Inabot ng umaga si Mark kakaisip sa susunod niyang gagawin para mapaniwala si Renzo. Pagkagising ni Renzo sinalubong siya ni Mark ng panulat at kasama na ang librong itim. Napansin ni Renzo na parang hindi pa natutulog si Mark dahil mukha na itong zombie. Pinagalitan ni Renzo si Mark dahil may pasok pa sila mamaya pero ano ang ginagawa ni Mark? Hindi pa natutulog.
"Bakit hindi ka natulog?"
"Tingnan mo ito."
Iniwasan ni Mark ang tanong ni Renzo at inuna niya ang ginagawa niya. Binuksan ni Mark ang unang page ng libro at ginaya niya ang sulat ng kanyang ama gamit lang ang isang normal na panulat. Hindi ni Mark sinama ang guhit ng mama niya dahil hindi niya pa ito kayang gayahin. Tiningnan ni Renzo ang pinagsusulat ni Mark sa libro at nang matapos si Mark, tinapat na ni Mark ang libro sa harapan ni Renzo.
"Nababasa mo na ba?"
"Malamang oo, sinulatan mo na eh."
Na buhayan ng hininga si Mark, in the same hindi niya pa rin maisip kung ano ang hindi makita ni Renzo sa hindi makita ni Mark pero sa ngayon mas maayos na ang nangyayari. Habang nakahawak si Mark sa ulo niya nagulat siya ng biglang tapikin siya ng malakas sa likod ni Renzo.
"May pasok pa tayo mamaya."
"Ano bang ginawa mo buong gabi?"
Na patingin si Mark kay Renzo matapos nitong hampasin si Mark sabay tayo at ligpit ng hinigaan. Sumagot naman si Mark kaagad at tumuro sa libro.
"Nag-isip ako ng paran para maniwala ka, naniniwala ka na ba?"
Nakita ni Renzo ang nakakaawang mukha ni Mark, kaya wala siyang ibang ginawa kung hindi um-agree kay Mark.
"Oo, nakikita ko."
"Yung sulat mo."
Tumango si Mark ng isang beses at tumayo na rin. Tiningnan ni Renzo si Mark na parang nagtataka kung saan pupunta si Mark ng wala pang tulog.
"Ayos na 'yon sa ngayon."
"Sige, magkita na lang tayo sa klase."
Kinuha ni Renzo ang unan at kumot na hindi naman ginamit ni Mark para dalhin ito sa kwarto ni Mark. Hindi nagsalita si Renzo hanggang sa bumalik siya sa sala at hatakin si Mark papunta sa sariling kwarto nito.
"Hindi ka papasok ngayon, tingnan mo nga ‘yang mata mo."
"Wala 'to,"
Nang maipasok ni Renzo si Mark tinulak niya ito papasok sa kwarto at hindi pinalabas si Mark. Sinubukan ni Mark na buksan ang pinto pero hindi niya ito mabuksan dahil mas malakas ang pwersa ni Renzo, kaya sinubukan na lang siyang kausapin ni Mark.
"Alam mong hindi ka rin makakapasok kung hindi ka aalis diyan, hindi ba?"
"Matulog ka na diyan."
Pinipilit pa rin ni Renzo na patulugin si Mark hanggang sa tumigil na si Mark sa pagsasalita at paggalaw ng pinto. Binilisan ni Mark ang takbo niya para kumuha ng upuan na maipapang lock sa pinto ni Mark. Pagkakuha niya ng upuan, tumakbo siya pabalik sa tapat ng pinto ni Mark. Ipinangharang ni Renzo ang upuan na kinuha niya sa pintuan ni Mark at bigla na lang nagsalita si Mark sa loob ng kwarto.
"Nalagay mo na ba yung upuan?"
Nagtaka si Mark kung bakit alam ni Mark ang ginawa niya hanggang sa mabuksan ni Mark ang pinto niya ng walang hirap dahil sa kabilang side pala ang punta ng pintuan pagbubuksan. Pagbukas ng pinto, nakita ni Renzo si Mark na tinatapat sa kanya ang cellphone nito kasabay ng pagbagsak ng upuan na hinarang niya. Tiningnan ni Renzo kung ano ang pinapakita ni Mark sa cellphone, doon niya nakita ang sarili niya na nakatayo sa tapat ng kwarto ni Mark dahil may CCTV pala sa loob ng bahay ni Mark. Nakalagay ito sa may bandang sala at kitang-kita si Renzo sa pwesto niya, kung saan siya nakatayo.
"What the?"
Naguluhan si Renzo at pabalik-balik ang tingin sa pintuan at CCTV camera sa sala pero mabuti na lang nagsalita si Mark, kaya natauhan si Renzo.
"Hindi ako makikipagtalo sa 'yo."
"Kung ayaw mo ko pumasok, hindi ako papasok."
"Pero isama mo naman sa pagdala 'yung ginawa nating homework kagabi."
Naintindihan naman ni Renzo ang sinabi niya at pumunta na ulit sa sala para kuhain ang bag niya pati na ang homework ni Mark.
"Salamat,"
"Panghawakan mo 'yang sinabi mo ah, matulog ka."
Napaatras ng konti si Mark dahil tinuro siya ni Renzo pero agad rin naman binaba at hinatid na ni Mark si Renzo, papalabas ng bahay.
"Oo, huwag kang mag-alala."
Sinarado na ni Mark ang pinto at pumunta sa sala, hindi siya natulog kagaya ng pangako niya kay Renzo pero kasama rin naman sa ipinangako niya na hindi siya papasok at iyon ang ginawa niya. Hindi siya papasok para isulat sa itim na libro ang mga hindi makita ni Renzo. Inabot siya ng gabi bago niya matapos gayahin lahat ng nakasulat sa libro. Anong oras na at hindi pa rin si Mark inaantok dahil iniisip niya kung ano ang ginamit ng magulang niya sa pagsusulat para hindi makita ng normal na tao. Sinubukan ni Mark na tandaan ang mga pangyayari noong buhay pa ang magulang niya, kung may nakita ba siyang kakaibang panulat na ginagamit nila pero wala siyang matandaan. Nag-umpisa na si Mark mainis sa sarili pero hindi niya alam bakit bigla na lang nanghihina at pilit na bumagsak ang katawan niya sa sofa. Dahil ito sa iniisip niya ay na apektohan ang utak niya at ngayon hindi niya na nararamdaman na bibigay na pala ang kaniyang katawan, kaya nang bumigay ito, nabigla rin siya. Pag-gising ni Mark ay umaga na, nag-asikaso na siya sa sarili niya para makapasok ngayong araw. Habang kumakain siya at naghihintay ng oras para makaalis na, sinubukan niyang tawagan si Renzo para kumustahin ang homework na ginawa nila.
"Renzo?"
"Oh, maayos ka na ba?"
"Oo,"
"Teka papunta kami diyan ni papa, susunduin ka namin."
"Sa labas ko na kayo, hihintayin."
Binaba ni Renzo ang tawag at inubos na ni Mark ang kinakain niya. Sinama niya sa pagdala ang itim na libro para ipakita kay Renzo kung ano ang nagawa niya. Paglabas niya ng bahay naghintay pa siya ng konting minuto bago dumating ang mag-ama. Biglaang binukas ni Renzo ang harapang pintuan ng sasakyan at lumipat ng pwesto sa likod. Hindi nagawang bumati ni Mr.Lawrence dahil nagulat siya sa anak niya na parang excited makatabi si Mark. Nagulat din si Mark sa ginawang 'yon ni Renzo pero kinalaunan pinabayaan na lang rin nilang dalawa ni Mr.Lawrence at sa pagpasok na lang ni Mark sa sasakyan silang dalawa nagkumustahan, kasama na si Renzo.