Pagdating nila Renzo sa bahay ni Mark pinagluto kaagad ni Mark si Renzo bago gumawa ng homework. Hindi naman na offend si Renzo sa pag-uutos ni Mark dahil gutom na rin naman si Renzo.
"Magluto ka na bilis,"
Ngumisi lang si Renzo kay Mark habang nagtatanggal ito ng sapatos. Sumunod na rin si Mark sa pagtatanggal ng sapatos pagkatapos nitong isara ang pinto. Bago makapunta si Renzo sa kusina tinanong niya muna si Mark.
"May mga ingredients ka pa ba sa ref?"
"Oo, tingnan mo lang diyan."
Inilapag na muna ni Renzo ang bag niya sa sala at binuksan ang ilaw. Nang matanggal na ni Mark ang sapatos niya sa paa, sinabihan niya muna si Renzo na maliligo siya.
"Ikaw na muna ang bahala diyan, maliligo muna ako."
Hindi naman sumagot si Renzo dahil busy na ito sa pagtingin ng ingredients sa refrigerator kung ano ang mga pwede niyang lutuin. Nang alam niya na ang kanyang lulutuin, nilabas niya na ang lahat ng ingredients na kailangan niya sa refrigerator at nag-umpisa ng magluto.
Na unang matapos si Mark sa pagligo ay lumabas na siya sa kwarto, dala-dala ang bag para ilagay din sa sala dahil sa sala sila gagawa ng homework ni Renzo. Umupo si Mark sa sofa at pinatuyo ang buhok niya habang kinakausap niya si Renzo tungkol sa niluluto nitong pagkain.
"Tapos ka na ba sa niluluto mo?"
"Malapit na,"
"Pagkatapos niyan, dalhin mo na kaagad dito para makakain na tayo."
"Pwede bang maligo na muna rin ako?"
"Ay sige, iwanan mo na 'yan diyan at maligo ka na para paglabas mo kakain na lang tayo."
"Wag mong kakalimutang patayin at hindi natin ito makakain pag nasunog."
Tumayo si Mark at lumapit kay Renzo para itulak ito sa isa pang banyo na nasa labas ng kwarto ni Mark.
"Sige na, sige na, maligo ka na."
Tinulak ni Mark si Renzo hanggang sa pintuan ng banyo pero napatigil din si Mark dahil walang extrang damit na dala si Renzo.
"Teka lang, teka lang,"
"Yung tuwalya?"
"At tsaka wala akong extrang damit, kaya kailangan mo pa akong pahiramin."
Pumasok ulit si Mark sa kwarto niya at kumuha ng mapapahiram niyang damit kay Renzo. Sumilip si Renzo sa kwarto ni Mark dahil hindi sinarado ni Mark ang pinto ng kwarto niya habang kumukuha ng damit. Wala namang kung ano sa kwarto ni Mark, normal at simpleng kwarto lang.
"Wow-"
Tumingin si Mark kay Renzo dahil sa ni-react nito sa kwarto niya. Akala ni Mark na gandahan si Renzo pero hindi pa pala tapos si Renzo sa pagsasalita.
"Walang kakaiba,"
Na pa ngisi si Mark habang umiiling kay Renzo at ibinalik na lang ulit ang tingin sa loob ng cabinet habang kumukuha ng damit. Paglabas ni Mark ng damit niya sa cabinet binigay niya kaagad ito kay Renzo at lumabas na ng kwarto. Kinuha naman ni Renzo ang damit na inabot sa kanya ni Mark at tumuro naman si Mark sa loob ng banyo para sa tuwalya, tsaka nagpasalamat si Renzo bago ito pumasok sa loob ng banyo.
"Nasa loob na ng banyo yung tuwalya."
"Salamat,"
"Sige na at nagugutom na ako."
