CHAPTER 22

1048 Words
Lumabas si Mark at Renzo sa kotse ni Mr.Lawrence, dala-dala ang itim na libro. Pagpasok nila sa gate ng school naisipan na ni Mark ilagay ang libro na itim sa loob ng bag dahil baka makita pa ito ng iba at habang nilalagay naman ni Mark ang libro sa bag, tinanong ni Renzo si Mark ng kabigla-bigla na tanong. Nag-pa-panic kasi si Renzo pero nagtataka lang si Mark. "Mamamatay na ba ako?" "Huh?" "Hindi mo ba natatandaan ang sinabi ni papa na tungkol sa paghinawakan ang libro na 'yan, ng hindi naman sinasabi ng original na may ari ay mamamatay?" "Wala naman siyang sinabing mamamatay ah?" "Anong wala?!" "Sinabi niya na babalik lang ang malubhang sakit niya." "Ganun na rin 'yon!" Na patingin si Mark sa harapan nila, samantala si Renzo naman ay hindi maalis ang tingin sa mukha ni Mark dahil inaabangan niya kung ano ang sasabihin ni Mark sa sinabi niya. "Sabagay," Binalik ni Mark ang tingin kay Renzo at nagpatuloy sila sa pag-uusap dahil hindi pa naman sila nakakapunta sa klase nila. Sinabihan ni Mark si Renzo na wala dapat itong ipag-alala pero dahil wala ngang maalala si Renzo, hindi mawala sa isip niya na mamamatay na siya. "Huwag ka mag-alala." "Paanong!-''' Napatahimik si Renzo ng biglang nakabangga siya ng kung ano sa harapan nila. Hindi alam ni Renzo kung ano ang nakabangga niya, kaya napatingin siya dito ng masama. Hindi niya alam kung anong gagawain niya ng makita niya ang masungit nilang guro pero mabuti na lang hinatak siya kaagad ni Mark sa braso at si Mark na rin ang nanghingi ng tawad para makaalis na sila sa harap nito. Nang makapasok na sila sa gusali ng paaralan ay nagawa ng sabihan ni Mark si Renzo dahil malayo na sila sa masungit nilang guro. "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, ano ka ba?" "Sinabi ko ng huwag kang mag-alala dahil hindi ka mamamatay," "Kung wala akong permiso na ibinigay sa 'yo bago mo hinawakan ang libro, patay ka na dapat, kagabi pa lang." Hindi nakapagsalita pa balik si Renzo hanggang makapasok sila sa klase nila. Natapos ang iilang klase at inimbitahan ni Mark si Renzo kumain dahil may sasabihin din siya dito. Hindi sila kumain sa loob ng cafeteria para wala silang makatabi na kung sino na makakarinig sa usapan nila. Kumain sila sa upuan, sa labas ng gusali kung saan nakita siya ni Mark nung isang araw na kumakain mag-isa.. "Gusto mo ba akong tulungan na masolusyonan ang mysteryo ng librong ito?" Nilabas ni Mark ang librong itim sa loob ng damit niya pero pinasok niya rin ulit dahil may mga tao pa rin naman na dumadaan. Medyo kumalma at naging si Renzo na si Renzo dahil sa gitna ng pangalawa nilang klase naalala niya na ang mga sinabi ni Mark at tama naman ang sinabi ni Mark na hindi siya mamamatay. Tumingin si Renzo kay Mark habang kumakain pero si Mark inuna munang makipag-usap kay Renzo bago nito galawin ang sarili niyang pagkain. "Hindi ba sinabi na ni papa ang tungkol sa pagsusulat mo gamit ang normal na panulat diyan sa libro na 'yan?" "Oo, pero tanda ko naman ang lahat." Nagulat si Renzo dahil medyo marami rin ang nakasulat sa mga pahina nung nasulyapan niya ito sa kotse, kaya hindi naniwala kaagad si Renzo pero totoo ang sinabi ni Mark, minsan lang talaga pag-na-pe-pressure siya na gugulo ang isip niya. Tiningnan ni Renzo si Mark na parang hindi ito naniwala pero ginawan naman ni Mark ng paraan ang hindi paniniwala ni Renzo sa sinabi niyang kabisado niya ang lahat ng nakasulat sa libro. "Gusto mo bang banggitin ko lahat sa 'yo ang nakasulat dito?" "Teka lang hawakan mo at babanggitin ko." Nilabas ni Mark ang libro sa katawan niya ulit at ipapahawak sana ito kay Renzo para tingnan kung kabisado ba talaga ni Mark ang lahat ng nakasulat. Natakot si Renzo dahil ayaw niya pang mamatay sa malubhang sakit katulad ng nangyari sa papa niya kahit pa hindi niya naman ito nakita kasi hindi pa siya pinapanganak noon. "Hindi na kailangan, naniniwala na ako agad sayo." "Hindi mo ba kailangan ng pruweba?" "Oo, hindi na kailangan." "Seryoso ka ba?" "Alam ko na agad dahil nakita ko sa mga mata mo na hindi ka nagsisinungaling." Tumawa ng peke si Renzo habang nakangiti at hindi naman ito na halata ni Mark sa pagsisinungaling. Humarap na si Mark at nilagay niya na ulit sa loob ng damit ang itim na libro para galawin na ang pagkain niya. "Pero kung talagang mamamatay ang libro na ito, pagkalipas ng ilang araw ay kailangan ko na kaagad makahanap ng next clue." "Saan ka naman hahanap ng next clue mo?" "Hindi ba tayo dapat 'yon?" "Tayo?" "Hindi pa ba tayo partner in crime?" Naduwal si Renzo sa sinabi ni Mark at natawa. Nagtaka naman si Mark dahil bakit bigla na lang naging ganun si Renzo. "Bakit hindi mo ba ako tutulungan?" "Sa tingin mo ba matutulungan kita?" "Oo," "Sige nga, sa paanong paraan naman?" Hindi rin alam ni Mark kung saan makakatulong si Renzo kung si Mark lang naman ang nakakakita sa mga curses, kaya matagal din nakasagot si Mark. "Basta, hindi ba pwedeng suportahan mo na lang ako dahil kaibigan mo na ako?" "Oo na, oo na, tumahimik ka na diyan at kumain para makabalik na tayo sa susunod na klase." Hindi na nagsalita si Mark dahil baka pagnagsalita pa siya ay magbago na ang isip ni Renzo. Inubos na nila ang pagkain nila at bumalik na sa klase. Naging maganda naman ang araw nila sa paaralan dahil medyo walang nagpagawa ng homework. Sabay silang umuwi ni Mark at Renzo pero naghiwalay din sila pagdating sa sakayan. Hindi muna pinatuloy ni Mark si Renzo sa bahay niya dahil may pinaplano si Mark at ayaw niya muna ito sabihin kay Renzo dahil hindi pa siya tapos. "Hindi mo muna siguro ako makakausap o makakasama sa mga susunod na araw Renzo." "Hindi ba magandang balita 'yon?" Tumawa na lang si Mark pero ipinaliwanag niya pa rin kay Renzo kung bakit. Hindi man halata kay Renzo pero nakikinig rin siya sa sinasabi ni Mark. "Sasabihan kita pagnakahanap na ako ng lead sa next clue natin." Tumango lang si Renzo ng isang beses at naghiwalay na sila ng dinaanan sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD