"Renzo, may ipapakita ako sa 'yo."
"Mukhang alam ko na 'yan."
Nilabas ni Mark sa bag niya ang librong itim at na pansin ito ni Mr.Lawrence sa salamin. Nagulat si Mark at Renzo sa ginawa ni Mr.Lawrence dahil bigla nitong itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
"Ang librong 'yan,"
Tingnan ni Mark si Mr.Lawrence sa mukha dahil humarap ito sa kanila pagkatapos na ihinto nito ang sasakyan, samantala si Renzo naman ay na pa baba ng sasakyan dahil akala niya nakabangga sila. Habang wala si Renzo sa loob ng sasakyan, nagkaroon ng pagkakataon mag-usap si Mr.Lawrence at Mark tungkol sa libro.
"Ano pong nalalaman niyo sa librong ito Mr.Lawrence?"
"Isang beses ko lang nakita ang libro na 'yan."
Gustong kuhain ni Mr.Lawrence sa kamay ni Mark ang libro pero hindi niya ito basta kinuha lang bigla, nilapit ito ng dahan-dahan ni Mark sa kamay ni Mr.Lawrence. Alam kasi ni Mark na pwede siyang matulungan ni Mr.Lawrence kung ipapakita niya ang libro pero bigla na lang umatras ang kamay ni Mr.Lawrence sabay napatingin kay Mark ng iaabot na sa kanya dapat ni Mark ang libro.
"Bakit po?"
"Pwede ko bang tingnan?"
"Sige lang po, pero maari niyo po bang sabihin sa akin kung bakit alam niyo ang librong 'yan?"
Inabot na ulit ni Mark ang libro at Mr.Lawrence habang tumatango ito sa request ni Mark.
"Hindi ba galing ito kala Mr.Vil?"
"Opo, binigay po nila sa akin ang librong 'yan bago sila mamatay."
Hindi muna kaagad binuklat ni Mr.Lawrence ang libro at pinagmasdan niya lang ito mula harap hanggang likod bago niya ito buksan.
"Sinabi nila na-"
Pagkabukas ni Mr.Larence nagulat siya ng bigla niyang nakita na may sulat ito sa mga pahina at dahil don hindi niya natuloy ang dapat niyang sabihin kay Mark.
"Bakit po?"
"Bakit may sulat ito?"
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
Na patingin si Mr.Lawrence kay Mark pero hindi kaagad ito nakapagsalita dahil nairita ito sa seatbelt. Patuloy kasing hinahatak pabalik si Mr.Lawrence at hindi man lang nito naisip na tanggalin, marahil nadala siya ng emosyon. Pagkatapos niyang tanggalin ito ng mabilis lang, mas naging maayos na ang pagharap niya kay Mark pero ang problema naman nila ngayon ay pumasok na ulit si Renzo sa sasakyan.
"Pa, akala ko naman may nabangga ka na."
Magdadahilan pa sana si Mr.Lawrence pero hindi niya nagawa dahil bigla ulit nagsalita si Renzo.
"Bakit mo hawak ang libro ni Mark?"
"Teka, teka, sa daan na tayo mag-usap."
"Sa ngayon kailangan na natin umalis dahil baka mahuli kami sa klase namin."
Binigay na lang ulit ni Mr. Lawrence kay Mark ang libro at um-agree sa sinabi ni Renzo, kaya kinabit na ulit ni Mr.Lawrence ang seatbelt at pinaandar ang sasakyan.
"Tama ka,"
Bumalik na ulit sila sa kalsada at nag-drive papunta sa klase. Nagsimula ang usapan nila sa daan ng tinanong kaagad ni Renzo ang kanyang ama tungkol sa biglaan nitong pagtapak sa break ng sasakyan. Napansin din kasi ni Renzo na medyo hindi mapakali si Mr.Lawrence sa upuan niya at patingin-tingin ito sa salamin na nakatutok sa kanilang dalawa ni Mark. Hindi naman makapagsalita si Mr.Lawrence dahil akala niya hindi alam ni Renzo ang tungkol sa libro pero mabuti na lang ay nagsalita si Mark.
"Mr.Lawrence, ayos lang po na magsalita kayo tungkol sa libro kahit nandito si Renzo."
"Siya nga po ang dahilan kung bakit nilabas ko ang libro na ito, para ipakita sa kanya kung ano ang nakasulat sa loob."
Hindi naintindihan ni Renzo ang sinasabi ni Mark pero ng magsasalita na ito dapat, bigla namang sumingit si Mr.Lawrence dahil sinunod niya ang sinabi ni Mark.
"Iyon na nga ang problema."
"Ang alin po?"
"Wala dapat nakasulat sa mga pahina ng librong ito."
Hindi nakapagsalita si Mark at napalingon ng saglit kay Renzo, nagtataka si Mark sa sinabi ni Mr.Lawrence at ngayong iniisip ni Mark na kung tama ba ang ginawa niya sa libro na sinulatan niya ito para makita ni Renzo. Umiling-iling si Mark habang tumatawa na hindi dahil masaya kung 'di dahil masyadong magulo.
"Ano pong ibig sabihin niyo?"
"Hindi ko po maintindihan."
Sumingit naman si Renzo sa usapan nila habang pinagpapabalik-balik ang tingin nito kala Mark, kaya nabaling ang atensyon ng dalawa kay Renzo.
"Ako?"
"Hindi ko kayo maintindihang dalawa."
Tinigil ni Mr.Lawrence ang sasakyan pero hindi na biglaan. Hininto niya ulit ang sasakyan dahil sa stoplight. Tumingin si Mr.Lawrence kung ilang segundo ang itatagal ng redlight at ng makita niya na medyo matagal pa naman, tinanggal niya ulit ang seatbelt sa katawan niya at humarap kay Renzo.
"May lisensya ka na hindi ba?"
"Bakit?"
"Ikaw ang mag-drive."
Binuksan ni Mr.Lawrence ang pinto sa likod kung saan nakaupo si Renzo at tinulak niya papalabas si Renzo para lumipat ito sa pwesto niya. Dumaan naman si Mr.Lawrence sa gitna ng sasakyan para makalipat sa pwesto ni Mr.Lawrence. Nang makalipat na ang mag-ama ng pwesto, nagreklamo agad si Renzo pagpasok na pagkapasok niya sa sasakyan.
"Ano ba ang nangyayari sa inyo?"
"Sa daan ang tingin Renzo,"
"Huh?"
Medyo naiinis na si Renzo at tinitingnan lang sila ni Mark habang si Mr.Lawrence naman ay naka-focus lang kay Mark habang sinasabi nito ang kailangan niyang malaman sa libro.
"Pwede ko bang hawakan ulit ang libro?"
"Sige lang po,"
Inabot lang ulit ni Mark ang libro kay Mr.Lawrence. Ipinatong ni Mr.Lawrence ang isa niyang kamay sa ibabaw ng libro pagtanggap niya kay Mark.
"Isang beses ko lang ito nakita pero iyon rin ang una't huli ko."
"Bakit po?"
"Ano pong nangyari nung mga araw na 'yon?"
"Ngayon ko na lang ulit naalala ang tungkol dito, pagkakita ko pa lang sa librong ito dun ko pa lang naalala ang sinabi ng magulang mo tungkol sa librong ito.
"Sobrang tanda ko na talaga o baka dahil sobrang tagal na kasi ng pangyayaring 'yon.
Habang parang nag-da-daydream pa si Mr.Lawrence bigla niyang narinig ang boses ng kanyang anak na tinatawag siya.
"Pa!"
"Sabihin mo na lang kaagad kay Mark ang gusto niyang malaman."
Natauhan si Mr.Lawrence at muling nag-focus kay Mark at sa kanyang sasabihin dito.
"Pasensya na,"
"Pagkatapos ng araw na pagalingin ako ni Mr and Mrs.Vil noon, doon ko nakita ang libro na ito."
"Nasa kama ako noon, nakahiga."
"Hawak ng asawa ko ang kamay ko sa gilid ng kama habang nasa kabilang gilid naman ang magulang mo."
"Ipinasa ni Mrs.Vil kay Mr.Vil ang libro na ito dahil tapos na daw siya."
"Alam ko na may sinulat sila sa loob ng libro dahil nakita ko na may hawak silang medyo matabang panulat at iyon ang ginamit nilang panulat."
"Iba ang itsura ng panulat nila at mahilig ako sa mga panulat na kakaiba ang itsura, kaya tinanong ko sila kung saan nila binili ang panulat."
Nakinig ng mabuti si Mark tungkol sa panulat dahil baka ito na ang kasagutan para hanapin niya ang ipinansulat ng magulang niya noon sa librong itim, kaya hindi makita ng mga normal na tao kagaya ni Renzo ang totoong sulat ng magulang niya sa libro.
"Sinabi nila na nakuha lang rin nila ito pero hindi nila sinabi kung saan."
"Sinabi ko sa kanila ang hilig ko at 'yon ang pangongolekta ng mga iba't ibang panulat."
"Naintindihan naman nila ang gusto kong mangyari pero hindi nila ito gusto dahil hindi nila binebenta ang panulat."
"Masyado kasi akong nahilig sa pangongolekta ng mga panulat, kaya tinapat ko sila agad na gusto kong bilin ang panulat na hawak nila kahit gaano pa kamahal ito."
"Nang tanggihan nila ang gusto ko, tinanong ko na lang sa kanila kung ano ang sinusulat nila sa libro."
"Tinapat nila ito sa akin pero wala akong nakikitang sulat."
Nagulat si Mark at Renzo dahil sa sinabi ni Mr.Lawrence pero hindi sila nagsalita tungkol sa sinabi nito, ipinagpatuloy muna nila si Mr.Lawrence sa pagkwekwento habang nakatingin ito kay Mark.