Hinawakan ni Mark si Renzo sa likod at tinulak ito ng mahina papasok sa banyo. Pagsara ni Renzo sa pintuan ng banyo, pumunta na si Mark sa kusina para tingnan ang niluluto ni Renzo. Kinuha ni Mark ang sandok at tinikman ang luto ni Renzo. Nasarapan si Mark sa luto ni Renzo, kaya pinatay niya na ang kalan, binaba niya ang sandok at kumuha siya ng plato pati na ng kutsara. Inunahan niya na sa pag kain si Renzo ng niluto mismo ni Renzo dahil hindi na matiis ni Mark ang gutom at sarap ng niluto ni Renzo.
Bago pa matapos si Mark sa pagkain bigla na lang sumulpot si Renzo sa gilid ng kusina dahil tapos na siya maligo. Napahinto si Mark sa pagsubo dahil nakatapat siya kay Renzo ng lumabas ito sa banyo. Akala ni Mark papagalitan siya ni Renzo nang tingnan siya ng seryoso nito sa mukha, pero iniwas lang ni Renzo ang tingin niya kay Mark at nagtuloy-tuloy lang sa paglakad hanggang sa sala habang pinapatuyo ang buhok gamit ang maliit na tuwalya. Umakting si Mark na parang wala lang at inubos niya na ang pagkain niya sa plato. Nilagay niya naman kaagad ang plato sa lababo at lumapit na siya sa sala. Pag-upo ni Mark sa lapag ay agad niyang sinalubong si Renzo ng gagawin nila kahit hindi pa kumakain si Renzo ng niluto niya.
"Tara na gumawa na tayo,"
Tumingin si Renzo kay Mark ng masama katulad ng palaging tingin ni Renzo kay Mark tuwing hindi tama ang nangyayari o sinasabi.
"Sabi ko nga kakain ka muna, teka lang at sasandukan kita."
Tumayo ulit si Mark at pumunta sa kusina para sandukan si Renzo ng kanin at pagkain. Bumalik naman kaagad si Mark sa sala at inabot niya ang pagkain kay Renzo. Nagsimula si Renzo sa pag kain at naisipan naman ni Mark na buksan ang T.V dahil hindi pa naman sila gagawa ng homework. Inantay ni Mark matapos si Renzo sa pagkain hanggang sa gawin na talaga nila ang homework nila, kaya pinatay na ni Mark ang T.V at nag-focus sila sa gagawin nila para matapos na kaagad. Isa't kalahating oras din ang ginugol nila sa lahat ng homework na meron sila. Niligpit ni Renzo ang mga gamit na ginamit niya sa bag habang si Mark naman ay iniwan lang ang mga gamit niya sa ibabaw ng maliit na lamesa na nakalagay sa gitna ng sala. Pumunta kasi si Mark sa kwarto niya at akala ni Renzo matutulog na ito, pero ilang saglit lang ay lumabas rin sa kwarto niya si Mark pagkatapos nitong pumasok. May dala-dalang dalawang kumot at dalawang unan.
"Akala ko matutulog ka na,"
Bago sumagot si Mark sa sinabi ni Renzo, nilapag muna ni Mark ang dala-dala niya sa sofa.
"Alam kong bukod sa homework, gusto mo rin ako makausap."
Si Renzo naman ang hindi sumagot dahil tama lang ang sinabi ni Mark sa kanya. Binigay ni Mark ang isang unan kay Renzo at nilapag naman ang isa pang unan na dala-dala niya sa kabilang dulo ng sofa. L ang shape ng sofa, kaya sa isang linya si Mark pupwesto at sa kabilang linya naman si Renzo. Ibinigay din ni Mark ang gagamitin na kumot ni Renzo bago siya umupo sa pwesto niya.
"Paano mo nalaman na gusto rin kitang makausap bukod sa homework na gagawin natin?"
"Siguro, mas naging sensitibo lang ako simula ng namatay sila mama't papa."
Napatahimik si Renzo sa sinabing iyon ni Mark pero humiga kaagad si Mark para makaiwas sa negatibong dala ng salitang sinabi niya.