Pagtalikod ng higa ni Mark, agad niyang binalot ng kumot ang kanyang katawan pero kinakausap niya pa rin si Renzo.
"Minsan mo na bang naramdaman ang isang bagay na gusto mong patunayan sa iba ang pinapaniwalaan mo pero alam mong hindi nila ito makikita dahil hindi sila katulad mo?"
Akala ni Mark nakatulog na si Renzo dahil hindi ito sumasagot, kaya humarap siya. Nakita niyang nakaupo lang ito at nag-iisip habang nakatingin sa harapan kahit patay ang T.V pero ilang saglit lang ay sinagot nito ang tanong ni Mark.
"Hindi, dahil ikaw na rin ang nagsabi na hindi sila katulad mo at kasama na ako sa sinabi mong 'yon, hindi ba?"
"Hindi naman 'yon ang ibig-"
"Pero sa tingin ko."
Bago ituloy ni Renzo ang sasabihin niya tiningnan niya muna sa mata si Mark matapos nitong hindi matuloy ang sinabi niya.
"Pero sa tingin ko kung ganun ka, isa ka sa mga espesyal na tao dito sa mundo."
"One of a kind."
Hindi nakasagot si Mark sa sinabing 'yon ni Renzo, nakuha kasi ni Renzo ang comfort zone ni Mark pero dahil nga hindi nakaimik si Mark, na ilang si Renzo. Nakatitig kasi si Mark kay Renzo. Humiga na lang si Renzo ng diretso sa isang linya ng sofa at nagkumot. Natauhan naman din si Mark nang matapos si Renzo sa paghiga at dahil don humiga na rin siya ng diretso. Nakatingin silang parehas ngayon sa ceiling habang nag-uusap tungkol sa mga problema. Nauna magsalita si Mark dahil nakita niya rin naman ang ni-react ni Renzo nung nagkatitigan sila nito matapos ni Renzo sabihin na espesyal si Mark.
"Pasensya ka na si mama't papa lang kasi ang nagsasabi sa akin dati na espsyal ako."
Huminga ng malalim si Renzo at inayos ang pagpatong ng ulo niya sa unan habang si Mark naman ay inaalala ang mga magulang niya, para bang ginuguhit ang mukha ng magulang niya sa ceiling gamit ang isip.
"Alam mo, kailangan mo lang naman isipin na positibo ang kakaiba sa pagkatao mo para maramdaman mong espesyal ka."
"Alam ko naman ang ibig mong sabihin pero iba pa rin talaga pag-alam mo kung ano ang mga nakikita ko."
Naguluhan na si Renzo sa sinasabi ni Mark, kaya tumagilid siya ng higa, paharap kay Kai. Napalingon lang si Mark ng mabilis dahil narinig niya ang ingay ng sofa pero hindi ito tumagilid kagaya ng ginawa ni Renzo.
"Bakit hindi mo na lang kaya sabihin sa akin kung ano ang mga ibig sabihin ng sinabi mo?"
Medyo nagulat si Mark sa biglaang pagtaas ng boses ni Renzo. Hindi naman totally sumigaw si Renzo, pataas lang ang tono niya dahil pag pinagpatuloy pa nila ang usapan na ganun ng hindi ipinapaliwanag ng maliwanag ni Mark ang mga ibig sabihin ng sinabi niya, maiiwan na lang si Renzo sa pinag-uusapan. Napagtanto rin naman ni Mark na kung gusto niya ng kaibigan na mapapagsabihan, kailangan niya munang sabihin kay Renzo ang mga kakaibang nangyayari sa kanya nung mga nakaraang araw pero nagdadalawang isip pa rin siya dahil nabago ng panahon ang ibang ugali niya, kaya hirap na siya medyo magtiwala.
"Ano na?"
"Matutulog na lang ako."
Tatalikod na sana si Renzo dahil ilang minuto rin hindi sumagot si Mark, nag-iisip pa rin kasi ito kung sasabihin niya hanggang sa makapili na si Mark ng desisyon at sasabihin niya na kay Renzo pero bago niya sabihin tumayo muna si Mark at kinuha ang librong itim sa kwarto niya.
"Saglit lang."
Bumalik naman rin si Mark at bumalik sila Renzo sa pag-upo sa sofa.
"Ano yan?"
Hindi naging komportable si Mark sa pag-upo sa sofa, kaya umupo ulit si Mark sa lapag at inilapag sa ibabaw ng lamesa ang librong itim. Tinapat ni Mark kay Renzo ang libro pero imbis na tanungin siya ni Renzo kung saan galing ang itim na libro ay biglang napagdudahan pa ni Renzo si Mark kung saan niya kinuha ang itim na libro.
"Hindi mo naman siguro kinuha 'yan sa library 'di ba?"
Na paatras ang mukha ni Mark dahil sa pagdududa ni Renzo habang nakatingin ito sa kanya at nakaturo sa libro.
"Binigay sa akin 'yan ni mama't papa bago sila mamatay."
"Ay ganun ba? Sorry."
Binalik ni Renzo ang tingin sa libro at umupo na rin sa lapag kagaya ni Mark para makita ng malapitan ang librong itm.
"Anong meron sa librong ito?"
"Buksan mo."
Binuksan ni Renzo ang libro at nakita ni Mark na binabasa ito ng mabuti ni Renzo pero isang akala lang pala 'yon dahil ilang saglit lang ay lumingon ulit si Renzo kay Mark na parang nagtataka.
"Wala naman eh,"
"Huh?"
Nagtataka rin si Mark kung bakit sinasabi ni Renzo na wala, kaya tinuro niya pa ito.
"Malinaw naman ang mga nakasulat diyan, tingnan mo ulit."
"Anong sinasabi mo?"
Hinawi ng mahina ni Renzo ang kamay ni Mark para magawa ni Renzo na ilipat ang mga pahina sa libro. Pagkababa ni Mark ng kamay niya si Renzo naman ang nagtuturo sa bawat pahina habang nililipat niya.
"Isang buong blangko na libro lang ang nakikita ko."
"Paanong-"
Napatayo si Mark dahil hindi siya makapaniwala sa sinasabi at ni-re-react ni Renzo, hanggang makaisip Mark ng paraan.
Kinuha niya ang cellphone niya at kinuhaan ng litrato ang pahina ng libro. Dinoble niya pa ang pagtingin dito kung malinaw na nakuha ba ng camera ang mga nakasulat at nakaguhit. Matapos ang ilang pagkuha ng litrato ni Mark sa mga pahina sa libro pinakita niya ulit ito kay Renzo. Tumabi si Mark kay Renzo at iginitna niya ang cellphone sa kanilang dalawa. Nilipat-lipat ni Renzo nang mabilis ang iilang litrato na kinuha ni Mark.
"Binibiro mo ba ako?"
"Bakit?”
"Hindi mo ba nakikita?"
Nagulat si Mark dahil biglang kinuha ni Renzo ang cellphone niya sa kamay at tinapat ito sa mukha ni Mark habang nililipat-lipat ang kinuhang litrato mismo ni Mark.
"Wala naman talagang nakasulat."
Binigay na ni Renzo ang cellphone ni Mark at umupo na sa sofa habang nakatulala pa rin si Mark at nahahati ang isip sa paanong hindi nakikita ni Renzo ang mga sulat pati na ang guhit ng kanyang magulang at ang isa naman ay sa paano paraan niya mapapatunayan kay Renzo na may nakasulat talaga sa libro, na hindi siya nagsisinungaling.
"Kalimutan mo na,"
Hihiga na sana si Renzo ulit sa sofa pero naramdaman niya ang guilty sa katawan niya dahil nakita niya ang mukha ni Mark na tuliro at mukhang dahil 'yon sa kung paano niya tinanggap ang pag-open ni Mark ng ganung usapan kahit pa hindi ito masabi ni Mark sa iba, pero kay Renzo nasabi niya.
"Sorry, pero wala talaga akong nakikita."
Humiga na ng tuluyan si Renzo patagilid sa pwestong hindi niya nakikita si Mark dahil hindi niya magawang tingnan ang mukha ni Mark habang nakaupo ito sa lapag at hindi makapaniwala sa nangyayari. Ang buong akala kasi ni Mark ay makikita ito ng kung sinong tao sa iba't ibang paraan pero parang wala ng paraan pa para makita ito ng normal na tao, katulad ni Renzo.