CHAPTER 21

1151 Words
"Kukunin ko sana ng biglaan sa kamay ni Mr.Vil para matingnan ko ng mabuti pero agad niya itong nilayo at hindi pinahawak sa akin." "Ipinaliwanag naman nila kung bakit nila ayaw ipahawak sa akin ang libro." "Sinabi nila-" Inabangan pa lalo ni Mark ang mga susunod na sasabihin ni Mr.Lawrence dahil ang sinasabi ni Mr.Lawrence ngayon ay ang dapat na sasabihin nito kay Mark bago mapahinto ni Renzo si Mr.Lawrence sa pagsasalita nung pumasok si Renzo sa sasakyan kanina. "Sinabi nila na hindi ko pwedeng hawakan ang libro kung hindi nila sinasabi." "Hindi ko sila tinanong kung bakit pero sinabi pa rin nila." "Bago sila magpaliwanag sinabi nila sa amin na hindi namin pwedeng sabihin sa iba ang tungkol dito sa ginawa nila at tungkol sa mga sasabihin pa nila sa amin." "Pumayag kami ng mama ni Renzo kahit pa hindi namin alam kung gumaling na ba ako pero ganun pa man nagtiwala pa rin kami." Na pa singit si Mark sa pagsasalita ni Mr.Lawrence dahil nung kumain sila sa bahay nila Mr.Lawrence, sinabi ng mag-asawa na hindi nila alam kung paano nagawa ng magulang ni Mark na tanggalin ang sakit ni Mr.Lawrence. "Akala ko po ba hindi nila sinabi sa inyo kung paano nila nagawang tanggalin ang sakit niyo?" Tiningnan ni Mr.Lawrence sa mata si Mark at ipaliwanag ito ng maayos. Tiningnan rin ni Mark sa mata si Mr.Lawrence para makita niya kung nagsisinungaling ba si Mr.Lawrence. "Totoong hindi nila sinabi sa amin kung paano nila nagawa ang bagay na 'yon," "Pero sinabi nila sa amin ang tungkol sa librong ito." Hindi naman nakitaan ni Mark ng pagsisinungaling ang mata ni Mr.Lawrence, kaya ipinagpatuloy niya na ito sa pagkukwento. "Kaya nga ata nakalimutan namin ang bagay na ito ng asawa ko dahil hindi namin masyado pinag-usapan noon ang tungkol dito." "Sinabi lang nila na hindi namin ito pwedeng hawakan kung hindi sila ang magsasabi." "Ang sinabi nilang dahilan kung bakit bawal ay dahil pwede daw bumalik sa akin ang malubha kong sakit na tinanggal nila." Nawala sa focus sa pag-da-drive si Renzo, kaya bigla niyang napindot ang break. Naalala kasi ni Renzo na hinawakan niya ito pero hindi niya maalala kung sinabi ba ni Mark na hawakan niya ang libro. Hindi naman nagulat si Mark dahil tanda niya ang lahat ng sinabi niya bago niya ipahawak kay Renzo ang libro. Sinabi ni Mark kay Renzo na buksan niya ang libro, kaya si Mark pa rin ang nagbigay ng call kay Renzo na pwede niya itong hawakan o galawin. "Sorry, sige na pa, ituloy mo lang ang kwento." Hindi na lang pinansin ni Mr.Lawrence ang nagawa ni Renzo dahil umabante naman na rin ang sasakyan at may mas mahalaga pang dapat pag-usapan sila ni Mark bago sila makapunta sa paaralan. "Natakot kami at agad ko nang nilayo ang kamay ko sa libro para hindi ko ito mahawakan, kahit pa aksidente." "Pero gustong gusto ko talaga na hawakan ito noon para masuri kung totoo bang wala akong makita." "Simula noon hanggang sa namatay sila, hindi na talaga namin inalam ang lahat ng tungkol sa kanila o sa libro na iyon dahil takot kami, lalong lalo na ang asawa ko." Wala ang isip ni Renzo sa pinag-uusapan ni Mark at ni Mr.Lawrence dahil inaalala niya pa kung mamatay ba siya dahil hindi niya talaga matandaan kung binigyan siya ng permiso ni Mark na hawakan niya ang libro. Sa kabilang banda naman, natapos na si Mr.Lawrence sa pagpapaliwanag pero hindi pa tapos si Mark magtanong. "May tanong po ako." "Ano 'yon?" "Alam niyo po kung nasaan na ang panulat na ginamit nila?" Hindi kaagad nakasagot si Mr.Lawrence dahil na pababa muna ito ng tingin sa libro at inumpisahan niya na itong buksan ulit para tingnan kung ano ang mga nakasulat. "Pasensya na Mark pero hindi ko alam dahil natakot nga kami noon sa sinabi nila hanggang sa tumanda na kami lalo at makalimutan na namin ang tungkol dito." "Kung ganun po, sabihin niyo na lang po sa akin kung bakit po ganun na lang ang reaksyon niyo nung makita niyo po na may sulat ang mga pahina ng libro?" Binalik ulit ni Mr.Lawrence ang tingin niya sa mukha ni Mark at sinarado ang libro. "Paanong reaksyon?" "Para pong ayaw niyong makita na may nakasulat sa libro." "Naalala ko na sinabi rin nila kung bakit hindi ko nakikita ang mga sinusulat nila." "Ano pong sabi nila?" "Sinabi naman nila ang tungkol sa panulat." "Ano pong meron sa panulat?" Konti na lang ang natitirang kilometro sa kanila dahil malapit na sila sa paaralan pero ganun pa man tinuloy pa rin ni Mr.Lawrence ang pagkwento. "Ang panulat daw na 'yon ay kakambal ng libro na ito, kaya hindi nila pwedeng ibenta sa akin ang panulat." "Sinabi ko naman sa kanila na bakit hindi na lang ibang panulat ang ipangsulat nila sa libro dahil magkakapera naman din sila." "Sinabi nila na pag-ibang panulat ang pinangsulat nila sa libro, mamamatay ang libro." "Hindi namin naintindihan ng asawa ko ang sinabi nilang 'yon at naramdaman naman nila 'yon, kaya pumunit sila ng isang pilas ng papel sa libro at ibinigay ito sa amin." "Sinabi nila na kunin namin 'yon at sulatan namin ng kahit na ano gamit ang normal na panulat." "Kahit pa gusto kong kunin at subukan ang sinabi nila, hindi sa akin pinagawa ng asawa ko dahil sobra siyang natatakot na baka bumalik ang sakit ko sa oras na hawakan ko ang papel." "Ang ginawa na lang nila ay sila ang sumulat sa papel pagkatapos nilang humingi ng normal na panulat sa amin." "Sinulat nila ang pangalan nila sa papel at iniwan nila sa maliit na lamesa na nasa tabi ng kama ko, habang ginawa naman nilang pabigat ang babasagin na baso na ininuman nila para hindi ito tangayin ng hangin." "Hindi namin ito ginalaw ng ilang araw sa pwesto kung saan nilagay ng magulang mo hanggang sa dumating ang araw na mapansin namin na parang nasusunog ito pero wala kaming apoy na nakikita. Napatingin si Mark sa libro ng itim at inisip kung ganito rin ba ang mangyayari sa lahat ng pahina na nasulatan niya. Hindi naman lahat ng pahina ay sinulatan niya dahil may mga pahina rin ang librong itim na hindi nasulatan ng kanyang magulang. "Naging abo ito at sumama sa malakas na hangin, papalabas ng kwarto." "Tinanggal ko ang babasagin na bote at kinapa ang pwetan nito habang tinatangay pa ang mga naiwan na abot sa lamesa." "Mainit ng konti ang pwetan ng baso nang kapain ko, kaya nagtaka kami at itinapon na lang ang baso." "Dahil don mas naniwala kami sa mga magulang mo pero dahil nga matagal na rin ang pangyayaring 'yon at hindi naman nila ako madalas na kailangan, hindi kami nakakapag-usap sa mga bagay-bagay na katulad nito. Huminto ang sasakyan, sakto sa tapos nang pagsasalita ni Mr.Lawrence. Tinanggal ni Renzo ang seatbelt niya at lumingon kala Mark. "Nandito na tayo,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD