni Renzo si Mark mula sa mata hanggang sa kamay dahil nakikipag kamay si Mark at ibinalik rin kaagad sa mata. "Alam mong magkakilala na tayo hindi ba?" Natawang na o-awkward-an si Mark habang nakatigil naman si Renzo sa pagsubo ng pagkain nang sinubukan ni Mark magpakilala kay Renzo. "Pasensya na, akala ko ayaw mong maging magkakilala tayo dito sa school." Tinuloy na ni Renzo ang pagkain niya habang nakatingin sa harapan ng building. Si Mark naman ay binawi ang kamay niya at ipinatong na lang ito sa hita matapos na hindi makipag kamay ni Renzo. "Ayaw ko nga." "Eh bakit mo ako kinakausap ngayon?" "Hindi ba ikaw ang unang lumapit?" Naguluhan si Mark sa gustong iparating ni Renzo sa kanya, kaya tumahimik si Mark ng saglit at iniba niya na lang ang usapan pagkaharap kay Renzo. "Wala ka bang kaibigan dito?" "Gusto mo bang maging kaibigan ko?" "Akala ko ba ayaw mo?" "Ayaw ko nga." "Eh bakit mo sinabi na gusto ba kitang kaibiganin?" "Kasi ikaw ang unang lumapit sa akin kanina." Bumalik lang ang usapan nila sa magulo at sinara na ng tuluyan ni Mark ang bibig niya habang nakaharap, hanggang sa maubos na ng tuluyan ni Renzo ang pagkain niya ng hindi sila nakakapag-usap ng matino ni Mark, pero pagtayo ni Renzo inaya niya si Mark na sabay umuwi mamaya para makapag-usap. Hindi kasi sinusundo si Renzo ni Mr.Lawrence tuwing uuwi. Hinahatid lang lagi si Renzo sa paaralan pero hindi siya sinusundo pag-uwian dahil may trabaho pa si Mr.Lawrence ng mga oras na 'yon. "Hintayin mo ko dito pag-uwi, sabay na tayo." Hindi nakapag-reply si Mark sa sinabi ni Renzo dahil nagulat siya na marunong pa lang mag-aya si Renzo. Hinayaan na ni Mark si Renzo umalis sa harapan niya dahil ibabalik pa ni Renzo sa cafeteria ang kinainan niya. Samantala si Mark naman ay nanatili muna sa upuan na nakaupo habang hindi pa oras ng klase. Pagkatapos ng huling klase nila Mark ngayon araw ay nauna ng lumabas si Mark sa kwarto para hintayin si Renzo sa upuan, sa labas ng gusali. Saglit lang naman na nag-antay si Mark sa labas pero ng lumabas si Renzo wala ng katao-tao non sa school, kaya nagtaka rin si Mark kung anong ginawa ni Renzo. Paglabas ni Renzo sa building tinanong siya kaagad ni Mark kung ano ang ginawa niya sa itaas. "Ikaw ba ang nakaatas maglinis ng kwarto?" Tumango si Renzo habang naglalakad at tinitingnan ang loob ng bag kung may nakalimutan ba siya. "Ano naman ang hinahanap mo sa loob ng bag mo?" "Tsinetsek ko lang kung may nakalimutan ba ako," "Ahh," Matapos matsek ni Renzo na wala naman siyang nakalimutan humarap na sila sa daanan at lumabas na sa paaralan. Hindi naman sila gaano nakapag-usap sa daan hanggang sa maisip ni Renzo na pumunta sa bahay ni Mark para tingnan kung ano ang itsura nito. Maghihiwalay na sana sila ng daan dahil mag-bu-bus lang si Renzo at magtretren naman si Mark. "Ano nga palang itsura ng bahay mo?" "Bakit? gusto mo bang pumunta?" "May wifi ba sa inyo?" "Meron," "Eh may matutulugan ba ako don?" "Huh?" Nagtaka si Mark kung tama ba ang pagkakarinig niya na may plano si Renzo na matulog sa bahay niya habang hawak nito ang cellphone niya. "Matutulog ako sa bahay niyo dahil kailangan ko rin ng katulong sa homework ko at alam kong ganun ka rin sa homework mo." "Teka lang, tanungin ko mu-" "Tine-text ko na ngayon sila mama't papa kung pwede ba ako magpalipas ng gabi sa bahay mo dahil sa homework natin, kaya wag ka ng mag-abala pa na bunutin 'yang cellphone mo." "Anong sabi nila?" Pinakita ni Renzo ang cellphone niya habang nag-pa-panic si Mark dahil anak nila Mr.Lawrence si Renzo at alam niyang strick si Mr.Lawrence pagdating sa mga anak niya. "Syempre pumayag sila, ano pang in-expect mo? sila nga ang may gusto na maging magkaibigan tayo." Nakahinga ng maluwag si Mark at nawala ang pagka-panic niya. "Sabagay," "Anyway, may makakain naman siguro sa bahay niyo 'di ba?" "Oo, pero kung luto ko ang hanap mo wag kang magsisi na ako ang pinagluto mo." "Hindi naman kita pinagluluto, marunong ako magluto." Hindi naman na nagtaka si Mark dahil may kapatid at ina si Renzo na magaling magluto pero na pangiti pa rin si Mark dahil sa confidence ni Renzo pagdating sa mga bagay. "Kung ganun ikaw ang magluluto ah." Hindi na nag-reply si Renzo sa sinabi ni Mark dahil alam din naman ni Renzo na mangyayari 'yon kapagpumunta siya sa bahay ni Mark, matapos niyang marinig ang sinabi ni Mark kay Mr.Lawrence sa sasakyan na natututo palang ito magluto ng pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD